wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mahal Ko ang May Kapansanan

Total questions: 5

Worksheet time: 2mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa

taong may kapansanan?

a)

Pagtulong sa pagtawid sa kalsada

b)

Hindi pagpansin sa kapit-bahay na pilay.

c)

Pagtawanan ang taong may bingot

d)

Pag-bubully sa taong may kapansanan.

2.

Ang iyong kaklaseng may kapansanan ay umiiyak sa tindi ng sakit ng

kanyang ngipin. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Pabayaan lamang siyang umiyak

b)

Samahan siyang magpunta sa dentista upang magamot ang

sumasakit na ngipin

c)

Pagtawanan ang kaklaseng masakit ang ngipin

d)

Bigyan ng tsokolate ang kaklase upang lalo pang sumakit ang

ngipin.

3.

Pumunta ka sa tindahan at naabutan mong bumibili ang kapit-bahay mong pipi. Hindi maintindihan ng tindera kung ano ang kaniyang binibili. Nagkataong marunong ka sa sign language. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Panoorin lang ang kapitbahay na pipi

b)

Ipaliwanag sa tindera ang nais bilhin ng kapitbahay na pipi

c)

Pagtawanan ang kapitbahay na pipi

d)

Paalisin ang kapitbahay na pipi sa harap ng tindahan.

4.

Kaarawan ng iyong kaklase at ikaw ay dumalo sa kaniyang handaan. Nakita mo doon si Tina ang batang bulag na iyong kababata.

Narinig mo na gusto niyang uminom ng juice ngunit hind siya pinapansin ng may hawak nito. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Tatayo at kukuha ng juice upang ibigay sa kababata kong

bulag.

b)

Bibigyan ng juice at papatirin ang kababatang bulag upang

madapa

c)

Pagtawanan ang kababatang bulag

d)

Hindi na lang papansinin ang kababatang bulag

5.

Magkasama kayo ng nanay mo sa pagtawid sa kalsada. Hinihintay ninyo na maging berde ang ilaw trapiko para kayo ay makatawid. Nakita mong papatawid din ang isang batang pilay. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Hahayaan lang ang batang pilay na tumawid mag-isa

b)

Itutulak ang batang pilay pag naging berde ang ilaw trapiko

c)

Hindi papansinin ang batang pilay

d)

Aakayin at isasabay ang batang pilay sa pagtawid.