wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 9 Third Quarter Test Part 1

Total questions: 50

Worksheet time: 37mins

Name
Class
Date
1.

Anong klase ng panitikan mayroon ang Cyrpus?

a)

Pangyayari sa kapaligiran

b)

Pambibliya at rabiniko

c)

Kristyanismo

d)

Bagong Sagisag at Panlipunang Tula

2.

Anong klase ng panitikan mayroon ang Israel?

a)

Pangyayari sa kapaligiran

b)

Pambibliya at rabiniko

c)

Kristyanismo

d)

Bagong Sagisag at Panlipunang Tula

3.

Ang lugar na kilala na Muslim world at kilalang arid Asia ay ang _________________.

a)

Timog Asya

b)

Hilagang Asya

c)

Kanlurang Asya

d)

Silangang Asya

4.

Pinagbuklod ng wikang Arabic at relihiyong islam

a)

Silangang Asya

b)

Kanlurang Asya

c)

Timog Asya

d)

Timog-Silangang Asya

5.

Ang rehiyong pinagtagpuan ng hangganan ng tatlong mahalagang kontinente sa daigdig.

a)

Silangang Asya

b)

Timog Asya

c)

Gitnang Asya

d)

Kanlurang Asya

6.

Ang Kultura ng mga bansa sa rehiyong ito ay naimpluwensyahan ng relihiyong Hinduism, Islam, Buddhism at Jainism.

a)

Silangang Asya

b)

Timog Asya

c)

Timog-Silangang Asya

d)

Kanlurang Asya

7.

Ang parabula ay isang maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang _____ na pamantayan na ang mga kuwentong nakapaloob ay matatagpuan sa Bibliya. Ano ang salitang dapat ipuno sa patlang?

a)

Makasanlibutan

b)

Pakikipagkapwa

c)

Moral

d)

Natural

8.

Makatotohanan ang mga pangyayari sa isang parabula. Anong elemento ng parabula ang tinutukoy sa pahayag?

a)

Aral

b)

Banghay

c)

Paksa

d)

Tagpuan

9.

Ang _____ ay elemento ng parabula na tumutukoy maging sa oras na naganap ang kuwento.

a)

Tagpuan

b)

Aral

c)

Banghay

d)

Tauhan

10.

Maaaring may sangkap na misteryo ang parabula at may tonong _____.

a)

Nanunumbat

b)

Mapagmungkahi

c)

Mapangatwiran

d)

Nanenermon

11.

Sa parabulang "Ang Tusong Katiwala," natuklasan ng amo na niloloko siya kanyang katiwala dahil _____.

a)

ipinaalam ng kanyang asawa

b)

isinumbong sa amo ang katiwala

c)

isinuplong sa pulis ang katiwala

d)

pinaimbestigahan sa utusan

12.

Sang-ayon sa parabula, bakit ipinahahanda ng amo sa kanyang katiwala ang ulat ng pangangasiwa nito?

a)

dahil sa aalisin nang amo sa kanyang tungkulin ang katiwala

b)

dahil sa nais niyang suriin ang ulat bago gumawa ng pasya

c)

dahil sa palalayasin nang amo sa kanyang lupa ang katiwala

d)

dahil sa nais niyang bigyan pa ito ng isa pang pagkakataon

13.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa nilalamang karaniwang matatagpuan sa isang parabula?

a)

Nakikipag-usap si Hesus sa kanyang mga alagad at sa mga tao.

b)

Hinuhusgahan ni Hesus ang mga tao batay sa kanilang mga pagkakasala't kakulangan.

c)

Nakikipagkwentuhan ang Panginoon sa mga taong mabuti ang puso.

d)

Nangangatwiran ang Panginoon sa mga tao at inuutusan ang mga itong baguhin ang sarili.

14.

Ano ang kakayanan ng isang parabula?

a)

Magbigay ng masayang buhay

b)

Magbigay ng pagkakataon

c)

Magbigay-turo ng mga kaalamang pangkabuhayan

d)

Magbigay-gabay tungo sa tuwid na landas

15.

Ang Tusong Katiwala ay halimbawa ng Pabula.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Lahat ng nabanggit

d)

Wala sa nabanggit

16.

Maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan

a)

Mitolohiya

b)

Parabula

c)

Epiko

d)

Sanaysay

17.

ito ang mga karakter na gumaganap sa istorya o kwento.

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

banghay

d)

aral

18.

tumutukoy sa oras, panahon, at lugar na pinangyarihan ng kuwento

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

banghay

d)

aral

19.

Ito ay anyo ng panitikan na may itinatagong kahulugan na labas sa konteksto

a)

Parabula

b)

Pabula

c)

Maikling Kwento

d)

Anekdota

20.

Ano ang ginagamit ni Hesus upang magturo tungkol sa kaharian ng Diyos?

a)

Tula

b)

Pahayagan

c)

Talinghaga

d)

Panitikan

21.

Siya ang pinakatanyag sa larangan ng parabula

a)

Tula

b)

Kristopher Rosales

c)

HesuKristo

d)

Jospeh the Carpenter

22.

Anong dalawang salita ang ginamit upang mabuo ang salitang talinghaga na nangangahulugang nakatago o di-lantad?

a)

Talino at Hiwaga

b)

Talinoat mahika

c)

Tali at paghanga

d)

Talino at paghanga

23.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa Parabula?

a)

Ito ay binubuo ng siyam na uri

b)

Ito ay hango sa Banal na Kasulatan ng mga Muslim

c)

Ito ay kapupulutan ng aral ng mga bata

d)

Ito ay kalipunan ng mga kwento sa Bibliya

24.

Ano ang pagkakapareho ng parabula sa pabula?

a)

Ang parabula ay hango sa Banal na Kasulatan samantalang ang Pabula ay tumutukoy sa mga kwento na hayop ang tauhan

b)

Ang Pabula ay gumagamit ng mga karakter na hayop upang magbigay ng aral samantalang ang Parabula ay sa paraan ng Banal na Kaulatan

c)

Ang Pabula at Parabula ay walang pinagka-iba

d)

Ang Pabula ay may anim na uri samantalang ang parabula ay may isang katangian lamang

25.

"May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay niyo ang kanyang ari-arian."

a)

pagtataka

b)

pamamalabis

c)

lungkot

d)

pag-aalinlangan

26.

"Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa, hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos."

a)

lungkot

b)

panghihinayang

c)

pagmamalabis

d)

pagkaawa

27.

“Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.”

a)

pagmamalabis

b)

pag-aalinlangan

c)

pagkaawa

d)

panghihinayang

28.

“At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?”

a)

panghihinayang

b)

lungkot

c)

pagkaawa

d)

pag-aalinlangan

29.

Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.


Ano ang kahulugan ng idyomang "balitang-kutsero"?

a)

Walang katotohanan

b)

May halong paglilinlang

c)

Paraan ng Pagbibigay ng Impormasyon

d)

Paraan ng pakikipag-usap

30.

Alin sa mga sumusunod na pahayag na may idyoma ang tumutukoy sa mabuti o malinis ang kalooban?

a)

Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Davao.

b)

Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.

c)

Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.

d)

Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.

31.

Alin sa mga sumusunod ang hindi panitikan na mula sa Kanlurang Asya?

a)

Book of Steps

b)

The Prophet

c)

Poeme's D'Amour

d)

Divine Comedy

32.

Ang PARABULA ay_____________?

a)

Akdang Pampanitikan na umaakay sa tao sa tuwid na daan.

b)

Akdang pampanitikan na naglalayon magbigay impormasyon.

c)

Akdang pampanitikan na pinagbibidahan ng mga hayop.

d)

Akdang pampanitikan na naglalayong pumukaw ng atensyon.

33.

Ang parabula ay salitang Parabole sa wikang ________________.

a)

Aliman

b)

Griyego

c)

Catalan

d)

Hindu

34.

Ang akdang "Ang Tusong Katiwala" ay tungkol sa _______.

a)

Isang katiwala na binigyan ng amo ng malaking halaga dahil sa katalinuhang ipinamalas niya.

b)

Isang katiwala na ipinatapon sa malayong lugar dahil sa paglustay niya sa pag-aari ng amo sa kabila ng mga paliwanag niya rito.

c)

Isang katiwala na hinangaan ng lahat dahil hindi niya inangkin ang mga ari-arian, sa halip ay maayos niya itong naipamahagi sa mga mahihirap.

d)

Isang katiwala na naglustay ng pag-aari ng amo ngunit nakagawa ng paraan upang may tumanggap pa rin sa kaniya sakaling mawalan siya ng trabaho.

35.

Ang akdang "Ang Alibughang Anak" ay tungkol sa _____.

a)

Isang anak na masunurin sa kaniyang ama anuman ang iutos nito sa kaniya.

b)

Isang anak na umalis at muling bumalik sa kaniyang pamilya.

c)

Isang anak na nagpakalayo-layo at di na muling nagpakita pa.

d)

Isang anak na nagpamalas ng katapangan sa pagtatanggol ng kaharian.

36.

Ang parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap na____________?

a)

Misteryo

b)

Kasawian

c)

Katatawanan

d)

Katatakutan

37.

ang mensahe ng parabula ay isinusulat sa_____________?

a)

karaniwang salita

b)

idiyomatikong pahayag

c)

matalinghagang pahayag

d)

simbolismo

38.

Taglay ng parabula ang magkaroon ng linaw at maliwanagan ang isipan ng tao tungkol sa buhay. ano ang tawag dito.

a)

nilalaman

b)

elemento

c)

kakanyahan

d)

banghay

39.

Diyos ng Kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ng Mitolohiyang Ehipto

a)

Osiris

b)

Ra

c)

Set

d)

Isis

40.

Siya ang Diyos ng Araw ng Mitolohiyang Ehipto.

a)

Ra

b)

Osiris

c)

Isis

d)

Set

41.

Ito ang pangunahing pinagkukunan ng petrolyo sa buong daigdig.

a)

Kanlurang asya

b)

Timog Asya

c)

Ehipto

d)

Timog-Kanlurang Asya

42.

Bakit naiinggit ang kapatid niyang si set kay Osiris na naging dahilan ng paggawa ng masama dit?

a)

dahil bukod sa Siya ay diyos naging paraoh din siya

b)

dahil makapangyarihan ito

c)

dahil mahal siya ng mga tao

d)

lahat ng nabanggit

43.

Nagniningning ang mga tala sa langit kung gabi. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

buwan

b)

listahan

c)

bituin

d)

impormasyon

44.

Libot nila ang di-maliparang uwak na mga bukirin at gubat. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

Maraming tanim

b)

Walang makikitang uwak

c)

malawak

d)

Lumilipad na uwak

45.

Mula nang mamatay ang kanyang ama, pikit-matang nailipat kay Dagambu ang pamumuno sa mga dagang bukid. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

Walang kabuluhan

b)

kagustuhan

c)

Sapilitan

d)

Pumikit ang mata

46.

Tukuyin kung anong idyoma ang bubuo sa diwa ng pangungusap.


Ang pangalawang anak ay sinasabing _________ ng pamilya.

a)

putok sa buho

b)

itim na tupa

c)

pusong mamon

47.

Tukuyin kung anong idyoma ang bubuo sa diwa ng pangungusap.


Hindi pinaniniwalaan si Liezl dahil kadalasan ang sinasabi niya ay pawang _____________ lamang.

a)

balat-kalabaw

b)

balat sibuyas

c)

kwentong barbero

48.

Tukuyin kung anong idyoma ang bubuo sa diwa ng pangungusap.


Si Arlene ay __________ kung kumilos kaya palagi siyang huli sa pagpasok.

a)

usad pagong

b)

nagsusunog ng kilay

c)

lantang gulay

49.

Tukuyin kung anong idyoma ang bubuo sa diwa ng pangungusap.


Nakikita ni Marjoe na _________ sa kanyang mga plano si Chirstine kaya tinapos niya ang buhay nito.

a)

abot tanaw

b)

matalas ang tainga

c)

tinik sa lalamunan

50.

Ito ay tawag sa kanlurang asya kung saan hango ang pangalang ito sa malawak na disyerto at tuyong lugar kung dahil masyadong tigang ang mga lupain at mabuhangin.

a)

Arid Region

b)

dry Asia

c)

Arid Asia

d)

Moslem World