wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

G7 Buwanang Pagsusulit

Total questions: 35

Worksheet time: 28mins

Name
Class
Date
1.

Ina ng tatlong magkakapatid at asawa ng Hari ng Berbanya.

a)

Donya Leonora

b)

Donya Maria

c)

Reyna Valeriana

d)

Reyna Crosita

2.

Saang bundok matatagpuan ang ibong adarna?

a)

Makiling

b)

Arayat

c)

Apo

d)

Tabor

3.

Sino ang unang naglakbay sa mga prinsipe?

a)

Don Juan

b)

Don Diego

c)

Don Pedro

4.

Ano ang pangalan ng punongkahoy na kumikinang sa ganda ng mga dahon nito?

a)

Piedras Platos

b)

Piedras Platas

c)

Piedras Platis

d)

Piedras Plates

5.

Ilang beses umaawit ang Ibong Adarna?

a)

lima

b)

anim

c)

pito

d)

walo

6.

Ano ang ginagawa ng Ibong Adarna matapos nitong umawit?

a)

Lumilipad at pumupunta sa kabilang punongkahoy

b)

Kumakain saka ito matutulog

c)

Magdudumi saka ito aawit ulit

d)

Magdudumi saka ito matutulog

7.

Ano ang ibig sabihin ng "nag-aalapaap"?

a)

nagsusulat

b)

kumakanta

c)

nagdadalawang-isip

d)

nagbabakasakali

8.

Ano ang dahilan ng pagkakasakit ng hari?

a)

masamang panaginip

b)

pagkaing marumi

c)

nadulas

d)

salot sa kaharian

9.

Ano ang tanging lunas sa karamdaman ng hari?

a)

masustansyang pagkain at inumin

b)

awit ng mahiwagang Ibong Adarna

c)

balahibo ng Ibong Adarna

d)

dumi ng Ibong Adarna

10.

Ang pagiging Traydor o lihim na kaaway na tumitira kapag ang kalaban ay nakatalikod at walang kalaban-laban. Makikita ba ito sa iyong binasa?

a)

oo

b)

hindi

11.

Ano ang buong pangalan ng may-akda ng Ibong Adarna?

a)

Huseng Batute

b)

Huseng Sisiw

c)

Jose Dela Cruz

d)

Francisco Del Cruz

12.

Anong uri ng tula ang akdang Ibong Adarna?

a)

Awit

b)

Ballad

c)

Korido

d)

Duplo

13.

Sino sa kaharian ang nagkaroon ng matinding sakit?

a)

Don Juan

b)

Don Pedro

c)

Haring Fernando

d)

Reyna Valeriana

14.

Sino ang may pinakabusilak na puso sa tatlong prinsipe ng kaharian?

a)

Don Juan

b)

Don Diego

c)

Don Simon

d)

Don Pedro

15.

Siya ang bunsong anak ni Haring Fernando. Sa

tatlo, siya ang pinakamahal ni Don Fernando

dahil siya ay puno ng kabaitan.

a)

Don Pedro

b)

Don Juan

c)

Don Diego

16.

Siya ang hari ng Reyno De Los Cristales. Siya ang ama ni Donya Maria Blanca. Gumagamit siya ng itim na mahika.

a)

Haring Ferdinand

b)

Haring Salermo

c)

Haring Fernando

17.

Ito ang tawag sa isang pamayanan na pinamumunuan ng mga maharlika.

a)

Kalikasan

b)

Kaharian

c)

Kagubatan

d)

Kabahayan

18.

Ito ang kadalasang gamit ng mga maharlika kung sila ay pupunta sa isang paglalakbay. (This is the transportation often used by royalties to go for an adventure.)

a)

Baka

b)

Kalabaw

c)

Kambing

d)

Kabayo

19.

ANO ANG KAHULUGAN NG SALITANG TANYAG?

a)

SIKAT

b)

MAYAMAN

c)

ANAK

20.

ANO KAHULUGAN NG SALITANG KINAPAMIHASNAN

a)

NAKASANAYAN

b)

NAKATULOG

c)

NARATING

21.

Ang Ibong Adarna ay sinasabing halaw mula sa ibang bansa. Ano ang kasingkahulugan ng salitang halaw sa pangungusap?

a)

kinopya

b)

ginaya

c)

nagmula

d)

kinuha

22.

Ano ang unang pagsubok na kinaharap ni Don Pedro sa kanyang paglalakbay?

a)

Hindi pagpayag ng amang hari na siya ay maglakbay

b)

Kawalan ng makakaing tinapay

c)

Pagkamatay ng kanyang dalang kabayo sa paglalakbay

d)

Hindi matagpuan ang bundok Tabor

23.

Ito ay binubuo ng walong pantig sa isang taludtod at apat na taludtod sa isang saknong.

a)

Awit

b)

Korido

c)

Epiko

d)

Tula

24.

Saan nagsisimula ang bahagi ng Ibong Adarna?

a)

panaginip ni Haring Fernando

b)

panalangin sa Mahal na Birhen

c)

paglalakbay ni Don Pedro

25.

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.

a)

Sukat

b)

Saknong

c)

Tugmaan

d)

Aliterasyon

26.

Ilang pantig ang mayroon sa taludtod na: "parang naengkanto siya"?

a)

6 pantig

b)

7 pantig

c)

8 pantig

d)

9 pantig

27.

Alin sa sumusunod na katangian ang HINDI tumutukoy sa korido?

a)

kapani-paniwala ang mga pangyayari

b)

may supernatural na kakayahan ang mga tauhan

c)

may pantastikong pangyayari

28.

Isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggalian.

a)

Epiko

b)

Alamat

c)

Kuwentong Bayan

29.

Ito ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay pareho ng baybay.

a)

Intonasyon

b)

Diin

c)

Punto

d)

HInto

30.

Tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tono ng boses.

a)

Tono

b)

Intonasyon

c)

Kuwit

d)

Sibuyas

31.

Isang uri ng panitikan na naglalayong ipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat

a)

Tula

b)

Tulo

c)

Pangungusap

d)

Sanaysay

32.

bangkay ng isang namayapa

a)

laBI

b)

LAbi

33.

Pahayag na ngangahulugang si Venus ang kumuha ng gamit.

a)

Hindi, si Venus ang kumuha.

b)

Hindi si Venus ang kumuha.

c)

Hindi si Venus, ang kumuha.

34.

Pahayag na nagsasabing si Anna ay isang guro.

a)

Titser, si Anna.

b)

Titser si Anna.

35.

Natumba ang ____ ng santol.

a)

puNO

b)

PUno