wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PANITIKAN: UNANG BAHAGI

Total questions: 30

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

"O pagsintang labis ang kapangyarihan

Sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw

Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman

Hahamakin ang lahat masunod ka lamang."

Halimbawa ng anong anyo ng panitikan?

a)

Tula

b)

Talumpati

c)

Talata

d)

Parabula

2.

Ito'y mahabang salaysay na sumasaklaw sa sumusunod na mga sangkap: tauhan, lugar, balangkas at mga pangyayari. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy dito.

a)

Talumpati

b)

Pabula

c)

Nobela

d)

Balita

3.

Ito'y mga kuwentong bayan na ang mga tauhan sa kuwento ay mga hayop na kalimitan ay kapupulutan ng aral. Ano ito?

a)

Nobela

b)

Epiko

c)

Pabula

d)

Elehiya

4.

Ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao.

a)

Kwentong Bayan

b)

Parsa

c)

Melodrama

d)

Saynete

5.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng mga akda?

a)

Sanaysay

b)

Alamat

c)

Nobela

d)

Parabula

6.

Anyo ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.

a)

Parabula

b)

Mito

c)

Epiko

d)

Kwentong Bayan

7.

Ito ay ang komunikasyon ng mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng bansa na nakatutulong sa pagbibigay alam sa mga mamamayan.

a)

Parabula

b)

Talambuhay

c)

Balita

d)

Panitikan

8.

Ito ay mga salaysay hinggil sa mga likhang isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan.

a)

Alamat

b)

Kwentong Bayan

c)

Talambuhay

d)

Pabula

9.

Isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may akda na kinapapalooban ng usapan ng mga tauhan.

a)

Dula

b)

Talumpati

c)

Tula

d)

Sanaysay

10.

Ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran nang patula.

a)

Balagtasan

b)

Duplo

c)

Karagatan

d)

Talumpati

11.

Tula ng pananangis, pag-aalala sa isang yumaong mahal sa buhay at naghimig ng matimpi at mapagmuni-muni.

a)

Dalit

b)

Karagatan

c)

Duplo

d)

Elehiya

12.

Ito ang panahon ng pag-aabentura sa mga bagong anyo at diwa ng panitikan at sa kaisipan demokratiko.

a)

Panahon ng Katutubo

b)

Panahon ng Hapon

c)

Panahon ng Kastila

d)

Panahon ng Amerikano

13.

Isinulat ni Homer, na kinatutuhan ng kaligiran ng mitolohiya o palaalamatan ng Gresya.

a)

Mahabharata

b)

Iliad at Odyssey

c)

El Cid Campeador

d)

Aklat ng mga Araw

14.

Isinulat ni Dante ng Italya, na nagtataglay ng ulat hinggil sa pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng panahong kinauukulan.

a)

El Cid Campeador

b)

Divina Commedia

c)

Canterbury Tales

d)

Uncle Tom's Cabin

15.

Isinulat ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos, na nakatawag pansin sa karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng simulain ng demokrasya.

a)

Uncle Tom's Cabin

b)

Canterbury Tales

c)

Sanlibo't Isang Gabi

d)

Aklat ng mga Patay

16.

Isinulat ni Chaucer ng Inglatera, na naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.

a)

Aklat ng mga Araw

b)

Aklat ng mga Patay

c)

El Cid Campeador

d)

Canterbury Tales

17.

Ang panitikan ng Arabia at Persia, na nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, panlipunan, pangkabuhayan, at panrelihiyon ng mga silanganin.

a)

Sanlibo't Isang Gabi

b)

Aklat ng mga Patay

c)

Aklat ng mga Araw

d)

Awit ni Rolando

18.

Panitikang mula sa Indiya, kasaysayan ng mga dating Indo at ang kanilang pananampalataya.

a)

Mahabharata

b)

Koran

c)

Bibliya

d)

Divina Commedia

19.

Ang panitikan ng Ehipto, na kinapapalamnan ng kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiyang Ehipto.

a)

Koran

b)

Aklat ng mga Patay

c)

Aklat ng mga Araw

d)

El Cid Campeador

20.

Isinulat ni Confucio, na nagong batayan ng pananampalataya, kalinangan at karunungan ng mga Intsik.

a)

Aklat ng mga Araw

b)

Banal na Kasulatan

c)

Koran

d)

El Cid Campeador

21.

Panitikan mula sa Pransia, na nagsasalaysay ng gintong panahon ng kakristiyanuhan at ng dating makulay na kasaysayan ng mga Pranses.

a)

Awit ni Rolando

b)

El Cid Campeador

c)

Canterbury Tales

d)

Uncle Tom's Cabin

22.

Panitikan ng Espanya na nagpapahayag ng katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang mga alamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon.

a)

El Cid Campeador

b)

Banal na Kasulatan

c)

Koran

d)

Canterbury Tales

23.

Alin sa mga bahagi ng mga Akdang Patula ang hindi wasto?

a)

Karagatan, Duplo at Balagtasan

b)

Komedya, Melodrama, Trahedya Parsa at Saynete

c)

Awiting Bayan, Epiko, Soneto, Elehiya, Dalit at Pastoral

d)

Tulang Patnigan- Karagatan, Duplo at Balagtasan

24.

Ang Epiko, Awit, Korido at Balad ay bahagi ng aling akdang patula?

a)

Tulang Patnigan

b)

Tulang Dula

c)

Tulang Liriko/Damdamin

d)

Tulang Pasalaysay

25.

Ang awiting bayan, soneto, elehiya, dalit at pastoral ay bahagi ng aling akdang patula?

a)

Akdang Pasalaysay

b)

Akdang Liriko/Damdamin

c)

Tulang Dula

d)

Tulang Patnigan

26.

Ang salitang Taglog na Panitikan ay galing sa unlaping PANG-, TITIK at unlaping na -AN

a)

TAMA

b)

MALI

27.

Ang Banal na Kasulatan/ Bibliya ay mula sa Palestina at Gresya at naging batayan ng sangkakristiyanuhan.

a)

TAMA

b)

MALI

28.

Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop.

a)

Panahon ng Katutubo

b)

Panahon ng Kastila

c)

Panahon ng Amerikano

d)

Panahon ng Hapon

29.

Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang gintong panahon ng panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito

a)

Panahon ng Katutubo

b)

Panahon ng Kastila

c)

Panahon ng Amerikano

d)

Panahon ng Hapon

30.

Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng mga namumuno ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha.

a)

Panahon ng Katutubo

b)

Panahon ng Kastila

c)

Panahon ng Amerikano

d)

Panahon ng Hapon