Font size
WorksheetsHanap Sagot
Total questions: 40
Worksheet time: 13mins
Ito ang tawag sa ginagamit ng mga lalaking muslim na pantakip sa kanilang ulo. Nagmula sa mga Pranses na ang tawag ay “turban” sa Italyano na ang tawag ay “turbante” sa Turko ay “tulbent”, at sa Persyano ay “dulband”.
Turbane
Turban
Durbant
Turbanta
Mula sa salitang Arabic na “jinn” kung isahan “jinni” kung maramihan. Ginagamit ito sa pampapatungkol sa isang piksiyonal na karakter na sumusunod sa kagustuhan ng taong nag-uutos sa kanya.
Genie
Diwata
Genne
Jenny
Mula sa salitang Espanyol na “juala” na ang ibig sa sabihin ay kulungan.
Hawla
Tabla
Silid Kulungan
Kahon
Mula sa salitang Pranses na “flaute” at Ingles na “flute” na ang ibig sabihin ay Isang instrumenting pangmusika.
Gitara
Plawta
Tamburin
Tambol
Mula sa salitang Sankritong ang Ibig sabihin ay “darika” o babaeng wala pang asawa ngunit nasa hustong Gulang na.
Diwata
Binata
Dalaga
Bata
Ano ang etimolohiya ng salitang pasko? Saang bansa ito nagmula?
Paski-Pranses
Paschal-Ingles
Pascua-Espanyol
Pasku-Gresya
nagmula sa salitang Sanskritong “devata” na ang ibig sabihin ay isang katauhang katulad ng mga engkanto o nimpa.
Dalaga
Genie
engkanto
Diwata
kung nais mong malaman ang etimolohiya ng isang salita, anong reperensya o sangunian ang iyong gagamitin?
Atlas
Encyclopedia
Diksiyonaryo
Almanac
Galing sa Espanyol na “salamanca”. Ito’y naglalarawan sa isang lugar sa Espanya na kadalasan ay kuweba sa mga burol, kung saan laganap ang pagtuturo ng mahika o salamangka
Salamangkero
Engkanto
Genie
Diwata
Nagmula ito sa salitang Ingles na “cosmology”, na hinango naman sa salitang Griyego na “kosmos” (universe) at “logia” (study).
Kosmolohiya
Komos
Kosmologo
Kosmology
Ito ay uri ng panitikang nagpapahayag ng magkakasunod at makgkakaugnay na mga pangyayari pinaggagalaw patungo sa isang tiyak na katapusan.
Tula
Awit
Bugtong
Salaysay
Ang mga sumusunod ay salaysay, maliban sa _____.
Pakikipagsapalaran
Pastoral
Parabula
Paglalakbay
Ito ay uri ng maikling kuwento na pumaimbulog dahil sa paniniwala ng mga tao sa kababalaghan at kataka-taka.
Apologo
kuwentong sikolohiko
kuwento ng pakikipagsapalaran
Kuwentong kababalaghan
Ang nangingibabaw sa kuwentong ito ay ang katauhan ng pangunahing tauhan.
Kuwentong pangkatauhan
Kuwentong pakikipagsapalaran
Kuwentong sikolohiko
Kuwentong kababalaghan
Ito ay uri ng panitikan ng tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtungali ng isang tao laban sa kaaway.
Apologo
Epiko
Oda
Elehiya
Sa ganitong uri ng kuwento, ang pinakamahalaga ay ang paksa, diwa, at kaisipan ng kuwento.
Kuwentong kaisipan
Kuwentong pangkatauhan
Kuwentong sikolohiko
Kuwentong kababalaghan
Sa ganitong uri ng kuwento ang katangiang nangingibabaw at nakapukaw ng interes ay pag-ibig.
Kuwentong kaisipan
Kuwentong pangkatauhan
Kuwentong pag-ibig
Kuwentong kababalaghan
Batay sa pag-aral sa banghay ng maikling kuwento sa kasalukuyang panahon, ang tunggalian ay may apat na uri:
(1) tao laban sa tao (2) tao laban sa sarili (3) tao laban sa kalikasan at (4) tao laban sa lipunan.
(1) tao laban sa hayop (2) tao laban sa tao (3) tao laban sa lipunan at (4) tao laban sa bagyo
(1) tao laban sa tao (2) tao laban sa kapatid (3) tao laban sa kalikasan at (4) tao laban sa lakas
(1) tao laban sa kadugo (2) tao laban sa kaibigan (3) tao laban sa kalikasan at (4) tao laban sa mundo
Ang _______ ang itinuturing na pinakabalangkas ng mga mahahalagang pangyayari. Ito ay dapat na binubuo ng panimula, gitna, at wakas
Banghay
Paksa
kuwento
Sanaysay
Ang _________ ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang pumanaw na mahal sa buhay.
Oda
Soneto
Dalit
Elehiya
Ang ganitong uri ng maikling kuwento ang pinakamahirap sulatin sapagkat sinisikap nitong pasukin ang kasulok-sulukang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa
Kuwentong kaisipan
Kuwentong pangkatauhan
Kuwentong sikolohiko
Kuwentong kababalaghan
Sa uring ito, ang pangyayari ay sadyang kapuna-puna, makabuluhan at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan
Kuwento ng Madulang Pangyayar
Kuwento ng Talino
Kuwento ng katutubong kulay
Kuwentong sikolohiko
Sino ang may akda ng Elehiya sa Kamatayan ni Kuya?
Pat. V. Villafuerte
Andres Bonifacio
Alejandro Abadilla
Jose Corazon De Jesus
Pang-abay na tinatawag na pariralang sa. Kumakatawan ito sa lugaw kung saan ginagawa ang kilos.
Panlunan
Pagsang-ayon
Pamaraan
Paggano
Nagsasaad ng pag-aalinlangan o walang katiyakang paksa.
panggano
pamaraan
Panang-ayon
Pang-agam
Ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao. Ito ay karaniwang binubuo ng pariralang pinangungunahan ng para sa.
BENEPEKTIBO
KATAGA o INGKLITIK
PAMANAHON
PANLUNAN
Sino ang Pangunahing tauhan sa akdang SINO ANG NAGKALOOB?
Ikapitong Prinsesa
Hari
Genie
Diwata
Paano napatay ng Pulang Diwata ang Genie?
Sa Pamamagitan ng Mahigpit na Yakap
Sa Pamamagitan ng Pagpalo nito sa Ulo
Sa Pamamagitan ng Pagsakal sa Loro
Sa Pamamagitan ng Pagpasok nito garapon
Ang templo ng Vishnu sa lungsod ng Tirupathi ay binuo noon pang ikasampong siglo.
Pamanahon
Panlunan
Pang-agam
Pamaraan
ayon sa Alamat ng ANG PINAGMULAN NG TATLUMPU’T DALAWANG KUWENTO NG TRONO. Paano nalinlang ng espirito ang matandang ina ng binata at agad napaniwalang ang anak nga niya ang kumakatok sa kanilang pinto?
Sa pamamagitan ng pagkuha ng atensyon nito
Sa pamamagitan ng pagbabalatkayo nitong kasing mukha ng binta
Sa pamamagitan ng pagbayad nito ng salapi
Sa pamamagitan ng pagtawag nito sa matandang ina
_____paghanga
_____pagmamahal
_____pag-irog
Tukuyin kung anong antas ng damdamin ang nauuna
321
123
231
312
_____humikbi
_____Nagpalahaw
_____lumuluha
Tukuyin kung anong antas ng damdamin ang nauuna.
123
231
132
213
Si Mika ay Masyadong Bukas na Aklat sa kanyang mga kaibigan. Ang salitang bukas na aklat ay nangangahulugang ?
Walang kwentang kaibigan
Walang tinatago
Mabuting kaibigan
Makasarili
Bumaha ng luha ng pumanaw ang pinakamabuting alkade ng kanilang bayan. Nangangahulugan ang salitang bumaha ng dugo ng?
Labis ang galak ng sambayanan
Labis ang kalungkutan ng bayan
Walang tigil sa Pag-iyak ang mga tao
Labis na pag-ulan ng dugo
Ipinagmamalaki ng Pilipinas ang di-mahulugang karayom na pagdalo ng mga tao sa pinakamapayapang rebolusyon sa mundo, ang EDSA 1. Ang kahulugan ng salitang di-mahulugan ng karayom ay?
Siksikan ang taong dumalo
Kukunti lang ang taong pumunta
Wala ni isang tao ang pumunta
Maraming tao ang pumunta
Ano ang ipinahihiwatig ng talihagang “ Ang Mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.
Kapag ikaw ay Mabuti tao, tiyak na Mabuti tao rin ang makakasalamuha mo.
Kapag Mabuti ang iyong kalooban, tiyak na ikaw ay pagkakalooban ng masaganang pamumuhay
Kapag Mabuti kang tao, marami ang magkakagusto sayo
Kapag ikaw ay may Mabuti ugali marami ang ibibigay sayong sukli
Alin sa mga sumusunod na pahayag na may pinakamalapit na kahulugan ng salawikaing “Kapag malakas ang agos, mababaw ang ilog”.?
Masalita at maingay ang taong walang sapat na dunong sa paksang pinag-uusapan.
Higit na makabuluhan ang buhay kung tuloy-tuloy na umaagos ang karunungan.
Mababaw ang ilog kung malakas ang agos sapagkat maraming bagay na naiipon dito.
Mababaw man ilog, mag-ingat pa rin sa pagtawid lalo na kung malakas ang agos.
Pag may isinuksok, may madudukot anong mahalagang kaisipan ang ibig ikintal ng linya?
Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iipon ng mga tao.
Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya kapag dumating ang oras ng pangangailangan.
Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok
Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon. Ano ang ibig ipakahulugan ng linya?
Matutuong magsumikap habang maaga pa upang paglaki di sumabay sa agos ng iba.
Kapag maagang nagsimyla tiyak na maaga ring matatapos.
Matutong umahon sa amumang pagsubok na iyong nilusong.
Lumusong nang maaga upang makaahon at matamo ang tagumpay.
_____Pagkamuhi
_____Pagkasuklam
_____Pagkagalit
Tukuyin kung anong antas damdamin ang dapat mauuna
123
321
312
132
