Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 10 Worksheet No. 4 (3rd Q.)

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang uri ng tula na hindi nagpapahayag ng kwento na naglalarawan sa karakter at aksyon kundi ang kanyang damdamin, iniisip, at persepsyon

a)

Tulang Liriko

b)

Tulang Pasalaysay

c)

Awit

d)

Tulang Patnigan

2.

Ito ang uri ng tula na nagkukuwento gaya ng mga epiko, ballad at idylis

a)

Tulang Liriko

b)

Tulang Pasalaysay

c)

Awit at Korido

d)

Epiko

3.

Ito ay isang tula na may kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan

a)

Elehiya

b)

Oda

c)

Pastoral

d)

Balagtasa

4.

Ito ay isang tula na karaniwang pang relihiyon na inihahandog sa isang Diyos.

a)

Elehiya

b)

Oda

c)

Pastoral

d)

Dalit

5.

Ito naman ay isang uri ng tula na nakatuon sa kuro-kuro o pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon

a)

Tulang Patnigan

b)

Tulang Liriko

c)

Tulang Pasalaysay

d)

Epiko

6.

Ano ang halimbawa ng Tulang Patnigan.

a)

Epiko

b)

Fliptop/Rap Battle

c)

Fliptop/Rap Battle at Balagtasan

d)

Balagtasan

7.

Anong uri ng tula ay karaniwang itinatanghal sa theatro

a)

Padula/Tulang Pantanghalan

b)

Tulang Liriko

c)

Tulang Patnigan

d)

Tulang Pasalaysay

8.

Ito ang nabubuong kaalaman, kaisipan o mensahe ng tula.

a)

tono

b)

tema

c)

talinghaga

9.

Tumutukoy sa isang linya ng isang tula.

a)

saknong

b)

taludtod

c)

sukat

10.

Maikling awit na pumupuri sa Diyos

a)

oda

b)

awit

c)

dalit

d)

pastoral

11.

Pumupuri sa isang tao o bagay sa estilong higit na dakila at marangal

a)

oda

b)

dalit

c)

awit

d)

elehiya

12.

Inilalarawan ang tunay na buhay

a)

awit

b)

elehiya

c)

pastoral

d)

soneto

13.

Tungkol sa pagmamahal, pagmamalasakit ng isang mangingibig.

a)

awit

b)

elehiya

c)

soneto

d)

epiko

14.

Tinatampok ang sariling damdamin at pag bubulay bulay ng makata

a)

soneto

b)

elehiya

c)

tulang liriko

d)

dalit

15.

Tula ng pananangis , pag muni-muni at pag aalala sa isang yumao

a)

pastoral

b)

elehiya

c)

soneto

d)

dalit

16.

Pagbubunyi ng isang bayani na maging matagumpay

a)

epiko

b)

soneto

c)

Dalit

d)

awit

17.

Nakatuon sa pagbibigay ng damdamin habang mayroon kapalitan ng opinyon o kuro kuro

a)

tulang patnigan

b)

tulang pasalaysay

c)

epiko

d)

soneto

18.

Ito ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

a)

Diona

b)

Duplo

c)

Soneto

d)

Tanaga

19.

Ito ay elemento ng rua na may maririkit na salita upang masiyhan ang mga mambabasa

a)

Kariktan

b)

Sukat

c)

Tugma

20.

isang mahalagang elemento ng tula ay ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong

a)

TUGMA

b)

SUKAT

c)

KARIKTAN

d)

PANTIGAN

21.

Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag.

a)

KARIKTAN

b)

TALINGHAGA

c)

TUGMA

d)

SUKAT

22.

Anong elemento ng tula ang maaaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo, kabayanihan, kalayaan, katarungan, pagmamahal sa kalikasan, Diyos, sa bayan at iba pa?

a)

Talinghaga

b)

Sukat

c)

Tema

d)

Kariktan

23.

Ano ang isa pang tawag sa tulang Pastoral?

a)

Dalitwari

b)

Dalitsamba

c)

Dalitsuyo

d)

Dalitbukid

24.

Isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo.

a)

PANITIKAN

b)

TULA

c)

SAKNONG

d)

TALUDTOD

25.

Ang tula ay bahagi na ng buhay ng tao. Nagbibigay ito sa atin nang wastong damdamin, karanasan, karunungan at kawilihan. Ginagamitan din natin ito ng iba't ibang estilo at pamamaraan. Kaya naman, ang tula ay maituturing ______.

a)

tayutay

b)

anyo

c)

kayamanan

d)

sining