wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q4-MTB-Weekly Test-4

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

A

a)

A

b)

B

2.

Ang tatlo sa mga pangunahing layunin ng manunulat sa kanilang mga akda o sinulat. Ang mga ito ay ang magbigay ng impormasyon, manghikayat; at manlibang.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Bawat manunulat at akda ay may layunin o mensaheng nais iparating sa mambabasa. Naiiba ito ayon sa paksa o sa nilalaman ng katha o akda.

a)

Tama

b)

Mali

4.

Ang ______________ ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang gamit ang mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao na may layuning maipahayag ang kaniyang kaisipan.

a)

ang pagbigay impormasyon

b)

pagsulat

c)

manlibang

5.

_______________________ Ito ang layunin kung ang teksto, talata, sanaysay, talambuhay, o kuwento ay naglalayong makapagbigay ng karagdagang kaalaman o detalye.

a)

Manghikayat

b)

Manlibang

c)

Magbigay ng impormasyon

6.

___________________ Ito ang layunin kung ang akda ay humihimok o nag-aanyaya na maniwala, pumanig sa kaisipang inilahad o sumang-ayon ang mambabasa.

a)

Magbigay impormasyon

b)

Manlibang

c)

Manghikayat

7.

___________________ Ito ang layunin kung ang akda ay tungkol sa mga payak o simpleng paksa na nagbibigay saya o aliw sa mambabasa.

a)

Manlibang

b)

Magbigay Impormasyon

c)

Manghikayat

8.

Kahit na ang unang layunin ay manlibang, kadalasang nagtataglay rin ang ganitong katha ng mga paksa na hindi napupulutan ng aral ng mambabasa.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Dali-daling pinakawalan ni Juan ang mga alimango at inutusan ang mga itong mauna nang umuwi sa kanilang bahay. “Kapag hinanap ako ni inay, pakisabi na naliligo lamang ako kasama ang aking mga kaibigan”. Anong layunin ang ipinarating?

a)

Nagbibigay ng impormasyon

b)

Nanghihikayat

c)

Nanlilibang

10.

Paano nga ba ginagawa ang banga o palayok? Ang mga ito ay ginawa sa pamamagitan ng paghahalo ng luwad o clay at tubig. Sinasamahan din ito ng pampatibay tulad ng buhangin at ipa o balat ng palay.

a)

Nagbibigay ng impormasyon

b)

Nanghihikayat

c)

Nanlilibang

11.

Alvin, _____ mo ang mga tuyong sanga sa ating punong mangga.

a)

putulin

b)

putulan

12.

_____ mo sa telepono si Raul. Sabihin mong paalis na tayo.

a)

tawagin

b)

tawagan

13.

Ang daming magaganda! Hindi ko alam tuloy kung alin sa mga damit na ito ang dapat kong _____.

a)

bilhin

b)

bilhan

14.

Makalat ang kwarto mo, Jim. _____ mo naman.

a)

walisin

b)

walisan

15.

James, _____ mo naman kahit kapiraso lamang ang iyong pantalon. Sobrang mahaba iyan.

a)

putulin

b)

putulan

16.

Ang _______________ ay panahunang nagpapakita na ang kilos ay natapos na o nangyari na. Tinatawag din itong perpektibo.

a)

aspektong naganap

b)

aspektong nagaganap

c)

aspektong magaganap

17.

1. Ang kangkong ay isang madahong gulay. Kulay berde ang mga dahon nito. Nabubuhay ito sa tubig o basang lupa. Masustansiya ito.

a)

A. Ang Aking Ate

b)

B. Ang Gatas Ang Manika Ko

c)

C. Ang Paborito Kong Ulam

d)

D. Ang Kangkong

18.

2. Sinigang na hipon ang paborito kong ulam. Lalo itong nagiging masarap para sa akin kapag si Nanay ang nagluluto. Marami akong nakakain tuwing sinigang ang aming ulam.

a)

A. Ang Mabuting Bata

b)

B. Ang Paborito Kong Ulam

c)

C. Ang Manika Ko

d)

D. Ang Gatas

19.

3. Angeli ang pangalan ng ate ko. Matalino at masipag siya. Mabait at magalang siya sa akin at sa aming mga magulang.

a)

A. Ang Gatas

b)

B. Ang Manika Ko

c)

C. Ang Aking Ate

d)

D. Ang Mabuting Bata

20.

4. Isang masustansiyang inumin ang gatas. Sagana ito sa calcium na nagpapatibay ng ngipin at ng mga buto. Mayaman din ito sa protina na mahalaga para lumaking malusog ang isang bata.

a)

A. Ang Gatas

b)

B. Ang Paborito Kong Ulam

c)

C. Ang Kangkong

d)

D. Ang Mabuting Bata