wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2nd Quarter Lagumang Pagsusulit sa E.S.P. 10

Total questions: 40

Worksheet time: 48mins

Name
Class
Date
1.

Kung kikilanin ang katuruan ni Aristotle, aling kilos ng isang taong nanakit sa kapwa dahil sa galit bilang reaksyon sa panloloko sa kanya?

a)

Walang kusang-loob

b)

Kusang-loob

c)

Di kusang-loob

d)

Kilos-loob

2.

Nakakagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang _____ niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama.

a)

Isip

b)

Kalayaan

c)

Kilos-loob

d)

Dignidad

3.

Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli. Marami siyang mga gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba si Ali kung bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?

a)

Oo, dahil siya lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.

b)

Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.

c)

Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.

d)

Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.

4.

Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?

a)

Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.

b)

Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.

c)

Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito

d)

Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga.

5.

Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?

a)

Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang-aralin ang kanilang guro.

b)

Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok.

c)

Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang guro.

d)

Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon.

6.

Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?

a)

Ang pagnanakaw ng kotse.

b)

Ang pag-iingat ng doktor sa pag-oopera.

c)

Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.

d)

Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.

7.

Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?

a)

Dahil sa malakas na impluwensya sa kilos

b)

Dahil sa kahinaan ng isang tao

c)

Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip

d)

Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob

8.

Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?

a)

Panliligaw sa crush.

b)

Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.

c)

Pagsugod sa bahay ng kaalitan.

d)

Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha

9.

Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?

a)

Paglilinis ng ilong

b)

Pagpasok nang maaga

c)

Pagsusugal

d)

Maalimpungatan sa gabi

10.

Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit walang barya na maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?

a)

Takot

b)

Kamangmangan

c)

Karahasan

d)

Masidhing damdamin

11.

Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.

a)

pasiya

b)

kilos

c)

kakayahan

d)

damdamin

12.

Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino?

a)

Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.

b)

Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.

c)

Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.

d)

Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.

13.

Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy?

a)

Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.

b)

Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.

c)

Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.

d)

Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.

14.

Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob?

a)

Umunawa at magsuri ng impormasyon.

b)

Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.

c)

Tumulong sa kilos ng isang tao.

d)

Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.

15.

Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?

a)

Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay nakaaapekto sa kabutihan.

b)

Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.

c)

Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.

d)

Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.

16.

Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?

a)

Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.

b)

Ito ang pinakatunguhin ng kilos.

c)

Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.

d)

Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.

17.

Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sa kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Bren ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil___________.

a)

kinuha niya ito nang walang paalam

b)

kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang

c)

ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang

d)

ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto

18.

May babae na nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng asawa. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pagmamahal sa babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon?

a)

Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.

b)

Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.

c)

Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.

d)

Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.

19.

Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya. Humiram sila ng videoke at sila ay nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling-araw. Naiinis na ang kaniyang mga kapit-bahay dahil sa ingay na dulot nito. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?

a)

Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.

b)

Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.

c)

Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama.

d)

Ang sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos.

20.

Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula sa araw nang siya ay manalo, ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano kayang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?

a)

Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.

b)

Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at bagong masamang hangarin sa masamang kilos.

c)

Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama.

d)

Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.

21.

Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos maliban sa _______________.

a)

Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na pananagutan.

b)

Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.

c)

Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa.

d)

Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat isaalang-alang

22.

Si Gene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung anong gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doktor na hindi lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may magandang idudulot sa mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga Salik na Nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene?

a)

Layunin

b)

Kilos

c)

Sirkumstansiya

d)

Kahihinatnan

23.

Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin

a)

Layunin

b)

Kilos

c)

Sirkumstansya

d)

Kahihinatnan

24.

Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang umuwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?

a)

Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.

b)

Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.

c)

Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.

d)

Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa pagsusulit.

25.

Bakit hindi maaaring paghiwalayain ang panloob at panlabas na kilos?

a)

Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas.

b)

Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.

c)

Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.

d)

Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.

26.

Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?

a)

Isip at Kilos-loob

b)

Intensiyon at Layunin

c)

Paghuhusga at Pagpili

d)

Sanhi at Bunga

27.

Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Mary Rose?

a)

Intensiyon ng layunin

b)

Nais ng layunin

c)

Pagkaunawa sa layunin

d)

Praktikal na paghuhusga sa pagpili

28.

Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba’t ibang paraan upang mabili niya ang sapatos? Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Mary Rose?

a)

Intensiyon ng layunin

b)

Pagkaunawa sa layunin

c)

Paghuhusga sa nais makamtan

d)

Masusing pagsusuri ng paraan

29.

Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?

a)

Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.

b)

Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.

c)

Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.

d)

Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.

30.

Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?

a)

Upang magsilbing gabay sa buhay.

b)

Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.

c)

Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.

d)

Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

31.

Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?

a)

Tingnan ang kalooban

b)

Magkalap ng patunay

c)

Isaisip ang posibilidad

d)

Maghanap ng ibang kaalaman

32.

Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?

a)

Isaisip ang mga posibilidad

b)

Maghanap ng ibang kaalaman

c)

Umasa at magtiwala sa Diyos

d)

Tingnan ang kalooban

33.

Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Alfred bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Alfred?

a)

Isaisip ang mga posibilidad

b)

Maghanap ng ibang kaalaman

c)

Tingnan ang kalooban

d)

Magkalap ng patunay

34.

Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung ang iyong pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya?

a)

Magkalap ng patunay

b)

Maghanap ng ibang kaalaman

c)

Tingnan ang kalooban

d)

Umasa at magtiwala sa Diyos

35.

Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Amir?

a)

Tingnan ang kalooban

b)

Isaisip ang posibilidad

c)

Maghanap ng ibang kaalaman

d)

Umasa at magtiwala sa Diyos

36.

Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos loob?

a)

Umunawa at magsuri ng impormasyon.

b)

Tumungo sa layunin o intensyon ng isip.

c)

Tumulong sa kilos ng isang tao.

d)

Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.

37.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?

a)

Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saaan ang kilos na ginawa ay nakaaapekto sa kabutihan.

b)

Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.

c)

Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.

d)

Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.

38.

Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng ng layunin?

a)

Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.

b)

Ito ang pinaka tunguhin ng kilos.

c)

Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.

d)

Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.

39.

Ang sumusunod na pangugusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos maliban sa ______________.

a)

Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na pananagutan.

b)

Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.

c)

Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa.

d)

Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat isaalang-alang.

40.

Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?

a)

Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas.

b)

Dahil kung ano ang kilos na panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.

c)

Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.

d)

Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.