WorksheetsPAGIGING MAHABAGIN AT ANG KALAYAAN (MAIKLING PAGSUSULIT)
Total questions: 15
Worksheet time: 30mins
Ano ang iyong gagawin kung may nakita kang isang matandang babae na tatawid sa kalsada ng walang kasama? Paano mo maipapakita ang iyong pagiging mahabagin sa sitwasyon na ito?
Tatawagin ang nakitang traffic enforcer upang ipatawid dito ang matandang babae.
Aalalayan ang matanda sa pagtawid, sesenyasan ang mga nagdadaang sasakyan upang maitawid ang matanda sa kaniyang pupuntahan.
Magpanggap na hindi mo Nakita ang matanda.
Wala sa nabanggit
Ang taong mapagbigay ay ____________.
pinagpapala
malalason
kinaiinisan
mapapahamak
Bilang isang ma-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagiging mahabagin sa iyong kamag-aral?
Punasan ang pawis ng kaeskwela
Magpabili sa kantina ng tinapay at tsokolate
Pulutan ang nalaglag na panyo ng kamag-aral
Tulungan ang kaeskwela kung nahihirapan sa aralin
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging mahabagin?
Pakikinig ng balita sa radio tungkol sa mga nasalanta ng bagyo
Ang pagiging mahabagin sa kapuwa ay katunayan na ikaw ang maawain
Ang pagiging mahabagin ay nagpapakita ng pagkakaroon ng pagmamahal at paggalang sa kapuwa.
Lahat ng nabanggit
Narinig mo ang iyong kamag-aral na wala siyang baong pagkain o pera dahil walang kinita ang kaniyang ama kahapon sa pagtitinda ng balot. Nang lumapit ka sa kaniya, nakita mo na mugto ang kaniyang mata. Mayroon kang eksreang pagkain sa iyong bag. Paano mo maipapakita ang kahabagan ng iyong puso sa sitwasyo na nabanggit? Tsekan ang mga posibleng sagot.
a. Aayain ang kaeskwela sa kantina ng paaral upang ilibre ng makakain.
b. Pagtawanan ang kaeskwela dahil siya ay walang baon.
c. Sabihin sa kaeskwela na tumahan at bibigyan mo siya ng makakain at kung sa susunod na mangyari ang ganitong pangyayari, huwag siya mahiya na lumapit sa iyo upang humingi ng baon.
Nagiging isang ehemplo ba ang tao kapag siya ay parating nahahabag sa kaniyang kapuwa?
Hindi, dahil may mga tao nan ang-aabuso.
Oo, sapagkat ang pagiging mahabagin ay isinasabuhay at ipinapakita sa kapuwa upang ikaw ay tularan at ipagpatuloy ang pagiging matulungin.
Oo, sapagkat maari ka maihayag sa balita
Hindi, dahil kapag tumulong tayo minsan, tayo pa ang napapasama.
Sa pagbibigay kinakikitaan ang isang tao ng _________ sa kapwa lalo na sa mga taong mas nangangailangan.
Tsekan ang mga posibleng sagot.
Pagiging bukas palad
Kabusilakan ng puso
Pagmamalasakit
Katapangan
Ang _______ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa
katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob
Isip
Kilos-loob
Pagkatao
Damdamin
Sa pamamagitan ng _____________, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili.
Isip
Kilos-loob
Pagkatao
Damdamin
Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali?
Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan.
Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali
Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.
Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka ng interes na makinig sa kaniya. Dahil dito wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro. Sang-ayon ka ba sa kaniya?
Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag-aaral.
Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.
Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos
Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon.
Ang tunay na kalayaan ay masusumpungan sa pagsunod sa likas na _________.
Bata guro
Batas ng magulang
Batas moral
Batas tao
Ayon kay ________, ang konsepto ng Kalayaan ay nangangahulugan na nagagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kaniyang pagkatao.
Esther Esteban
Santo Tomas de Aquino
Sr. Felicidad C. Lipio
Fr. De Torre,
Nakita mo ang isang batang siyam na taong gulang sa labas ng inyong paaralan na nagbebenta ng face shield upang makapasok sa pag-aaral niya. Noong araw mismo na iyon, sakto lamang ang iyong baon at pamasahe pauwi. Nilapitan ka nito at inialok sa iyo ang kaniyang itinitinda. Paano mo ipapakita ang iyong pagiging mahabagin at malasakit sa batang ito?
Ibibigay ko na lamang ang baon kong pera at pagkain at makikitawag na lamang ako sa aking guro para ako ay sunduin na lamang sa paaralan ng aking tatay.
Hindi ko na lamang papansinin ang bata dahil mawawalan ako ng pamasahe pauwi.
Iiwasan ko ito at sasabihin na mayroon kang face shield sa loob ng iyong bag.
Lahat ng nabanggit
Kumpletuhin ang katagang “Tumulong ng walang hinihingin ___________”.
may kapalit
pera
kapalit
alahas
