Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP6 4th Midterm Assessment

Total questions: 45

Worksheet time: 1hrs 27mins

Name
Class
Date
1.

Pagtuturo batay sa aral ni Hesukristo

a)

Kristiyanismo

b)

Islam

2.

Paraan ng pagsamba ng mga Muslim

a)
b)
3.

Tama o mali


Mahalin natin ang ating kapwa tao.

a)

Tama

b)

Mali

4.
Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
a)
a. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
b)
b. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang tao.
c)
c. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
d)
d. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at espiritwal.
5.
Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a)
a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
b)
b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
c)
c. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
d)
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
6.
Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
a)
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b)
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
c)
c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
d)
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
7.
Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a)
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
b)
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
c)
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
d)
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.
8.
Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a)
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na
b)
b. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong
c)
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan
d)
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
9.
Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang pangungusap ay:
a)
a. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa lipunan.
b)
b. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
c)
c. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
d)
d. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaaan.
10.
Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a)
a. Kapag siya ay naging masamang tao
b)
b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
c)
c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
d)
d. Wala sa nabanggit
11.
Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a)
a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
b)
b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa.
c)
c. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala.
d)
d. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan bilang tao.
12.
Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?
a)
a. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
b)
b. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
c)
c. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
d)
d. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi
makasasakit o makasasama sa ibang tao.
13.
Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
a)
a. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
b)
b. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya.
c)
c. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.
d)
d. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.
14.

Ang pagkakaunawaan sa loob ng tahanan ay maipapakita sa pamamagitan ng?

a)

pagtulong sa isa't isa

b)

kainggitan ang mabuting nangyari sa kapamilya

c)

sigawan ang mga nagkakamali

d)

hindi pagtulong sa gawaing bahay

15.

Ano ang mga bagay na maaari nating maitulong kapag nagkamali ang isang tao?

a)

Hindi siya kakausapin.

b)

Sikaping tulungan upang maiahon ang sarili.

c)

Pagtawanan ang taong nagkamali.

d)

Bigyan ng isa pang pagkakataon.

16.

Ang paggalang at pagmamahal sa kapwa ay naipapakita sa pamamagitan ng (a)   ?

17.

Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa na may kalakip na ________ at ______________.

a)

pagmamahal

b)

panghuhusga

c)

pagpapatawad

d)

pangungutya

18.

Nakakamit ng tao ang kaganapan ng kaniyang pagkatao sa pamamagitan ng __________________.

a)

paglilingkod sa kapwa.

b)

pakikinig sa kapwa.

c)

pakikipagkaibigan sa kapwa.

d)

pakikipag-usap sa kapwa.

19.

Anong kuwento ang nagpapakita ng mabuti at makabuluhang pakikipagkapwa?

a)

Si Malakas at si Maganda

b)

Ang Alibughang Anak

c)

Ang Nawawalang Tupa

d)

Ang Mabuting Samaritano

20.

Alin sa mga pahayag ang indikasyon ng tunay na pagmamahal sa kapwa?

a)

Pagtulong sa mga gawaing-bahay kapalit ng mataas na baon.

b)

Pagbibigay ng oras at kakayahan na magturo sa mga batang lansangan.

c)

Pagsali sa mga samahan o organisasyon.

d)

Pagbibigay tulong dahil proyekto sa paaralan.

21.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng katagang, “no man is an island”?

a)

Walang tao ay isang isla.

b)

. Kakayanin ng isang tao ang mabuhay ng mag-isa.

c)

Walang tao ang nabubuhay ng para sa sarili lamang.

d)

Walang taong ang kayang mag-isa.

22.

Ang tulad mong mag-aaral ay inaanyayahan na pumili ng inyong magiging lider sa paaralan. Anong aspekto ng pagkatao ang nalilinang sa sitwasyon?

a)

Pampolitikal

b)

Emosyonal

c)

Panlipunan

d)

Pangkultural

23.

Likas kay Iska ang tumulong sa kapwa ng hindi naghihintay ng kapalit. Anong aspekto ang nalilinang sa kaniyang pagkatao sa gawaing ito?

a)

Pampolitikal

b)

Ispiritwal

c)

Pisikal

d)

Panlipunan

24.

Si Arlyn ay nag-aaral ng mabuti at nakikinig sa kaniyang mga guro. Anong aspekto ang kaniyang napauunlad sa sitwasyong ito?

a)

Panlipunan

b)

Pangkabuhayan

c)

Intelektuwal

d)

Pampolitikal

25.

Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na kapwa?

a)

Kaaway

b)

Magsasaka

c)

Aso

d)

Pulubi

26.

Sino ang mga taong labas sa ating sarili?

a)

kapwa

b)

kaaway

c)

kaibigan

d)

kapamilya

27.

Sino ang mga taong labas sa ating sarili?

a)

kapwa

b)

kaaway

c)

kaibigan

d)

kapamilya

28.

Ang birtud ng katarungan (justice) at _____________ ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa.

a)

katapatan

b)

bayanihan

c)

edukasyon

d)

pagmamahal

29.

Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa pag-iisip ng solusyon ng isang bagay bilang kapatid, Ano ang maari mong gawin?

a)

pabayaan silang di-magkasundo

b)

awayin mo silang dalawa

c)

gumawa ng hakbang upang muli silang magkasundo

d)

sigawan mo sila

30.

Paano maipapakita ang makatuwiran at pantay sa paggawa ng pasya?

a)

magbigay agad ng pasya

b)

iisipin o isaalang-alang ang mga taong maaapektuhan sa paggawa ng pasya

c)

magbigay agad-agad ng desisyon para sa sariling kapakanan

d)

pabayaan na lang kung ano ang magiging pasya

31.

Dalawa sa kaklase mo ang magdiwang ng kanilang kaarawan. Si Rose ay mayaman ngunit si Kris ay mahirap lamang.Sino sa dalawa ang bibigyan mo ng mamahaling regalo?

a)

Si Kris dahil siya ay may higit na nangangailangan

b)

Si Rose dahil gustong-gusto niya ang regalo

c)

Si Rose dahil mayaman

d)

magbunutan sila kung sino ang bibigyan

32.

Mahirap si Samuel ngunit matalino. Dahil dito, naging iskolar ng pamahalaan hanggang nakatapos ng doctor. Nagpasya siyang manirahan sa Amerika. Tama ba ang desisyon niya?

a)

tama, dahil mataas ang sahod doon

b)

tama, dahil masarap manirahan sa abroad

c)

hindi, dahil marami ang nangangailangan ng kaniyang serbisyo

33.

Kaarawan ng kaibigan mo at inimbitahan ka para dumalo sa kaniyang party at nangako kang dadalo. Ngunit marami

kang dapat tapusin na gawain. Ano ang gagawin mo?

a)

ipagwalang bahala ito

b)

dadalo dahil nakapangako ka

c)

hahanap ng “alibi”

d)

ipagpapatuloy ang gagawin

34.

Kumakain ka sa isang restoran. Lumapit ang isang batang gusgusin at nanghingi ng pagkain sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

kagalitan ang bata

b)

bigyan ng pagkain ang bata

c)

ipagtabuyan ang bata

d)

murahin ang bata

35.

Nagkaroon ng problema sa bahay na kailangan ng solusyon. Ano ang pwede mong gawin?

a)

tumulong upang solusyonan ang problema

b)

ipagwalang-bahala ang problema

c)

tawanan ang problema

36.

Karapatan ng isang batang tulad mo na magkaroon ng malusog at malinis na pangangatawan. Paano mo igagalang

ang karapatang ito?

a)

kumain ng junk foods araw-araw

b)

uminom ng softdrinks araw-araw

c)

uminom ng gatas kumain ng gulay at mag-ehersisyo araw-araw

d)

iwasan ang pagkain ng gulay at prutas

37.

Nagpasya ang mag-anak ni Luis na magsagawa ng paglilinis sa loob at labas ng kanilang tahanan sa darating na Sabado. Nakagawian ni Luis na maglaro ng basketball tuwing araw araw na ito. Kung ikaw si Luis, ano ang gagawin mo?

a)

tutulong muna sa paglilinis bago manglaro

b)

maglaro ng basketball dahil naghihintay ang barkada

c)

tutulong na nakasimangot

d)

tutulong na magdadabog

38.

Mahalin natin ang Diyos ng buong puso at kaluluwa. Paano natin naipadama ang pagmamahal sa Diyos.

a)

pagmamahal sa kapwa

b)

pagbibigay ng pagkain sa mga kaibigan lamang

c)

pagdarasal sa buong araw

d)

pagbabale-wala sa kapwa

39.

Panuto: Punan ng salita ang patlang.

Bibliya Gawa Paroroonan

Matapat Mayaman Totoo


Lahat tayo ay anak ng Diyos. Sa mata ng Diyos, ang mahirap at (a)   ay pantay-pantay.

40.

Panuto: Punan ng salita ang patlang.

Bibliya Gawa Paroroonan

Matapat Mayaman Totoo


Ang pagbabasa ng (a)   o salita ng Diyos ay nakapagpapalakas ng loob.

41.

Panuto: Punan ng salita ang patlang.

Bibliya Gawa Paroroonan

Matapat Mayaman Totoo


Ang taong di-marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa (a)   .

42.

Panuto: Punan ng salita ang patlang.

Bibliya Gawa Paroroonan

Matapat Mayaman Totoo


Nasa Dios ang awa, nasa tao ang (a)   .

43.

Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod:


Sakit sa ulo ang mag-isip kaya umiling na lamang pag tinatanong.

a)

Tama

b)

Mali

44.

Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod:


Hindi dapat iniisip ang pagpapasiya.

a)

Tama

b)

Mali

45.

Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod:


Ang pagkabukas isipan ay ang pagtanggap sa mga bagong ideya.

a)

Tama

b)

Mali