WorksheetsEPP Pag-aalaga ng Sariling Kasuotan
Total questions: 20
Worksheet time: 15mins
1. Pagdating ng bahay galing sa paaralan, hubarin kaagad ang uniporme at pahanginan ito.
Tama
Mali
2. Huwag hayaang magusot sa pag-upo ang palda na may pleats.
Tama
Mali
3. Siguraduhing malinis ang lugar na uupuan para hindi madumihan ang iyong damit.
Tama
Mali
4. Kapag namantsahan ang iyong damit, labhan ito agad para hindi kumapit ang dumi o mantsa.
Tama
Mali
5. Ilagay ang damit kung saan – saan pagkatapos hubarin.
Tama
Mali
6. Ano ang dapat gawin kapag nadumihan ang iyong uniporme?
A. Antayin dumami ang dumi o mantsa bago ito labhan
B. Hayaan nalang ito
C. Huwag ng gamitin ang uniporme dahil marumi na ito
D. Labhan ito agad.
7. Huwag hayaang magusot ito lalo na kung may pleats. Anong kasuotan ito?
A. Pantalon na maong
B. Palda
C. Swimsuit
D. Short
8. Kapag natastas ang laylayan ng damit, Ano ang una mong gagawin?
A. Hayaang lumala ang sira ng damit
B. Huwag ng isuot at gawin nalang basahan ito
C. Tatahiin ito agad upang hindi lumaki ang sira
D. Itatapon na lamang ito sa basurahan
9. Anong kasuotan ang isinusuot sa paaralan?
A. Panglaro
B. Pambahay
C. Pangsimba
D. Uniporme sa paaralan
10. Saan dapat inilalagay ang mga malilinis na damit?
A. Cabinet
B. Plastic bag
C. Batya
D. Ropero
11. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin upang mapanatiling maayos ang iyong kasuotan?
A. Ihagis ang pinagbihisan kung saan-saan.
B. Huwag gumamit ng sabon kapag maglalaba dahil sayang lang ang pera.
C. Huwag umupo kung saan-saan upang mapanatiling malinis ang kasuotan.
D. Paghaluhaluin ang mga puti at makulay na damit sa paglalaba.
12. Si Ben ay gustong maglaro ng basketball. Anong kasuotan ang kanyang dapat isuot?
A. Bestida
B. Blusa at Palda
C. Polo at Pantalon
D. Sando at Short
13. Ano ang pakiramdam ng taong maayos ang kasuotan?
Maginhawa
Masinop
Malamig
Panatag ang kalooban
14. Sa maayos na kasuotan, ang isang tao ay nagiging .
A. Kaakit-akit
B. Mapagbiro
C. Mahilig sa damit
D. Masayahin sa pagtitipon
15. . Ang paglalaba ay isang paraan para maging malinis ang kasuotan. Anong gagawin mo kapag namantsahan ang T- shirt mong kulay pula?
A. Ibababad ko ito sa sabon na may bleach para matanggal ang mantsa.
B. Ilalagay ko na lang ito sa basurahan
C. Huwag ng gamitin ang T- shirt dahil marumi na ito.
D. Lalagyan ko ito ng chlorox na pang de color.
16. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela.
A. Didal
B. Emery bag
C. Gunting
D. Medida
17. Itinutusok dito ang karayom kapag hindi na ginagamit upang hindi kalawangin.
A. Didal
B. Emery bag
C. Pin cushion
D. Sewing box
18. Dito inilalagay ang mga karayom pagkatapos gamitin upang hindi ito mawala.
A. Didal
B. Emery bag
C. Pin Cushion
D. Sinulid
19. Ito ay magkasamang ginagamit sa pananahi.
A. Didal at Medida
B. Karayom at Sinulid
C. Emery bag at Didal
D. Gunting at Didal
20. Ito ay ginagamit sa pananahi na kinakailangan kasingkulay ng telang tatahiin.
A. Gunting
B. Medida
C. Karayom
D. Sinulid
