NEW
Font size
WorksheetsIkaanim na Pagsusulit sa Araling Panlipunan 3
Total questions: 30
Worksheet time: 2hrs 30mins
Tanyag ang mga Ilokano dahil sa masasarap nitong pagkain. Alin sa sumusunod ang pagkaing sikat sa mga Ilocus Region?
Bagnet
Lechon
Daing
Ano ang tawag ng ina sa wikang Ilokano?
mama
nanay
tata
Binigyan ka ng magandang laruan ng iyong pinsan sa Cebu. Anong salita ang gagamitin mo bilang pasasalamat kung ikaw ay Ilokano?
Assalamu Alaykum
Agyamanak
Salamat
Ano sa Cebuano ang salitang iniibig?
palangga
inday
ondong
Ano sa Maranao ang salitang salamat?
Assalamu Alaykum
Agyamanak
Pangngaasim
Bakit mahalaga ang wika?
Upang magkaintindihan ang bawat mamamayan.
Dahilan ito nang hindi pagkakaunawaan.
Ginagamit ito upang pagtawanan ang ibang tao.
Ano ang katawagan sa nakababatang lalaki ng mga Cebuano?
Ondong
Inday
Manong
Kung may ipapakiusap ka gamit ang wikang Ilokano, anong salita ang angkop na gamitin?
Pasugua Ko
Pangngaasim
Agyamanak
Ano ang tanyag na tradisyunal na sayaw ng mga Maranao?
Itik-itik
Singkil
Karinyosa
Hindi mawawala ang pagkaing ito tuwing may malaking handaan sa mga Cebuano.
Pakbet
Bagoong
Lechon
Paano naipakikita ng mga Cebuano ang kahusayan sa larangan ng sining?
Mahusay silang sumayaw ng Singkil.
Mahusay silang gumawa ng gitara.
Malaki ang debosyon kay Sr. Sto. Niño.
Ito ay mga gawaing ginagamitan ng imahinasyon o kakayahan sa paggamit ng instrumento upang makagawa ng produktong kaaya-aya sa pandama ng tao katulad ng awit, sayaw, o larawang guhit.
Sining
Kultura
Kasaysayan
Si Lucio San Pedro ay magaling na kompositor ng musika noong kanyang panahon. Anong larangan ng musika tanyag ang kanyang gawa?
Popular Music
Uyayi
Kundiman
Si Carlos V. Francisco o mas kilala sa tawag na Botong ay isang magaling na pintor. Sa anong larangan naging tanyag ang kanyang gawa?
Mural Painting
Oil Painting
Charcoal Drawing
Ang Quezon Province ay tanyag sa anong pagdiriwang?
Ati-atihan
Pahiyas
Sinulog
Ito ay instrumentong pangmusika na binubuo ng mga gong na nakaayos nang magkakatabi sa isang patungang kahoy.
Kudyapi
Kulintang
Trumpet
Siya ay kinikilalang Manlilikhang Bayan dahil sa kanyang kahusayan sa pagtugtog ng kudyapi.
Samaon Sulaiman
Jose Vargas
Lea Salonga
Ito ay telang gawa sa pinya patunay ng pagiging masining ng mamamayan sa Batangas.
Inabel
Gusi
Banig
Anong produktong gawa ng mga taga-Cavite ang nagpapamalas ng kanilang pagiging masining?
Inabel
Gusi
Banig
Saan naipamalas ng mga taga-Angono ang kanilang pagiging masining?
Paggawa ng Inabel.
Pagdiriwang ng Higantes Festival.
Pagsasayaw ng Singkil.
Panuto: Piliin ang TAMA kung ang sumusunod na pahayag ay wasto at MALI naman kung hindi.
Nakikilala ang mga lalawigan at rehiyon sa mga natatangi nitong sining.
TAMA
MALI
Karamihan sa mga Cebuano ay Katoliko.
TAMA
MALI
Kinakabitan ng “Hajja” ang pangalan ng lalaking nakapunta na sa Mecca sa panahon ng Hajj.
TAMA
MALI
May iba’t ibang wika ang bawat pangkat ng tao sa lalawigan at rehiyon ng Pilipinas.
TAMA
MALI
Hindi dahilan ang wika upang magkaintindihan ang isa’t isa.
TAMA
MALI
SANG-AYON o HINDI SANG-AYON
Tinutukso ni Kendall ang pinsan niyang nagsusuot ng tradisyonal na kasuotan ng mga Ilokano.
SANG-AYON
HINDI SANG-AYON
Sinikap ni Michael na matutunan ang kulintang at itanghal ito sa harap ng kanyang dayuhang kamag-anak.
SANG-AYON
HINDI SANG-AYON
Bumibili ang pamilya ni Kent ng mga pintang ginawa ng mga Pilipinong pintor.
SANG-AYON
HINDI SANG-AYON
Isa sa mga pagtatanghal sa isang mababang paaralan ay ang pagsasayaw ng Singkil.
SANG-AYON
HINDI SANG-AYON
Hindi pinayagan ng guro ang mga mag-aaral na mag-aral ng awiting-bayan tuwing recess.
SANG-AYON
HINDI SANG-AYON
