WorksheetsQUIZ# 1 - Sektor ng Agrikultura (St. James)
Total questions: 20
Worksheet time: 40mins
I. PANUTO: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay TAMA o MALI.
1. Ang pagsulong ay resulta ng pagpapabuti sa aspekto ng ekonomiya, panlipunan at pangkapaligiran ng isang bansa.
TAMA
MALI
2. Ang Pambansang Kaunlaran ay matatamo lamang kung ipagpapabuti ng pamahalaan ang kabuuang kalagayan ng pamumuhay ng mga mamamayan.
TAMA
MALI
3. Sa bawat pagtaas ng Human Development Index, ay siyang pagtaas din ng Human Poverty Index.
TAMA
MALI
4. Sinusukat ng HDI, HPI at GDI ang haba ng buhay ng isang tao, edukasyon at kita ng mga tao sa isang bansa.
TAMA
MALI
5. Ang Agrikultura ay isang agham ng pagpaparami ng halaman at tanim.
TAMA
MALI
6. Saklaw ng Sektor ng Agrikultura ang pagsasaka, paggugubat at pangingisda.
TAMA
MALI
7. Tinatawag na sekundaryang sektor ang Sektor ng Agrikultura.
TAMA
MALI
8. Ang pagsasaka ang may pinakamalaking bahagdan sa Sektor ng Agrikultura ng bansa.
TAMA
MALI
9. Ang Sektor ng Agrikultura ay nagsisilbing konsyumer ng mga produkto ng Sektor ng Industriya.
TAMA
MALI
10. Isa sa mga suliranin ng Sektor ng Agrikultura ay ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto.
TAMA
MALI
11. Kalimitan ng mga produktong pang-agrikultura sa bansa ay naibebenta na lamang sa mababang presyo dahil sa masagang likas na yaman mayroon ang bansa.
TAMA
MALI
12. Ang Sektor ng Agrikultura ang siyang may malaking porsyento na pinagmumulan ng hilaw na materyales.
TAMA
MALI
13. Karamihan ng mga magsasaka sa bansa ay may sariling lupain na mapagtatamnan.
TAMA
MALI
14. Sakop ng Kagawaran ng Agrikultura (Department of Agriculture) ang pagkontrol, pamamahala at pagpapanatli ng likas na yaman ng Pilipinas.
TAMA
MALI
15. Ang malaking bahagi o porsyento ng lupain ng Pilipinas ay mula sa lupaing pang-agrikultura at pang-gubat
TAMA
MALI
Mula sa kahon, piliin ang pangulong nagpatupad ng Repormang Pang-Agrikultura sa mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
16. Siya ang nagpa-unlad ng pangingisda at pagsasaka sa pamamagitan ng teknolohiya at pananaliksik - Agriculture and Fisheries Modernization Act
CORAZON AQUINO
RAMON MAGSAYSAY
FIDEL RAMOS
FERDINAND MARCOS
JOSEPH ESTRADA
17. Siya ang nagbigay-kalayaan sa mga magsasaka na pumili ng sariling pamamaraan ng pagsasaka - Agricultural Tenancy Act of 1954
CORAZON AQUINO
RAMON MAGSAYSAY
FIDEL RAMOS
FERDINAND MARCOS
JOSEPH ESTRADA
18. Siya ang nagpatupad ng programa na kung saan lahat ng pampubliko at pribadong lupaing agrikultural ay ipapamahagi sa mga magsasaka na walang sariling lupa. – Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)
CORAZON AQUINO
RAMON MAGSAYSAY
FIDEL RAMOS
FERDINAND MARCOS
JOSEPH ESTRADA
19. Siya ang nagsagawa ng isang programa na binubuo ng mga sona o lugar mula sa isa o higit pang munisipalidad na may layuning gawing produktibo ang agrikultura. – Kapit-bisig Laban sa Kahirapan Agrarian Reform Zones (KALAHI ARZones)
FERDINAND MARCOS
BENIGNO SIMEON AQUINO
FIDEL RAMOS
GLORIA MACAPAGAL - ARROYO
JOSEPH ESTRADA
20. Siya ang bumuo ng isang web page ukol sa pangangasiwa at pagsubaybay ng mga pang-agrikulturang kaso mula sa mga munisipalidad at probinsya. - Legal case Monitoring System (LCMS)
FERDINAND MARCOS
BENIGNO SIMEON AQUINO
FIDEL RAMOS
GLORIA MACAPAGAL - ARROYO
JOSEPH ESTRADA
