Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP - Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

1. Nagpapahinga sa upuan ang iyong nanay dahil napagod sa paglilinis ng bahay ninyo pero nayaya mo na ang iyong mga kaibigan na maglaro sa bahay ninyo. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Tatawa nang malakas para magising ang nanay

b)

B. Gigisingin ang nanay at sasabihing may darating na bisita

c)

C. Maglalaro pa rin sa bahay kasama ng mga kaibigan kahit na nagpapahinga ang nanay

d)

D. Tatawagan ang mga kaibigan at sasabihing sa ibang araw na lang maglaro sa bahay dahil nagpapahinga ang nanay

2.

2. Hindi mo sinabi kay Lito na iyong katabi sa upuan kung sino ang kumuha ng kaniyang bolpen, muli ka niyang tinanong tungkol sa bolpen niya. Ano ang iyong magiging reaksiyon dito?

a)

A. iirapan

b)

B. Mananahimik

c)

C. Aalis na lang

d)

D. Sasabihin ang nakitang kumuha

3.

3. Naamoy mong may hindi magandang amoy sa katawan ang iyong katabi kaya sinabi mo ito sa kaniya. Ano ang iyong gagawin kung ikaw naman ang nasa sitwasyong gaya nito?

a)

A. Magagalit

b)

B. Aalis at hindi papansinin

c)

C. Makikipag-away at magsusumbong

d)

D. Tatanggapin ang sinabi at maglilinis ng katawan

4.

4. Napagsalitaan mo ng hindi maganda ang iyong pinsan kahit alam mong sa sarili mo na ikaw ang may mali. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Aawayin nang aawayin

b)

B. Kakausapin at hihingi ng paumanhin

c)

C. Isusumbong sa mga magulang para pagalitan

d)

D. Mananahimik na lang at hahayaang magalit siya

5.

5. Natapunan mo ng tubig ang ginagawa ng kapatid mo. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

A. Humingi ng paumanhin

b)

B. Umalis para iba ang mapagbintangan

c)

C. Pabayaang basa ang ginagawa ng kapatid

d)

D. Magkunwaring walang alam at mananahimik

6.

6. Nabasag mo nang hindi sinasadya ang plorera ng iyong guro at nagtanong siya sa iyo kung napansin mo kung sino ang nakabasag. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Aaminin at hihingi ng paumanhin

b)

B. Ituturo ang ibang kaklase at aalis na

c)

C. Aalis para ibang mag-aaral ang mapagalitan

d)

D. Magkukunwaring walang alam at mananahimik

7.

7. Hindi mo sinasadyang naapakan mo ang laruan ng iyong nakababatang kapatid at ito ay nasira. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Hihingi ng paumanhin

b)

B. Pagagalitan ang kapatid

c)

C. Sasabihin sa magulang na palitan ang laruan

d)

D. Magkunwaring hindi nakita at mananahimik

8.

8. Iyak nang iyak ang iyong pinsan dahil sinabihan mo siya ng mataba. Ano ang iyong gagawin para tumahimik siya?

a)

A. Humingi ng paumanhin at ipaliwanag kung bakit nasabi ang salitang mataba sa kaniya

b)

B. Pabayaang umiyak nang umiyak

c)

C. Mananahimik sa harapan niya

d)

D. Tatawanan at lalong aasarin

9.

9. Sinabihan ka ng iyong pinsan na ikaw ay maganda pero may pagkatamad. Ano ang iyong magiging reaksiyon dito?

a)

A. Aalis at hindi papansinin ang sinabi ng pinsan

b)

B. Tatanggapin ang totoo at magsisipag

c)

C. Iirapan at aawayin ang pinsan

d)

D. Magkunwaring walang narinig

10.

10. Pinagalitan ka ng iyong magulang dahil palagi mong inaasar ang iyong nakababatang kapatid. Ano ang iyong magiging reaksiyon dito?

a)

A. Lalong aasarin ang kapatid

b)

B. Hihingi ng paumanhin sa kapatid

c)

C. Magkukulong sa kuwarto at iiyak

d)

D. Hindi papansinin ang galit ng magulang

11.

11. Naabutan mong tinutukso ng iyong kaibigan ang nakababata mong kapatid at sinasabihang mataba. Ano ang sasabihin mo sa iyong kaibigan?

a)

A. “Sige, tuksuhin mo pa siya.”

b)

B. “Huwag mo siyang tuksuhin kaibigan, nakakasakit ka ng damdamin.”

c)

C. “Hindi ako nagagalit. Eh, totoo namang mataba siya di ba?”

d)

D. “Lakasan mo pa ang boses mo para mas masaya.”

12.

12. Umiiyak ang iyong pinsan dahil sa sobra mong panunukso sa kaniya. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Pagtatawanan ko na lang siya.

b)

B. Hihingi ako ng tawad sa kaniya at titigilan na ang panunukso.

c)

C. Pababayaan ko siyang umiyak hanggang marinig siya ng kaniyang nanay.

d)

D. Aalis ako sa harap niya na parang walang nangyari.

13.

13. Ano ang iyong gagawin kung nakakasakit ka ng damdamin ng iyong kapwa dahil sa pagbibiro?

a)

A. Hihingi ako ng tawad.

b)

B. Pababayaan ko na lang.

c)

C. Tutuksuhin ko pa siya lalo.

d)

D. Aalis ako at tatawa nang malakas.

14.

14. Bilang isang bata, paano ka magbibiro ng hindi nakakasakit ng damdamin ng iyong kapwa?

a)

A. Sasabihin ko ang gusto ko.

b)

B. Tutuksuhin sila sa maraming tao.

c)

C. Hindi ako gagamit ng mga masasakit na salita.

d)

D. Sisigawan ko sila habang kami ay nag-uusap.

15.

15. Inabutan mong nagbibiruan ang iyong mga pinsan sa

bahay ng lolo ninyo. Nang dumating ka, biglang sumigaw ang isa sa kanila ng “Itim, ang itim mo!”habang nakatingin sa iyo. Ano ang magiging reaksiyon mo?

a)

A. Iiyak ako dahil ako ang pinariringgan niya.

b)

B. Sisigawan ko rin siya ng “mataba, ang taba mo!”

c)

C. Hindi ko siya papansinin. Uuwi na lang ako at magsusumbong sa nanay.

d)

D. Kakausapin ko siya nang mahinahon na nakakasakit ng damdamin ang kaniyang ginawa.

16.

16. Isang araw pinag-usapan ninyo ang inyong pinsan dahil siya ay maliit kahit nasa ikaanim na baitang na. Nang mapansin mong parang nasasaktan na siya, ay bigla siyang umalis at hindi na bumalik. Ano ang maaari mong sabihin sa iba mo pang mga pinsan?

a)

A. Sasabihin kong patuloy lang sa pinag-usapan.

b)

B. Kakausapin ko sila na tigilan na dahil hindi ito maganda.

c)

C. Hahayaan ko na lang siyang umalis at bahala na kung nasaktan siya.

d)

D. Pagtatawanan pa namin siya lalo dahil hindi niya naman kami maririnig.

17.

17. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin kung nakakakita o nakakarinig ka ng mga biro na nakakasakit ng damdamin?

a)

A. Hindi ko ito gagayahin dahil mali ito.

b)

B. Gagayahin ko ito at gamitin sa pagbibiro.

c)

C. Kokopyahin ko ito at ipapakita sa aking mga kaklase.

d)

D. Hihikayatin ko ang aking kapatid na sundin namin ito.

18.

18. Narinig mong binibiro ni Ondoy si Ester gamit ang hindi magagandang salita. Ano ang maaari mong gawin bilang kaibigan nila?

a)

A. Kakausapin ko si Ondoy nang mahinahon at sabihin na mali ang kaniyang ginawa.

b)

B. Hahayaan ko silang mag-away at hindi na makikialam sa kanilang biruan.

c)

C. Sasali ako sa kanilang biruan hanggang umiyak si Ester.

d)

D. Kakampihan ko si Ester at bibiruin din namin si Ondoy at sasabihan ng masasakit na salita.

19.

19. Sa inyong EsP ay pinapagawa kayo ng pangako ng inyong guro tungkol sa pagbibiro. Ano ang iyong dapat isaalang-alang sa paggawa ng pangako?

a)

A. Gagamit ako ng mga masasakit na salita.

b)

B. Sisiguraduhin kong masasaktan ang aking kapwa.

c)

C. Hindi ako gagamit nga mga masasakit na salita sa pagbibiro.

d)

D. Gagayahin ko ang mga birong aking napanood at narinig na nakakasakit ng damdamin.

20.

20. Ano ang iyong maipapayo sa kaibigan mong gumagamit ng masasakit na salita sa pagbibiro?

a)

A. Ipagpatuloy niya lang ito dahil nakakaaliw naman siya.

b)

B. Kakausapin ko siya na kung maaari ba akong sumali sa pagbibiro niya.

c)

C. Papayuhan ko siya nang mahinahon na itigil niya na ito dahil nakakasakit siya ng damdamin sa kapwa.

d)

D. Sasabihin ko sa kaniya na maganda itong gawain kaya lakasan niya pa ang pagpapatawa.