wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

QUIZ 1 : PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?

a)

Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya

b)

Kita at gastusin ng pamahalaan

c)

Kalakalan sa loob at labas ng bansa

d)

Transaksiyon ng mga institusyong pampinansiyal

2.

Katuwang ng bahay-kalakal at sambahayan sa mga desisyong panghinaharap ?

a)

Pamilihang pinansiyal

b)

pamilihan ng kalakal at paglilingkod

c)

pamilihan ng mga salik ng produksiyon

d)

pamilihang panlabas

3.

Tagapaglikha ng pampublikong paglilingkod para sa sambahayan at bahay kalakal mula sa buwis na nakolekta nito?

a)

panlabas na sektor

b)

negosyo

c)

pamahalaan

d)

pamilihan

4.

Ginagamit ng bahay-kalakal upang maihatid sa sambahayan ang mga nalikha nitong produkto at paglilingkod

a)

pamilihang pinansiyal

b)

pamilihang panlabas

c)

pamilihan ng salik ng produksiyon

d)

pamilihan ng kalakal at paglilingkod

5.

Nakikipag-ugnayan sa bahay- kalakal at sambahayan sa pamamagitan ng pagluluwas (export) at pag-aangkat

( import ) ng produkto?

a)

pamahalaan

b)

panlabas na sektor

c)

pamilihan ng kalakal at paglilingkod

d)

pamilihang panlabas

6.

Tanging may kakayahan na lumikha ng kalakal at paglilingkod?

a)

pamahalaan

b)

sambahayan

c)

bahay-kalakal

d)

panlabas na sektor

7.

Nagmamay-ari at tagatustos ng mga salik ng produksiyon?

a)

bahay-kalakal

b)

sambahayan

c)

pamahalaan

d)

panlabas na sektor

8.

Tumutukoy sa halagang natanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay.

a)

tubo

b)

upa

c)

interes

d)

sahod

9.

Pera o kitang hindi ginagamit sa pagkonsumo o hidi ginagastos sa pangangailangan.

a)

investments

b)

stocks

c)

asset

d)

savings

10.

Sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ang anumang pagtamlay ng ekonomiya ay maaaring isisi sa

a)

sambahayan dahil sa kanya nagmumula ang mga salik ng produksiyon

b)

sa bahay - kalakal dahil siya ang lumilikha ng mga produktong kailangan ng lahat

c)

sa pamahalaan dahil siya ang nagpapatupad ng mga alituntuning pang-ekonomiya

d)

sa lahat ng sektor dahil ang bawat isa ay may magkakaugnay ng gampanin sa isa't isa

11.

Dahil ang pag-iimpok o savings ay kadalasang inilalagak sa mga institusyong pampinansiyal, itinuturing itong cash outflow o kitang lumalabas sa ekonomiya. Anong gawain ang muling magbabalik nito sa ekonomiya?

a)

paggasta

b)

pagkonsumo

c)

pagtitipid

d)

pamumuhunan

12.

Kung ang kabuuang kita ni John ay Php 25,000, ang kanya namang kabuuang gastusin ay Php21,000, magkano ang maari niyang ilaan pra sa pag-iimpok?

a)

Php 1,000

b)

Php 2,000

c)

Php 3,000

d)

Php 4,000

13.

Sa paikot na daloy ng ekonomiya, si JM ay bahagi ng sambahayan na nangangailangan ng mga produkto at serbisyo. Ang San Miguel Corporation naman ay isa sa mga bahay-kalakal na lumilikha ng mga produktong kailangan ni JM. Anong sektor ang magsisilbing tulay sa pagitan ni JM at San Miguel Cororation?

a)

pamahalaan

b)

Financila Market

c)

Product/ Commodity Market

d)

Factor Market

14.

Sa ikaapat na modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, binigyang dii ang papel ng pamahalaan.Bagama't likas ang kapangyarihan nito na kumolekta ng buwis sa kanyang mamamayan, obligasyon niyang ibalik ito sa pamamagitan ng mga pampublikong paglilingkod gaya ng pagpapagawa ng kalsada, libreng tulong medikal at iba pa. Alin sa mga sumusunod na islogan o linya na madalas makita sa proyekto?

a)

'' Tuition mo sagot ko : Scholarship program by Mayor Mhoko"

b)

"Construction of Multi-purpose building : Hali sa karahayang boot ni Congressman "

c)

"Proyekto para sa Iriganon hali sa buwis kan mga Iriganon "

d)

"Relief Operation sponsored by the office of the Governor"

15.

Ano ang maaring gawin ng isang mag-aaral na tulad mo upang makatulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?

a)

Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi tamang nagbabayad ng buwis

b)

Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store

c)

Paalalahanan ang mga magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis

d)

suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader

16.

Ang pagsusuri ng buong ekonomiya na may kinalaman sa pag-uugnayan ng sambahayan,kompanya,pamahalaan at panlabas na sektor ay tinatalakay sa

a)

Econometrics

b)

Macroeconomics

c)

Microeconomics

d)

Normative economics

17.

Ang mga manggagawa, negosyo at kompanya ay nagbabayad ng buwis sa pamahalaan. Bakit kailangang bayaran ng tama ang pamahalaan?

a)

hind magkaroon ng kaso

b)

maituloy ang mga proyektong pambayan

c)

may impok ang pamahalaan

d)

tumaas ang koleksyon ng pamahalaan

18.

Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?

a)

sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumailalim sa proseso ng bahay-kalakal

b)

ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal

c)

ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal

d)

nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa bahay-kalakal

19.

Konsyumer ng mga salik ng produksiyon na nagmula sa sambahayan

a)

sambahayan

b)

bahay-kalakal

c)

pamahalaan

d)

pamilihan

20.

Ito ang pagbili ng mga produkto sa ibang bansa papasok ng ating bansa

a)

export

b)

import

c)

passport

d)

airport