wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagmamahal sa Bayan

Total questions: 15

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kagulugan ng "PATER" na pinagmulan ng salitang patriyotismo?

a)

Katatagan at kasipagan

b)

Kabayanihan at katapangan

c)

Pinagkopyahan o pinagbasehan

d)

Pinagmulan o pinanggalingan

2.

Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?

a)

Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon

b)

Pag-awit sa pambansang Awit nang may paggalang at dignidad

c)

Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya

d)

Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa

3.

Ang bayanihan ay isang pagpapahalagang Pilipinong nagpapakita ng:

a)

Pagkamakabayan

b)

Pagkakaisa

c)

Pagkamalikhain

d)

Pagkamatapang

4.

Tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon.

a)

Patriyotismo

b)

Nasyonalismo

c)

Ispiritwal

d)

Moral

5.

Ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa ay anong dimensiyon ng tao nabibilang?

a)

Moral

b)

Ispiritwal

c)

Panlipunan

d)

Pang ekonomiya

6.

“Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapagambag sa kabutihan panlahat.”

Ito ay ayon kay?

a)

San Juan Pablo XXII

b)

San Juan Pablo XXIII

c)

Sa Juan XXXI

d)

San Juan XXIII

7.

Mahalaga ba ang pagmamahal sa bayan? Bakit?

a)

Oo, dahil kung walang pagmamahal sa bayan ay wala ring pagmamahal sa kapwa.

b)

Oo, dahil kapag mahal mo ang bayan ay mas marami kang tagahanga.

c)

Hindi, dahil walang mabuting maidudulot saiyo ang iyong pagmamahal

d)

Hindi, dahil walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo lamang

8.

Alin sa sumusunod ang hindi kasali sa dimensiyon ng tao?

a)

Pangkatawan

b)

Moral

c)

Pansarili

d)

Ispiritwal

9.

Ito ay ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat mamamayang bumubuo rito.

a)

Nasyonalismo

b)

Moral

c)

Patriyotismo

d)

Ispiritwal

10.

Ito ay paggalang, katarungan, kapayapaan, kaayusan, at pagkalinga sa pamilya at salinlahi.

a)

Moral

b)

Pangkaisipan

c)

Pampolitikal

d)

Panlipunan

11.

Ang Pangkatawan ay isa sa dimensiyon ng tao, alin ang hindi nagpapakita ng pagpapahalaga ng buhay ng tao?

a)

Pagkain ng masustansiyang pagkain

b)

Paninigarilyo at pag-inom ng alak

c)

Pag-eehersisyo

d)

Pagpunta sa doctor ng minsanan

12.

Alin sa mga sumusunod ang pagsasagawa ng tama tungkol sa pagboto (vote) ?

a)

Ibebenta ang boto para magkakaroon ng pera.

b)

Mamimili ng tamang pinuno na maglilingkod sa taong bayan.

c)

Ipagpapalit ang boto sa kaibigan ng iyong magulang para makakuha ng pabor.

d)

Pipiliin ang mga taong pinipili ng iyong mga kaibigan para magkapareho kayo ng ibinoto.

13.

Alin sa mga sumusunod ang solusyon sa lumalalang problema ng bansa sa kapaligiran?

a)

Pagtatanim ng mga puno

b)

Pagtapon ng basura kahit saan

c)

Pag-ubos sa mga pinagkukunang yaman

d)

Sobrang paggamit ng tubig

14.

Ang sumusunod ay mga pagpapahalaga na indikasyon ng pagmamahal sa bayan MALIBAN sa :

a)

Laging inuuna ang pansariling kapakanan

b)

Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa

c)

Pagsulong sa kabutihang panlahat

d)

Pagpapahalaga sa buhay

15.

Ang isang mamamayan na may pagmamahal sa bayan ay may pagpapahalaga sa kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan ng kaniyang bayan.

a)

Mali

b)

Tama

c)

Hindi alam ang sagot.

d)

Wala sa sumusunod