wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4th Quarter Exam In AP 4

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

isang mahaba, patag, aspaltado o sementado na ruta o daan na ginagamit sa paglalakbay ng mga sasakyang panlupa

a)

Riles ng Tren

b)

Kalsada

c)

Paliparan

2.

Ano ang pinakamahabang kalsada sa Pilipinas?

a)

Pan-Philippine Highway

b)

San Juanico Highway

c)

San Juanico Bridge

3.

Pinakamahabang tulay sa Pilipinas?

a)

Pan-Phiiippine Bridge

b)

Maharlika Bridge

c)

San Juanico Bridge

4.

Impraestrukturang itinayo upang idugtong ang dalawang lugar nang hindi isinasara ang anyong tubig, lambak, riles, o kalsada na nasa ilalim nito.

a)

Tulay

b)

Kalsada

c)

Riles ng Tren

5.

Mga pares ng mahahabang daang-bakal na tinatakbuhan ng mga treng naghahatid ngmga pasahero, kagamitan, at produkto patungo sa mga lugar na may estasyon hanggang dulo ng destinasyon.

a)

Kalsada

b)

Tulay

c)

Riles

6.

Ano ang pinakamatandang kompanya ng transportasyon sa riles sa Pilipinas?

a)

Philippine Transit

b)

Philippine National Railways

c)

Philippine Economic Zone

7.

Impraestruktura na binubuo ng mga landas (runways) at mga gusali para sa pag-alis, paglapag, at pananatili ng mga eroplano at iba pang sasakyang panghimpapawid.

a)

Pantalan

b)

Paliparan

c)

Kalsada

8.

Daungan ng mga barko upang magbaba at magsakay ng mga pasahero, produkto, kagamitan, at iba pang kargamento.

a)

Paliparan

b)

Riles ng Tren

c)

Pantalan

9.

Ano ang Jus Soli?

a)

Prinsipyo ng pagkamamamayan nakabatay sa dugo.

b)

Prinsipyo ng pagkakakamamamayan na nakabatay sa lugar na kung saan siya ipinanganak.

c)

Nangangahulugang pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon itinatakda ng batas.

10.

Ano ang Jus Sanguinis?

a)

Prinsipyo ng pagkamamamayan nakabatay sa dugo.

b)

Prinsipyo ng pagkakakamamamayan na nakabatay sa lugar na kung saan siya ipinanganak.

c)

Nangangahulugang pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon itinatakda ng batas.

11.

Ano ang Naturalisadong mamamayan?

a)

Mga mamamayan na isinilang ng dalawang Pilipinong mag-asawa o kahit ang isa lamang ang Pilipino.

b)

aong naninirahan sa isang politikal na lipunan o nakatira sa lupang sakop ng isang estado.

c)

Mga taong mula sa ibang bansa na dumaan sa proseso ng tinatawag na naturalisasyon

12.

Ano ang Likas na mamamayan?

a)

Taong naninirahan sa isang politikal na lipunan o nakatira sa lupang sakop ng isang estado.

b)

Mga mamamayan na isinilang ng dalawang Pilipinong mag-asawa o kahit ang isa lamang ang Pilipino.

c)

Mga taong mula sa ibang bansa na dumaan sa proseso ng tinatawag na naturalisasyon.

13.

Sino sa kanila ang mamamayang Pilipino?

a)

Si Julius ay anak ng isang Igorot at isang Ilokano. Naninirahan sila sa Maynila

b)

Nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing mahal na araw si Nyro na isang Australyano.

c)

Si Smith na isang Amerikano ay nakapagpatayo ng isang malaking kompanya sa Pilipinas.

14.

Si Enzo ay ipinanganak sa Cebu. Ang kaniyang ama ay Pilipino at ang kaniyang ina ay Hapones.

a)

Mamamayang Pilipino

b)

Dayuhan

c)

Naturalisado

15.

Si Aniel ay anak ng isang Igorot at isang Ilokano. Naninirahan sila sa Maynila.

a)

Mamamayang Pilipino

b)

Dayuhan

c)

Naturalisado

16.

May dalawang pagkamamamayan

a)

Naturalisasyon

b)

Katutubong Pagkamamamayan

c)

Dual Citizenship

17.

Ito ay ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan.

a)

Batas

b)

Saligang Batas

c)

Ordinansa

18.

Ito ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng batas.

a)

Pagkatao

b)

Pagkamakabayan

c)

Pagkamamamayan

19.

Elemento ng isang bansa na tumutukoy sa naninirahan sa isang lugar na may magkakatulad na wika at kultura.

a)

Pamahalaan

b)

Tao

c)

Soberanya

20.

Elemento ng bansa na tumutukoy sa lawak ng kalupaan, katubigan, himapapawid at kalawakan. Ito ay tinitirhan ng mga tao at pinamamahalaan ng pamahalaan.

a)

Soberanya

b)

Pamahalaan

c)

Teritoryo

21.

Elemento ng bansa na tumutukoy sa organisasyong politikal na namamahala sa tao at nasasakupan na naglalayong mapanatili ang sibilisadong lipunan.

a)

Pamahalaan

b)

Teritoryo

c)

Tao

22.

Tumutukoy sa kalayaan ng pamahalaan na mapamahalaan ang

mga tao at nasasakupan ng hindi pinakikialaman ng ibang bansa.

a)

Tao

b)

Soberanya

c)

Pamahalaan

23.

Ano ang pambansang sapin sa paa?

a)

Tsinelas

b)

Bakya

c)

Sneakers

24.

Ano ang pambansang Laro?

a)

Sipa

b)

Piko

c)

Arnis

25.

Ano ang pambansang bulaklak?

a)

Sampagita

b)

Gumamela

c)

Rosas

26.

Ano ang pambansang awit ng Pilipinas?

a)

Bakya mo Neneng

b)

Lupang Hinirang

c)

Leron Leron Sinta

27.

Ano ang ibig sabihin ng tatlong bituin sa watawat ng Pilipinas?

a)

Lucena, Visayas at Mindanao

b)

Luzon,Panay at Quezon

c)

Luzon,Visayas at Mindanao

28.

Ano ang Pambansang Hayop?

a)

Aso

b)

Kalabaw

c)

Pusa

29.

Ano ang pambansang Isda?

a)

Bangus

b)

Tilapia

c)

Galunggong

30.

Ano ang pambansang Sayaw?

a)

Singkil

b)

Pandanggo Sa Ilaw

c)

Carinosa