wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP- ELIMINATION ROUND

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Sinimulan nina Ferdinand Magellan ang kanilang paglalakbay noong Setyembre 20,1519 mula sa San Lucar de Barrameda, Spain. Limang barko ang bumubuo sa ekspedisyong ito. Ano-ano ito?

a)

Concepcion, Josefa, Trinidad, Santiago at VIctoria

b)

Concepcion, San Antonio, Santiago, Trinidad at Victoria

c)

San Antonio, Santiago, Soledad, Trinidad at Victoria

d)

San Antonio, Trinidad, Victoria, Josefa at Soledad

2.

Hindi kaagad natagpuan nina Magellan ang Karagatang Pasipiko. Sa halip napadpad sila sa Puerto San Julian noong Marso 1520 at dito nagpalipas ng taglamig. Sa pananatili nila roon, anong barko ang nasira ng bagyo?

a)

San Antonio

b)

Victoria

c)

Santiago

d)

Trinidad

3.

Ipinagpatuloy ng grupo ni Magellan ang ekspedisyon noong Oktubre 18, 1520 matapos mapayapa ang mga nag-alsang tauhan niya. Tatlong araw ang kanilang nilakbay bago nila natuklasan ang isang kipot patungong Pasipiko. Ano ang itinawag nila rito?

a)

Basilan Strait

b)

Luzon Strait

c)

San Juanico Strait

d)

Strait of Magellan

4.

Matinding hirap ang dinanas nina Magellan sa pagtawid sa Karagatang Pasipiko. Naubusan sila ng pagkain at tubig na naging sanhi ng pagkakasakit at pagkagutom ng kaniyang mga tauhan. Kailan nila natanaw ang pulo ng Samar?

a)

Marso 15, 1521

b)

Marso 16, 1521

c)

Marso 17, 1521

d)

Marso 18, 1521

5.

Ito ay isang maliit na pulo na kung saan unang nakakita sina Magellan ng mga katutubong Pilipino na buong pusong tumanggap sa kanila.

a)

Samar

b)

Homonhon

c)

Limasawa

d)

Cebu

6.

Saan naganap ang sanduguan sa pagitan nina Magellan at Raja Kolambu noong Marso 28, 1521 bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan?

a)

Homonhon

b)

Cebu

c)

Limasawa

d)

Samar

7.

Idinaos ang kauna-unahang misang Kristiyano sa Pilipinas noong Marso 31, 1521- araw ng pagkabuhay ni Kristo. Sino ang nagmisa?

a)

Padre Pedro Concepcion

b)

Padre Pedro de Valderrama

c)

Padre Pedro de Santiago

d)

Padre Pedro de Saavedra

8.

Sinong pinuno ng Mactan ang tumangging kilalanin si Humabon bilang bagong hari ng Cebu at ang kapangyarihan ng mga Espanyol?

a)

Zula

b)

Kolambu

c)

Juana

d)

Lapu-Lapu

9.

Sino ang nagbigay ng pangalang Felipinas sa kapuluan bilang parangal kay Prinsipe Philip II ng Asturias?

a)

Garcia Jofre de Loaisa

b)

Juan Sebastian del Cano

c)

Ruy Lopez de Villalobos

d)

Miguel Lopez de Legazpi

10.

Sa lahat ng ekspedisyong ipinadala ni Philip II, sino ang matagumpay na nakarating sa Pilipinas na madaling nakuha ang tiwala ng mga Pilipino?

a)

Ruy Lopez de Villalobos

b)

Garcia Jofre Loaisa

c)

Miguel Lopez de Legazpi

d)

Juan Sebastian del Cano

11.

Taong 1565 itinatag ang Lungsod ng Cebu. Ano ang ipinangalan sa lugar na ito?

a)

Lungsod ng Kabanal-banalang Ngalan ni San Jose

b)

Lungsod ng Kabanal-banalang Ngalan ni San Sebastian

c)

Lungsod ng Kabanal-banalang Ngalan ni Maria

d)

Lungsod ng Kabanal-banalang Ngalan ni Jesus

12.

Sino ang namuno sa pangkat upang alamin ang kalakaran sa Maynila?

a)

Miguel Lopez de Legazpi

b)

Ruy Lopex de Villalobos

c)

Martin de Goiti

d)

Sebastian del Cano

13.

Kailan ipinahayag ang Maynila bilang kabisera ng Pilipinas?

a)

Hunyo 21, 1571

b)

Hunyo 22, 1571

c)

Hunyo 23, 1571

d)

Hunyo 24, 1571

14.

Ano ang pinakamalaking impluwensiya sa atin ng mga Espanyol?

a)

edukasyon

b)

Kristiyanismo

c)

kultura

d)

sining

15.

Maraming salik kung bakit nagtagumpay ang mga Espanyol na sakupin ang kapuluan. Alin ang hindi rito kabilang?

a)

Walang pagkakaisa ang mga Pilipino

b)

Ang mga Pilipino ay kulang sa mga makabagong sandata

c)

Nakipagkasundo ang lahat ng Pilipino sa mga Espanyol

d)

Nabihag ang mga Pilipino sa mga aral ng Kristiyanismo