NEW
Font size
WorksheetsAP 9 - IKAAPAT NA MARKAHAN - SUMMATIVE TEST
Total questions: 60
Worksheet time: 30mins
Ito ay nagaganap kapag tumataas ang mga gastusin sa import at export.
Demand-Pull Inflation
Cost-Push Inflation
Import Inflation
Structural Inflation
Ito ay nagaganap kapag tumataas ang mga gastusin sa salik ng produksyon .
Demand-Pull Inflation
Cost-Push Inflation
Import Inflation
Structural Inflation
Ito ay nagaganap kapag tumataas ang demand ng mga produkto at serbisyo kaysa sa supply na nasa pamilihan.
Demand-Pull Inflation
Cost-Push Inflation
Import Inflation
Structural Inflation
Ito ay tumutukoy sa mga patakaran na sinusunod sa pagpapatakbo ng ekonomiya.
Demand-Pull Inflation
Cost-Push Inflation
Import Inflation
Structural Inflation
Ito ay ang pagtaas o paglaki ng GDP na kung saan ang kita ng bahay-kalakal ay dahan-dahang lumalaki dahil sa mga namumuhunan.
Peak o Tuktok
Recession o Pag-urong
Trough o Depresyon
Growth o Paglaki
Ito ay ang pinakamataas na siklo kung saan marami ang may trabaho.
Peak o Tuktok
Recession o Pag-urong
Trough o Depresyon
Growth o Paglaki
Ito ay ang paghina ng GDP dahil lumiliit ang produksyon.
Peak o Tuktok
Recession o Pag-urong
Trough o Depresyon
Growth o Paglaki
Ito ay ang pinakamababang bahagi ng siklo.
Peak o Tuktok
Recession o Pag-urong
Trough o Depresyon
Growth o Paglaki
Inaasahan ang pagtaas ng presyo ng keyk at tsokolate dahil sa pagtaas ng asukal.
Demand-Pull Inflation
Cost-Push Inflation
Import Inflation
Structural Inflation
Ang pamahalaan ay hindi inaprubahan ang panukalang batas na nagsasaad ng dagdag na benepisyo sa mga manggagawa.
Demand-Pull Inflation
Cost-Push Inflation
Import Inflation
Structural Inflation
Piliin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng implasyon?
Kakulangan sa enerhiya
Paglaki ng demand kaysa sa produksiyon
Pagtaas ng produksiyon
Pagtaas ng estado ng pamumuhay
Piliin sa mga sumusunod ang naaapektuhan sa tuwing may implasyon.
Mga nagpapautang
Nangungutang
Taong di-tiyak na kita
Speculators
Sa paanong paraan nalulugi ang mga nagpapautang sa panahon ng implasyon?
Hindi na sila binabayaran
Sobra ang perang natatanggap
Ang bayad na tinanggap ay bumababa sa tunay na halaga nito.
Tumataas ang halaga ng salapi kaya dapat mataas din ang ibabayad sa kanya.
Ano ang bunga ng pagtaas ng suplay ng salapi?
Tataas ang suplay ng mga produkto kaya bababa ang presyo ng bilihin
Tataas ang demand o ang paggasta kung kaya tataas ang presyo ng bilihin
Bababa ang suplay ng produkto kaya tataas ang presyo
Bababa ang demand king saan bababa din ang presyo
Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
Bumili lamang kung bagsak presyo ang mga bilihin sa pamilihan.
Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo.
Bumili lamang ng sapat na pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.
Maraming mag-aaral and hindi na kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang.
Dahilan ng Implasyong (DI)
Bunga ng Implasyon (BI)
Paghingi ng karagdagang sahod ng mga manggagawa.
Dahilan ng Implasyong (DI)
Bunga ng Implasyon (BI)
Mataas na halaga ng mga materyales na kailangan sa produksiyon.
Dahilan ng Implasyong (DI)
Bunga ng Implasyon (BI)
Ano ang CPI o consumer price index?
Kabuuang kita ng isang consumer
Kabuuang gastos ng isang consumer
Kabuuang kita at serbisyo ng isang consumer
Kabuuang kita at gastos ng isang consumer
Ano ang tawag sa kinokolekta ng pamahalaan sa mga mamamayan?
Pananalapi
Kita
Buwis
Lahat ng nabanggit ay tama
Ano ang tawag sa buwis na direktang ibinabawas sa sahod ng mga manggagawa?
Corporate Income Tax
Transfer Tax
Personal Income Tax
Specific Tax
Ano ang tawag sa buwis na binabayaran ng mga mamamayan para sa pagkonsumo ng iba't-ibang produkto at paglilingkod?
Excise tax
Specific tax
Ad valorem tax
Income tax
Ito ay may kinalaman sa pamamahala o pagkontrol sa suplay ng salapi upang patatagin ang halaga ng salapi sa loob at labas ng bansa at tiyakin na magiging
matatag ang buong ekonomiya.
Bangko Sentral
Patakarang Pananalapi
Expansionary Money Policy
Contractionary Money Policy
Layunin ng polisiyang ito na mahikayat ang mga negosyante na palakihin o magbukas ng bagong negosyo. Ibinababa ng pamahalaan ang interes sa pagpapautang kaya mas maraming mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera upang idagdag sa kanilang mga negosyo.
Expansionary Money Policy
Contractionary Money Policy
Bangko Sentral ng Pilipinas
Patakaran ng Pananalapi
Layunin ng polisiyang ito na mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan.Sa pagbabawas ng puhunan, nababawasan din ang produksiyon. Sa pamamaraang ito, bumababa ang presyo at nagiging dahilan sa pagbagal ng ekonomiya.
Expansionary Money Policy
Contractionary Money Policy
Bangko Sentral ng Pilipinas
Patakaran ng Pananalapi
Itinatag ang institusyong ito sa pamamagitan ng
Republic Act No. 7653, ang institusyong ito ay itinalaga bilang central monetary authority ng bansa.
Expansionary Money Policy
Contractionary Money Policy
Bangko Sentral ng Pilipinas
Patakaran ng Pananalapi
Isang uri ng institusyong pampananalapi na tumatanggap at lumilikom na labis na salapi na iniimpok ng tao at pamahalaan.
Bangko ng Pagtitipid
Bangkong Komersyal
Bangko
Bangkong Rural
Espesyal na bangko na itinataguyod ang pagpapatupad ng reporma sa lupa. May kinalaman ito sa pagsasaayos ng pondo ng pamahalaan ukol sa reporma sa lupa.
Bank of the Philippine Island
Al-Amanah Islamic Investment Bank
of the Philippines (Al-Amanah)
Development Bank of the Philippines
Land Bank of the Philippines
Itinatag ito sa ilalim ng Republic Act No.
6848, layunin ng bangkong ito na tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Bank of the Philippine Island
Al-Amanah Islamic Investment Bank
of the Philippines (Al-Amanah)
Development Bank of the Philippines
Land Bank of the Philippines
"Salamin ng maunlad na ekonomiya ang sektor ng paglilingkod na nagtataglay ng malawak na kakayahan". Ano ang maaaring mahinuha sa pahayag na ito?
Makalilikha nang mas maraming kalakal at paglilingkod ang bawat kasapi ng lipunan kung nagtataglay ito ng sapat na kakayahan.
Nakabatay sa dami ng bumubuo sa sektor ng paglilingkod ang kaunlarang pang-ekonomiya ng isang bansa.
Pinakamahalagang sektor ng ekonomiya ang sektor ng paglilingkod.
Nakadepende ang kaunlarang pang-ekonomiya ng isang bansa sa sektor ng paglilingkod
Pangunahing gampanin ng sektor ng paglilingkod
Magkaloob ng mga hilaw na materyales para sa produksyon
Magkaloob ng serbisyo na tutugon sa pangangailangan ng tao
Magproseso ng mga hilaw na sangkap upang makalikha ng kalakal
Magkaloob ng buwis sa pamahalaan
Ang mga Pulis, Bumbero, Sundalo at lahat ng kawani ng pamahalaan ay kabilang sa anong subsektor ng paglilingkod?
Paglilingkod na pampribado
Paglilingkod na pampubliko
Pananalapi
Kalakalan
Paano nakakasama sa isang manggagawa ang lipunang may pagtatangi sa isang kasarian sa larangan ng paggawa?
Nalilimitahan nito ang kakayahan at dignidad ng isang tao.
Labag ito sa pagkakapantay-pantay ng tao.
Magdudulot ito nang higit na di-pagkakapantay-pantay sa lipunan.
magdudulot ito ng kahirapan
Ang mga sumusunod ay mga sektor ng agrikultura. Maliban sa isa, ano ito?
Paghahayupan
Paghahalaman
Pangisdaan
Pagmamanupaktura
Ano ang sektor na tumutugon sa mga pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksyon?
Agrikultura
Industriya
Paglilingkod
Impormal na Sektor
Paano nakakatulong ang sektor ng agrikultura upang makakuha ng kita mula sa labas ng bansa?
Nagsusuplay ang sektor na ito ng karagdagang pondo tulad ng kapital o lakas-paggawa sa ibang sektor ng ekonomiya.
Sinusuplayan ng agrikultura ang pagkain at iba pang pangangailangan ng mga tao.
Pangunahing iniluluwas ng mga umuunlad na bansa ang mga produktong agrikultural upang madagdagan ang kita.
Nakakapangutang ang sektor ng agrikultura sa ibang bansa upang pantustos sa pangangailangang pang-agrikultural namakakatulong sa paglago ng ekonomiya.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa sektor ng agrikultura?
DENR (Department of Environment and Natural Resources)
DPWH (Department of Public Works and Highways)
DA (Department of Agriculture)
BAI (Bureau of Animal Industry)
Sa ilalim ng batas na ito ipinamahagi ng ating pamahalaan ang mga lupa sa mga magsasaka at ito ay maaari lamang gawing taniman.
Repormang Agraryo
CARL (Comprehensive Agrarian Reform Law)
Repormang Agrikultura
Encomienda
Alin sa mga sumusunod ang isinasaad ng Comprehensive Agrarian Reform Law o CARL?
Ipapamahagi ang mga pampubliko at pampribadong mga lupaing agrikultural anuman ang tanim at tenyur nito.
Ipapamahagi ang mga malalaking ektarya ng mga pampribadong lupain na hindi nakarehistro sa gobyerno
Ipapamahagi ang mga pampublikong mga lupain para sa mga magsasakang matagal ng nagsasaka sa lupaing iyon.
Ipapamahagi ang mga pampubliko at pampribadong lupain kung magbabayad ang mga magsasaka ng 25% sa may aring lupaing ito.
Ang Sektor ng Agrikultura ay mahalaga dahil ito ang nagsusuplay ng mga hilaw na materyales upang maging tapos na produkto sa pamilihan.
TAMA
MALI
Marami ang umaalis na manggagawa papuntang ibang bansa.
TAMA
MALI
Ang brain drain ay isa sa suliranin ng sektor ng serbisyo.
TAMA
MALI
Bakit sinabing isang bansang agrikultural ang Pilipinas?
a. Dahil sa malaking bilang ng mga magsasaka sa bansa.
b. Dahil nag-aangkat ang bansa ng mga produktong agrikultural mula sa ibang bansa.
c. Dahil madaming nagpapakadalubhasa sa larangan ng Agrikultura.
d. Dahil malaking bahagi ng bansa ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura.
Alin sa mga sektor ang namamahala sa pagproproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto?
Agrikultura
Paglilingkod
Industriya
Pangangalakal
Alin sa mga sumusunod ang suliranin ng sektor sa industriya?
Kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran
Kakulangan ng suporta ng iba pang sektor
Kakulangan ng suporta ng iba pang sektor
Kakulangan ng pondo o kapital sa mga namumuhunan
Bakit mahalaga ang sektor ng industriya?
Ito ang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay.
Ito ang pangunahing pinagkukunan ng kitang panlabas.
Ito ang pinagkukunan ng pagkain at gamit materyal sa industriya
Ito ang lumikha ng mga tapos na produkto para sa pangangailangan ng tao.
Ang tinaguriang ikatlong sektor ng ekonomiya na umaalalay sa buong proseso ng produksiyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo sa loob o labas ng bansa
Sektor ng Agrikultura
Sektor ng Industriya
Sektor ng Paglilingkod
Impormal na sektor
Ito ang paggawa ng kalakal upang gawing produktong pangkonsumo, kasangkapan, at makina na nagmumula sa mga kagamitang hilaw.
Pagmimina
Pagmamanupaktura
Pangingisda
Paghahayupan
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran?
Hindi ganap na maipapakita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
Sa mga OFWs lamang nabubuhay ang ekonomiya ng bansa.
Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan rin ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan
Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyunal na panukat gaya ng GDP.
Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng bawat isa. Maaaring gawin ang mga sumusunod MALIBAN sa isa upang makatulong sa pag-unlad ng bansa?
Sa pamamagitan ng pagiging mapanagutan
Sa pamamagitan ng hindi pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
Sa pamamagitan ng pagiging makabansa
Sa pamamagitan ng pagiging maalam
Alin sa mga sumusunod na konsepto ang HINDI nagpapakita ng pag-unlad?
Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
Isang progresibo at aktibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao.
Kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
Mga nakikita at nasusukat na pagbabago sa pamumuhay ng isang bansa.
Sinong Pangulo ng Republika ng Pilipinas ang nakalagay sa limampung piso?
Diosdado Macapagal
Sergio Osmena
Manuel Roxas
Manuel M. Quezon
Sa anong halagang pera makikita ang mukha ni Pangulong Diosdado Macapagal Sr.?
Limandaang Piso
Sandaang Piso
Dalawandaang Piso
Limampung Piso
Sinong pangulo ang nakalagay ang mukha sa dalawampung piso?
Ferdinand Marcos Sr.
Ramon Magsaysay
Manuel M. Quezon
Manuel Roxas
Anong lugar ang makikita sa likod ng Limandaang Piso?
Mayon Volcano
Tubbataha Reef Natural Park
Puerto Princesa
Taal Lake
Anong lugar ang makikita sa likod ng Isang Libong Piso?
Malacanan Palace
Taal Lake
Mayon Volcano
Tubbataha Reef Natural Park
Masasabing ganito ang buwis kung habang tumataas ang kita, ang bahagdan ng buwis na binabayaran ay tumataas din
Proportional
Regressive
Progressive
Indirect
Alin ang nagpapakita ng epektibong ugnayan ng sector ng agrikultura at industriya?
a. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura samantalang ang industriya ay sa mga bahay-kalakal.
b. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng industriya.
c. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor industriya upang gawing panibagong uri ng produkto.
d. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka.
Ang sektor ng industriya at agrikultura ay may direktang pakinabang sa isa’t isa. Nagmumula sa agrikultura ang mga hilaw na sangkap at ang mga kagamitang ginagamit sa agrikultura tulad ng traktora, sasakyang pangisda atbp. ay mula sa industriya.
TAMA
MALI
Malaki ang naitutulong sa ekonomiya ng pagdagsa ng mga call centers dahil nagbubukas ito ng maraming trabaho.
TAMA
MALI
