wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 7 Review

Total questions: 66

Worksheet time: 33mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod ang nagbibigay kahulugan sa Nasyonalismo?

a)

A. Pagmamahal sa bayan

b)

B. Pagkatanto ng isang nilalang o lahi na mahalagang ipagtanggol ang kanyang bansa laban sa pananakop ng mga dayuhan.

c)

C. Kamalayan ng isang lahi na sila ay may isang kasaysayan, wika at pagpapahalaga.

d)

D. Lahat na nabanggit

2.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng Nasyonalismo?

a)

A. Pagtangkilik ng sariling produkto

b)

B. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa

c)

C. Pagpapatibay ng ugnayang panlabas

d)

D. Wala sa mga nabanggit

3.

Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?

a)

A. Pag-unlad ng kalakalan

b)

B. Pagkamulat sa kanluraning panimula

c)

C. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa

d)

D. Paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas

4.

Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga Asyano ay matutong:

a)

A.Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin

b)

B. Maging mapagmahal sa kapwa

c)

C. Makisalamuha sa mga mananakop

d)

D. Maging lagging handa sa panganib

5.

Ano ang naging epekto ng kolonisasyon sa mga rehiyon sa Asya?

a)

A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano

b)

B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa

c)

C. Natutuhan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain

d)

D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan

6.

Aling pangyayari sa Pilipinas ang nagpapamalas ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino sa panahon ng diktatoryang pamamahala ni Pres. Marcos?

a)

A. EDSA Rebolusyon

b)

B. Pagtatag ng Katipunan

c)

C. Bagyong Yolanda

d)

D. Pagpapatupad ng Batas Militar

7.

Bakit nakaranas ng kahirapan at pang-aabuso ang mga Asyano sa kamay ng mga kanluranin?

a)

A. Dahil nagalit ang mga kanluranin sa mga Asyano.

b)

B. Dahil sa mga patakarang ipinatupad ng mga kanluranin.

c)

C. Dahil naging matigas sa pagsunod ang mga Asyano.

d)

D. Dahil ayaw kilalanin ng mga Asyano ang kanilang kapangyarihan

8.

Paano nagkakaugnay ang kolonyalismo at imperyalismong kanluranin at nasyonalismong Asyano?

a)

A. Dahil sa kolonyalismo at imperyalismong kanluranin nabuo ang nasyonalismong Asyano.

b)

B. Dahil sa kolonyalismo at imperyalismong kanluranin nagkawatak- watak ang mga Asyano.

c)

C. Dahil sa kolonyalismo at imperyalismong kanluranin nabuo ang mga bansang Asyano.

d)

D. Dahil sa kolonyalismo at imperyalismong kanluranin naging mapayapa ang bansang Asyano.

9.

Ano-ano ang mga bansang kanluranin ang nanakop ng mga lupain sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

a)

A. Great Britain, Netherlands, Portugal, Denmark

b)

B. Great Britain, Netherlands, Portugal, Spain

c)

C. Great Britain, Netherlands, Portugal, Italy

d)

D. Great Britain, Netherlands, Portugal, Germany

10.

Aling slogan ang nagpapamalas ng nasyonalismo?

a)

A. “Sa ikauunlad ng bayan, Disiplina ng iilan ang kailangan”

b)

B. “Magsakripisyo tayo, upang tayo mismo ang umasenso”

c)

C. "Ang pag-ibig sa bayan ang susi ng kaunlaran”

d)

D. “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”

11.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo?

a)

a. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo

b)

b. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa

c)

c. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan

d)

d. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga katutubong Asyano.

12.

Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya ang isa sa pinaka nakatulong upang makamit ang paglaya ay ang pagkakaroon ng pambansang kamalayan kagaya nang pagtatanggol sa bayan, paghahandog ng sarili para sa bayan, pag-iisip kung ano ang ikabubuti ng sambahayan ang konseptong tinutukoy ay:

a)

a. Patriotismo

b)

b. Kolonyalismo

c)

c. Nasyonalismo

d)

d. Neokolonyalismo

13.

Ano-ano ang mga bansang Kanluranin na nanakop ng mga lupain sa Silangan at Timog Silangang Asya?

a)

a. Great Britain, Netherlands, Portugal, Spain

b)

b. France, Netherlands, Spain, Portugal

c)

c. Portugal, United States of America, Spain, Netherlands

d)

d. United States of America, Spain, Portugal, Great Britan

14.

Ang pagdating ng mga iba’t - ibang mananakop sa Silangan at Timog – Silangang Asya ay nagdulot ng maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago sa aspetong pulitikal ng mga nasakop na bansa?

a)

a. Pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon

b)

b. Pagpapatayo ng mga imprastraktura

c)

c. Pagbabago sa paniniwala at relihiyon

d)

d. Pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa

15.

Magkakaiba ang pamamaraang ginamit ng mga Asyano sa pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo. Alin sa mga sumusunod ang mga samahan na itinatag ng mga Pilipino na naglalayong ipakita ang kanilang pagmamahal sa bayan?

a)

a. Bodi Utomo at Sarekat Islam

b)

b. Kilusang Propaganda at Katipunan

c)

c. Partido Kuomintang at Partido Kunchantang

d)

d. Anti-Facist People’s Freedom League

16.

Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Asya. Isa dito ay ang pagbabago sa kultura na naging dahilan sa kawalan ng tunay na pagkakaisa ng mga mamamayang Asyano sa kani-kanilang bansa. Makikita na may kaugnayan sa mga hamon na nararanasan ng mga Asyano sa kasalukuyan. Ano ang nararapat na gawin upang maging bahagi sa paglutas ng nabanggit na suliranin?

a)

a. Sisihin ang mga Kanluraning bansa na nanakop sa mga bansang Asyano

b)

b. Tanggihan ang mga turista na mula sa mga bansa na nanakop noon sa Asya

c)

c. Magsumikap sa pag-aaral upang hindi maging pabigat sa lipunan

d)

d. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para mapaunlad ang bansa

17.

Nabuo ang nasyonalismo sa Asya bilang reaksiyon ng mga Asyano sa kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin. May mga gumamit ng civil disobedience, rebolusyon, pagyakap sa ideolohiya, pagtanggap sa mga pagbabagong dala ng mga dayuhan at pagtatag ng mga makabayang samahan upang ipakita ang damdaming nasyonalismo. Bilang mag-aaral paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa kasalukuyang panahon?

a)

a. Maging mabuting mag-aaral at makilahok sa mga gawaing pangkomunidad

b)

b. Makiisa sa mga samahan na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan

c)

c. Mag-aral ng mabuti upang hindi maging pabigat sa lipunang kinabibilangan

d)

Magtayo ng samahan upang pagbayarin ang mga Kanluranin sa kanilang kasalanan

18.

Pagpayag ng Tsina na maglabas ng 5 daungan para sa kalakalan ng mga Kanluranin

a)

Treaty of Tianjin

b)

Treaty of Paris

c)

Treaty of Nanking

d)

Sphere of Influence

19.

Bunga ito ng patuloy na pagkahati-hati ng China

a)

Isolationism

b)

Treaty of Nanking

c)

Sphere of Influence

d)

Open Door Policy

20.

Ama ng Republikang China

a)

Sun Yat Sen

b)

Mao Zedong

c)

Chiang Kai Shek

d)

Mahatma Gandhi

21.

Bakit karaniwang mga lupaing baybayin ang sinasakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

a)

Sagana ito sa tubig

b)

Sagana ito sa pagkain

c)

Ginamit ito bilang daungan at lugar na pangkalakalan

d)

Mayaman at sagana ito sa mamahaling bato at metal

22.

Bakit malaki ang interes ng Kanluranin sa Isla sa Molucca?

a)

Mayaman ito sa ginto at pilak

b)

Mayaman ito sa mamahalaing bato

c)

Mayaman ito sa rekado

d)

Mayaman ito sa maraming uri ng isda

23.

Ang sumsunod ay maaring ginamit ng mga mananakop na kanluranin upang maging ganap ang kanilang pananakop sa mga Asyano maliban lamang sa ________.

a)

Pagpappadala ng Ekspedisyon

b)

Paggamit ng makabagong uri ng sandata sa paglupig

c)

Pagpapakilala sa kanilang relihiyon

d)

Pakikipag kaibigan at pagtulong sa mga katutubo

24.

Ano ang naging epekto ng digmaang pandaigdig?

a)

Nabalam ang pagsisikap ng mga asyano sa pagsasarili

b)

Sumidhi ang damdaming Nasyonalismo

c)

Sumapi ang Asya sa Axis Powers

d)

Hindi nakalaya ang mga Bansang Asyano

25.

Bakit nagpasok ng Opyo ang mga mangangalakal na Ingles sa China?

a)

Upang tumbasan at higitan ang produktong inaangkat ng China

b)

Upang madali ang pananakop sa China

c)

Upang malinlang ng mga China na ang Opyo ay halamang gamot na mabuti sa kalusugan

d)

Upang makabayad sila sa pagkakautang sa mangangalakal na Tsino

26.

Bakit sumiklab ang digmaang Opyo sa pagitan ng Tsino at Ingles?

a)

Dahil parehong nalulong ang Tsino at Ingles sa Opyo

b)

Dahil ninakaw ng mga opisyal ng Adwana anag mga Opyo ng Ingles

c)

Dahil sinira ng mga Opisyal ng Adwana ang opyong kinakalakal ng Ingles

d)

Dahil Hindi nagbayad ng kaukulang buwis ang mga Ingles

27.

Bakit tinawag ang Thailand bilang Buffer State?

a)

Dahil nanatili itong isang bansang nuetral sa kabila ng pananakop ng mga kanluranin

b)

Dahil nasakop nito ang kanilang mga kapit bansa tulad ng VIetnam, Laos at Cambodia

c)

Dahil kinatatakutan ng mga bansang mananakop ang lakas ng hukbong sandatahan nito

d)

Dahil nanatuli itong isang malayang banasa sa gitna ng dalawang bansang mananakop

28.

Paano napanatili ng Korea ang kalayaan nito sa kabila ng pananakop ng mga kanluranin sa ikalawang yugto ng Kolonyalismo?

a)

Pinalakas nito ang puwersang Militar upang mapigilang ang pananakop

b)

Isinara nito ang kaharian sa impluwensiyang dayuhan kaya tinawag itong " Hermit Kingdom"

c)

Nakipag sundo sa kapit bahay niyang Japan at China upang maprotektahan ang kaharian

d)

Sinikap ng mga pinuno nito na maipanalo ang lahat ng labanan sa mga Kanluranin

29.

Ang sumusunod ay mga pamanang pilosopiyang pampolitika ni Dr. Sun Yat-Sen sa China na tinawag na tatlong Prinsipyo maliban sa________.

a)

Nasyanalismo

b)

Demokasya

c)

Kabuhayan

d)

Kalayaan

30.

Ang pamahalaan ang nagsilbing matibay na sandigan para sa matatag, matahimik, at maunlad na pamumuhay ng mga mamamayan.

a)

TAMA

b)

MALI

31.

Dahil sa paglaya ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya mula sa mga mananakop ay nabigyan din ang mga mamamayan ng mga bansang ito ng pagkakataon na pamunuan ang kani-kanilang pamahalaan.

a)

TAMA

b)

MALI

32.

Iba-iba ang anyo ng pamahalaan sa Asya.

a)

TAMA

b)

MALI

33.

Ang lahat ng bansa sa Asya ay may iisa lamang na pamahalaan.

a)

TAMA

b)

MALI

34.

Uri ng pamahalaan na ang kapangyarihan ng pamumuno ay nasa katauhan ng isang hari, emperador, sultan, o shah.

a)

Monarkiyang Konstitusyunal

b)

Komunistang Sistema

c)

Ganap na Monarkikal

35.

Uri ng pamahalaan na ang mamamayan ay may kapangyarihang maghalal ng mga opisyal ng pamahalaan.

a)

Demokrasya

b)

Monarkiyang Konstitusyunal

c)

Ganap na Monarkikal

36.

Ang kapangyarihan ng isang monarko ay ayon sa nakatakda sa konstitusyon ng bansa. Sa ganitong sistema, ang emperador ay pinunong seremonyal. Nasa kamay ng punong ministro ang kapangyarihan ng pamumuno at pamamalakad ng pamahalaan.

a)

Demokrasya

b)

Komunistang Sistema

c)

Monarkiyang Konstitusyunal

37.

Ilan ang sistema ng pamahalaang demokrasya?

a)

Apat

b)

Anim

c)

Dalawa

38.

Uri ng pamahalaan sa Asya na ang kapangyarihan ng estado at pamahalaan ay hawak ng isang tao o isang partidong politikal—ang partidong komunista.

a)

Komunistang Sistema

b)

Parlamentaryo

c)

Ganap na Monarkikal

39.

Isa sa sistema ng Demokrasya na ang punong ministro at ang gabinete ang bumubuo ng ehekutibo o ang pangunahing tagapamahala ng gobyerno.

a)

Presidential o Panguluhan

b)

Parlamentaryo

40.

Isa sa sistema ng Demokrasya na ang pangulo, pangalawang pangulo, senador, kinatawan, Gobernador hanggang sa kapitan ng barangay ay hiwalay na pinipili ng mga mamamayan.

a)

Presidential o Panguluhan

b)

Parlamentaryo

41.

Anong uri ng pamahalaan meron ang Pilipinas?

a)

Komunistang Sistema

b)

Demokrasya

c)

Monarkiyang Konstitusyunal

d)

Ganap na Monarkikal

42.

Ang Pilipinas ay may demokrasyang pamahalaan. Anong sistema ang sinusunod nito?

a)

Presidential o Panguluhan

b)

Parlamentaryo

43.

Rafael “Paeng” Nepomuceno

a)

bowling

b)

soccer

44.

Manny “Pacman” Pacquiao

a)

basketball

b)

boxing

45.

Hidilyn Diaz

a)

weightlifting

b)

bilyar

46.

Efren “Bata” Reyes

a)

Bowling

b)

Billiards

c)

Basketball

d)

Chess

47.

Rafael “Paeng” Nepomuceno

a)

Bowling

b)

Billiards

c)

Basketball

d)

Chess

48.

First female leader of the Philippines

a)

Corazon Aquino

b)

Megawati Sukarnoputri

c)

Yingluck Shinawatra

d)

Sirimavo Bandaranaike

49.

First female Prime Minister of Sri Lanka

a)

Corazon Aquino

b)

Megawati Sukarnoputri

c)

Yingluck Shinawatra

d)

Sirimavo Bandaranaike

50.

Indira Gandhi

a)

India

b)

Philippines

c)

China

d)

Indonesia

51.

Kuomintang (Nationalist Party)

a)

India

b)

Philippines

c)

China

d)

Indonesia

52.

Philippines

a)

Democracy

b)

Authoritarianism

c)

Monarchy

53.

Qatar

a)

Democracy

b)

Authoritarianism

c)

Monarchy

54.
Kilala sya bilang mahusay na mang aawit
a)
Lea Salonga
b)
Liza Macuja
c)
Liza Soberano
d)
Lito Lapid
55.

Binubuo ng tatlong taludtod na may sukat na 5 - 7 -5

a)

Haiku

b)

Tanaga

c)

Tanka

56.

Binubuo ng tatlong taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7

a)

Haiku

b)

Tanaga

c)

Tanka

57.
Isang uri ng dulang may sayaw sa Japan na karaniwang ginaganapan lamang ng mga kalalakihan.
a)
Kabuki
b)
Noh
c)
Kyogen
d)
Bunraku
58.
Isang dulang may sayaw sa Japan kung saan nakasuot ng maskarang gawa sa kahoy ang mga gumaganap.
a)
Kabuki
b)
Noh
c)
Kyogen
d)
Bunraku
59.

Who is this Asian leader?

a)

Mao Zedong

b)

Dr. Jose Rizal

c)

Achmed Sukarno

d)

Ho Chi Minh

60.

Who is this Asian leader?

a)

Mao Zedong

b)

Dr. Jose Rizal

c)

Achmed Sukarno

d)

Ho Chi Minh

61.

Who is this Asian leader?

a)

Ho Chi Minh

b)

Lee Kuan Yew

c)

Achmed Sukarno

d)

Mao Zedong

62.

Who is this Asian leader?

a)

Ho Chi Minh

b)

Lee Kuan Yew

c)

Sun Yat Sen

d)

Mao Zedong

63.

Anong kasunduan ang nilagdaan ng Myanmar matapos itong matalo ng Great Britain sa digmaan?

a)

Kansunduang Tientsin

b)

Kasunduang Kaganawa

c)

Kasunduang Nanking

d)

Kasunduang Yandabo

64.

Ang mga bansang bumubuo sa tinatawag na French Indochina ay ang Vietnam, Laos at ___________.

a)

Thailand

b)

Philippines

c)

Cambodia

d)

South Korea

65.

Anong bansa sa Timog-Silangang Asya ang naging kolonya ng Spain?

a)

Indonesia

b)

Malaysia

c)

Pilipinas

d)

Timor Leste

66.

TAMA o MALI: Ang culture system ay nangangahulugang sapilitang pinagtatanim ang mga tao lalo na ang mga magsasaka ng mga pananim o produktong nais iluwas o ibenta.

a)

TAMA

b)

MALI