NEW
Font size
WorksheetsSEATWORK #3
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ito ay tumutukoy sa pagbibigay o paglalahad ng isang opinion o kaisipan na
maaring sumang-ayon o sumasalungat sa mga sitwasyong may kinalaman
sa gawi ng mga tao, bagay, pook at pangyayari.
Liham
Reaksyong Papel
Tekstong Naratibo
Pagsulat ng Pananaliksik
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kaibahan ng reaksyong
papel sa iba pang sulatin?
Ito ay naglalahad ng mga impormasyon.
Ito ay naglalahad ng mga argumentong paksa.
Ito ay naglalahad ng mga sulating may proseso.
Ito ay naglalahad ng mga opinyon at sariling ideya tungkol sa binasa
Anong bahagi ng reaksyong papel ang pumupukaw sa interes ng mga
mambabasa?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
Bakit kinakailangang suriin ng manunulat ang kanyang akda bago ito
ipamahagi sa mga mambabasa?
Upang hindi malito ang mambabasa
Upang magkaroon ng maayos na daloy ng ideya.
Upang maisabuhay ng mambabasa ang binasang akda
Upang matugunan ng may-akda ang kawilihan ng mambabasa.
Nabasa mo sa isang teksto ang tungkol sa busilak na pagmamahal ng isang
babae sa kaniyang kasintahang lalaki na kahit sa kamatayan ay hindi niya
siya iniwan. Alin sa sumusunod na reaksyon ang posibleng maibigay mo?
Lalaban ang pag-ibig kung kinakailangan.
Ang tunay na pag-ibig ay dapat pahalagahan.
Hindi nagtatagal ang tunay nap ag-ibig sa mundo.
Masakit makita na mamatay na lamang ang isang pag-ibig.
Ito ay bahagi ng reaksyong papel kung saan nakasaad ang iyong sariling
kaisipan ukol sa pangunahing ideya.
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
Nagkaroon kayo ng isang Gawain kung saan susulat kayo ng reaksyong papel.
Nang maipasa mo ito sa iyong guro, ibinalik niya ito sapagkat kailangan mo
itong iwasto batay sa ibinigay niyang komento dito. Ano ang dapat mong
maging tugon?
Tatawanan ko na lamang ang komento ng aking guro.
Hindi ko papansinin ang mga komento niya.
Pag-aaralan ko ang mga komento at isasagawa.
Uunawain ko ang mga ito para para hindi siya magalit.
“Masayang umuwi ang mag-anak dahil kumpleto na ang kanilang pamilya.
Totoo nga ang kasabihan na “Kung mahal ka, babalikan ka.” Minsan talaga
dumarating ang pagkakataon na nakakaranas tayo ng mga pagsubok sa
buhay. Mga pagsubok na nagpapatatag upang mas lumalim pa ang relasyon
ng isang nagkaka-isang pamilya.”
Ito ay mula sa reaksyong papel na may pinamagatang Sandigan ito ay
tumutukoy sa pamilya. Sa anong bahagi ng reaksyong papel
napapaloob ang talata?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
Kinukondisyon ng nalalapit na eleksyon sa Mayo ang ating kolektibong pag-iisip bilang mamamayan ng Pilipinas. Bahagyang hinuhubog nito ang ating
kilos at salita na siyang kumakatawan sa ating pag-asa at mga pangarap para sa ating sarili at para sa ating bansa. Dahil nakatuon ang atensyon natin sa
nalalapit na eleksyon at dahil hindi maiwasang pag-usapan ang mga
pambansang isyu na kadalasa’y mga pambansang suliranin (tulad ng kurapsyon at kahirapan), nagkakaroon tayo ng natatangi at mas malawak
nap ag-mumuni-muni sa ating sosyolohikal at political na sitwasyon, na tila
naming nambubuyo sa ating pakiramdam ng kaibigan.
Ito ay mula sa isang reaksyon sa “Ang Demokratikong Sistema at ang mga Modelo ng pamumuno sa Pilipinas” mula kay Paolo A. Bolanos. Sa anong bahagi ng reaksyong papel napaploob ang talata?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
“Sigaw ni Juan ang salitang Pagkakaisa ang kailangan, pero hindi alam ni
Juan kung ano at paano gagawin ang pagkakaisa kung ang bawat Juan ay
nahahati sa kani-kanilang partido at sumisigaw ng kanya-kanyang
pagkakaisa.
Kung kailangan natin ng pagbabago, at pagkakaisa tungo sa
makabagong Pilipinas na walang kurapsyon, sinimulan natin sa pagtigil ng
pagpuna at batikos ng bibig.
Kung ano man ang susunod, ikaw Juan ang nakakaalam.”
Ito ay mula sa isang reaksyon na “kurapsyon sa bansa” mula kay Tani
Michaels. Sa anong bahagi ng reaksyong papel napapaloob ang talata?
Wakas
Katawan
Kongklusyon
Introduksyon
Ano ang tinatalakay sa reaksyong papel ng sumusunod?
11. Lahat ng tao sa mundo ay may mga karanasan o naranasan na hindi
malilimutan. Sa tekstong ito napakaraming tanong ang nabuo sa aking
isipan. Una aanhin ko nga naman ang maraming salapi kung hindi ko naman
kasama ang mga mahal ko sa buhay. Masarap mabuhay sa mundong ito ng
may kasama ka sa lungkot at saya ng iyong buhay. Naantig ang aking puso
sa mga pahayag ng may akda dahil sa mga pangyayari sa kanyang buhay.
Nagbigay ito ng inspirasyon sa akin para mas lalo ko pang mahalin ang aking
mga magulang at pamilya.
bansa
daigdig
komunidad
pamilya
Sino ba ang ating pambansang bayani? Ikaw, kilala mo ba siya? Siya lang
naman si Dr. Jose P. Rizal ang isa sa hinahangaan kong bayani ng ating
bansa. Pero bakit parang nawalan na ng pagpapahalaga ang mga taong nasa
likod ng pagpapatayo ng Torre de Manila? Dahil ba sa pera? Dahil alam nila
na malaki ang kikitain nila sa pagtatayo nito. Kung ako ang tatanungin hindi
ako sang-ayon sa pagtayo nito. Naging pambansang photoboomer tuloy siya.
Nasan na ang kahalagahan ng ating pambansang bayani? Sana nabigyan ito
ng hustiya. Nasaan na ang ganda ng monumento ni Dr. Jose Rizal.
bansa
daigdig
komunidad
pamilya
Ang tekstong ito ay nagbibigay ng mga paalaala sa mga taong magkakaroon
ng panayam para sa inaapplayang trabaho. Napakahusay ng may akda nito
dahil marami akong naunawaan at natutunan sa kanya. Paniguradong
magiging maayos ang aking pananamit at maging ang aking itsura para sa
panayam. Dapat lagi tayong maghanda at mag insayo sa harap ng salamin.
Dapat maging simple lamang tayo sa ating pananamit.
bansa
daigdig
komunidad
pamilya
Sa pagsasagawa ng isang reaksyong papel, lahat ay inaasahan maliban sa
__________________.
pangungusap na naglalahad ng personal na pag-atake o pagtuligsa.
isang panimula na nagtataglay ng isang pagganyak para sa mambabasa.
pagbibigay at pag-iiwan ng isang magandang bagay na mapupulot sa paksa.
pagtalakay na nagpapakita ng iyong malalim at makabuluhang
pananaw sa paksang tinatalakay
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang
“nabansot”. Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit itoý
tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng
pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng
isipan, ng puso, at ng diwa. Ano ang damdamin ang ipinakikita ng manunulat
sa reaksyong papel na ito?
matinding galit
panghihinayang
kalungkutan
kasiyahan
