Font size
WorksheetsFil9Q3: Modyul 6 - QUIZ
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Sa anong uri ng panitikan makikita ang pangunahing tauhan na tinatawag na bayani?
Epiko
Alamat
Dula
Nobela
Isa sa mga pangunahing kaibahan ng _________ sa iba pang akda ay ang mga tauhang may supernatural na lakas ang binibigyang-buhay rito.
Alamat
Anekdota
Parabula
Epiko
Mapapansing halos karamihan ng pangunahing tauhan sa epiko ay nagtataglay ng _______ o di-pangkaraniwang kakayahan.
marami
imortal
karaniwan
supernatural
Bagaman at may ilang epikong ang mga tauhan ay karaniwan lamang, ngunit ang kanyang pamumuno at tagumpay sa pagtanggol sa nasasakupan laban sa sinumang kaaway ay _______ kaya siya ay tatanghalin at kikilalaning bayani.
katapangan
kalakasan
kapalaran
kabayanihan
Tanging tauhang may supernatural na kapangyarihan lamang ang maaaring ituring na bayani sa epiko.
Tama
Mali
Ang pakikipagsapalaran ng mga bayani sa epiko ay nagsisimula sa isang _______ na kinakailangan niyang harapin at pagtagumpayan.
suliranin
kahinaan
panaginip
pagkabigo
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katangian ng pangunahing tauhan sa epiko maliban sa _______.
May kakayahang kalabanin ang mga hamon sa buhay para sa patuloy na pag-unlad.
Nakikipagsapalaran lamang para sa sariling adhikaing makapaghiganti.
Karamihan ay nagtataglay ng di-pangkaraniwang kapangyarihan.
Namumuno at nagtatagumpay sa sinumang kaaway.
Bakit kailangang makipagsapalaran ng pangunahing tauhan sa epiko?
Upang mapagtagumpayan ang pagsubok na nakatakda para sa kanya.
Upang hiranging pinakamahusay at pinakamatapang sa kanilang lugar.
Upang maging tanyag sa kanyang kinabibilangang tribo.
Upang magalugad ang ganda ng kapaligiran.
Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa epiko ang hindi totoo?
Ang pangunahing tauhan ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao.
Ito ay kwento ng kabayanihan noong unang panahon.
Ang epiko ay nasa anyong tuluyan at hindi patula.
Punong-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari.
Ito ay nangangahulugang awit o salawikain.
Biag
Epikus
Kur
Epos
Ang epiko ay isang akdang nagsasalaysay tungkol sa _______ ng pangunahing tauhan.
Pagsusumikap
Pakikipagkaibigan
Pangarap
Pakikipagsapalaran
“Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng _______.”
panaginip
hula
sumpa
sakit
Piliin ang mga katangian ni Gilgamesh.
lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan
mayabang at abusado sa kaniyang kapangyarihan.
dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao
hari ng lungsod ng Uruk
matipuno, matapang, at makapangyarihan
Piliin ang mga ginawa at hinarap na hamon ng magkaibigang Gilgamesh at Enkido.
nagapi nila ang toro na ipinadala ni Ishtar para wasakin ang kalupaan
pakikipaglaban sa kaharian ng Lanka upang iligtas si Sita
matinding karamdaman at kamatayan ni Enkido bilang parusanng mga diyos
pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar
Piliin ang mga pagpapahalaga at kulturang Asyano na lumutang sa Epiko ni Gilgamesh.
pananalig sa diyos/mga diyos
pagtanggap at pagtatama sa nagawang pagkakamali
pagiging mabuting pinuno
pagpapahalaga sa kabutihan, kagandahan at katotohanan
pagiging tapat at mabuting kaibigan
