wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Ang kasunduan sa Versailles ang pinakamahalaga sa mga kasunduan sa kapayapaan na nagwakas ng Unang Digmaang Pandaigdi. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy na probisyon nito?

a)

pagkakaroon ng Triple Alliance at Triple Entente

b)

paglaban ng Alemanya sa kapangyarihang pandagat ng Inglatera

c)

pag-angkin ng Rusya sa Constantinope upang magkaroon ng magandang daungan

d)

paghahati-hati sa dating kolonya ng Alemanya sa pangangasiwa ng mga bansang magkaka-alyado

2.

Ano ang tawag sa samahan ng mga bansa na itinatag pagkatapos ng Unang Digmaang pandaigdig?

a)

League of Nation

b)

Treaty of Paris

c)

United Nations

d)

Treaty of Versailles

3.

Alin sa sumusunod ang HINDI naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Umabot sa 8 500 000 katao ang namatay sa labanan.

b)

Marami ang bansang nakalaya.

c)

pagliban ng Germany sa Liga ng mga bansa

d)

Tinatayang umabot sa 200 bilyong dolyar ang nagastos ng

digmaan.

4.

Anong bansa ang nanguna sa pandaigdigang pulitika pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Germany

b)

Russia

c)

France

d)

Estados Unidos

5.

Bakit sinasabing nabigo ang League of Nations sa mga layunin ng pagkatatag nito?

a)

Nagtalo-talo din ang mga bansang kasapi ng League of Nations

b)

Maliit na bilang lamang ng mga bansa ang sumali dito

c)

Mayroong kawalan ng kapangyarihang ipatupad ang desisyon

ng organisasyon

d)

Walang sapat na pondo ang organisasyon upang tugunan ang

mga pangangailangan nito

6.

Malubha ang pinsalang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig. Tinatayang 8.5 milyon ang namatay 22 milyon ang sugatan at 18 milyong sibilyan ang namatay sa gutom, sakit at paghihirap. Maraming ari-arian din ang nawasak. Ano ang ipinapakitang epekto ng digmaan sa Europe?

a)

Malaki ang pinsalang naidulot ng digmaan sa ekonomiya

b)

Ang Europe ay bumagsak matapos ang Unang Digmaang

Pandaigdig

c)

Ang digmaan ay walang mabuting dulot sa mga mamamayan

at kapaligiran

d)

Maraming buhay ang naapektuhan ng digmaan

7.

Ang mga sumusunod ay layunin ng League of Nations MALIBAN SA

a)

pagbabawal sa paggamit ng armas

b)

maprotektahan ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng iba

c)

maiwasan ang digmaan

d)

mapalaganap ang pandaigdigang pagtutulungan

8.

Anong bansa ang nagkahiwalay pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

France at Germany

b)

Austria at Hungary

c)

Great Britain at Serbia

d)

United States at Japan

9.

Ang pangunahing nilalaman ng mga kasunduang pangkapayapaan ay ibinatay sa Labing- Apat na Puntos. Sino ang bumalangkas sa Labing- Apat na Puntos?

a)

Gavrilo Prinsip

b)

Archduke Franz Ferdinand

c)

Woodrow Wilson

d)

Grand Duke Nicholas

10.

Bakit hindi naging kasiya-siya sa bansang Germany ang Kasunduan sa Versailles?

a)

dahil sa pagpapalakas ng hukbong sandatahan ng Germany

b)

dahil sa pag-usbong ng Germany bilang global power

c)

dahil ito ay nagdulot ng matinding paghihikahos sa mga mamamayang Germany

d)

dahil sa paghati ng kolonya ng Germany