wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Fil9Q3: Long Test - Review

Total questions: 68

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Bakit sinasabing ang relihiyon ay mahalagang ambag ng Kanlurang Asya?

a)

Relihiyoso ang mga mamamayan ng Kanlurang Asya.

b)

Nanggaling dito ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig.

c)

Pangunahing atraksyon ang relihiyon sa rehiyong ito.

d)

Maraming mga mosque at simbahang sa rehiyon na ito.

2.

Bukod sa panitikan, musika at sining, ano-ano pa ang may malaking gampanin sa pag-unlad ng kultura ng Kanlurang Asya?

a)

pilosopiya at relihiyon

b)

ekonomiya at kasaysayan

c)

lutuin at pilosopiya

d)

relihiyon at ekonomiya

3.

Ano ang kabutihang dulot ng pagkakaroon ng kultura?

a)

malalaman ang pamumuhay ng lahi ng tao

b)

matutukoy ang tradisyon ng lahi ng tao

c)

may pagkakakilanlan ang mga lahi ng tao

d)

masasabi ang kinabibilangang lahi ng tao

4.

Siya ang sagot sa panalangin ng mga tao na makawala na sa kamay ni Gilgamesh. Ipinadala ng mga diyos si _________ upang siya ay kalabanin.

a)

Ukur

b)

Enkido

c)

Lakshamanan

d)

Genghis Khan

5.

Ang demonyo na tagapabantay ng punong Cedar na pinatay nina Enkido at Gilgamesh ay si _______.

a)

Harioke

b)

Humbaba

c)

Ereshkigal

d)

Samugan

6.

Bakit nagalit ang mga diyos kina Gilgamesh at Enkido na naging sanhi ng pagkakaroon ng karamdaman ni Enkido?

a)

pinutol nila ang Punong Cedar

b)

pinatag nila ang kagubatan

c)

kawalan ng paggalang nila sa mga diyos

d)

pinatay nila si Humbaba

7.

Hinimas ng kabataang lalaki ang kanyang baba at masusing naningkit ang mga mata kay Nai Phan.

a)

Transpormasyong Intelektwal

b)

Transpormasyong Pisikal

c)

Transpormasyong Emosyonal

8.

“Uuwi na ako ngayon. Mangyari pa, sa isip ko, hindi ko na kamumuhian uli ang daigdig. Natuklasan ko sa wakas ang uri ng buhay na gusto kong tuntunin,” wika ng holdaper.

a)

Transpormasyong Intelektwal

b)

Transpormasyong Pisikal

c)

Transpormasyong Emosyonal

9.

“Pero nasusuklam akong makita ang sangkatauhan, ayokong tumanggap ng kahit na anong pabor mula sa kanila. Kaya mo ba akong paniwalaan? Hindi ako interesado sa kahit ano."

a)

Transpormasyong Intelektwal

b)

Transpormasyong Pisikal

c)

Transpormasyong Emosyonal

10.

“Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Saan ako maaaring pumunta? Ano ang mga pinaniniwalaan ko? Hindi ko alam."

a)

Tao sa Sarili

b)

Tao sa Tao

c)

Tao sa Kalikasan

d)

Tao sa Lipunan

11.

“Ito na lahat niyon. Dalhin mo, iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sa galit. Alam ko na puno ang mga bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Kahit sinong lalaki ay ganyan din ang gagawin kung desperado.”

a)

Tao sa Sarili

b)

Tao sa Tao

c)

Tao sa Kalikasan

d)

Tao sa Lipunan

12.

Nagsisimula ito sa isang suliranin tungo sa pagsasalungatan o pakikipaghamok na maaaring sa kapwa tauhan, sa kalikasan at sa sarili.

a)

Wakas

b)

Kaisipan

c)

Tunggalian

d)

Paksang-diwa

13.

Ang paksa nito ay hango sa mga pangyayaring mula sa totoong buhay at nag-iiwan ng isang kakintalan.

a)

Maikling kuwento

b)

Alamat

c)

Sanaysay

d)

Nobela

14.

Ito ay mga katagang ginagamit sa pag-uugnay, sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayaring pasalaysay at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad.

a)

Pang-angkop

b)

Pang-ugnay

c)

Pangatnig

d)

Transitional Devices

15.

Mula sa anekdota ni Jose P. Rizal na pinamagatang “Ang Tsinelas ni Pepe," alin sa sumusunod ang aral ng akda?

a)

Pagtanggap ng kamalian

b)

Pagiging hindi makasarili

c)

Pagiging maunawain sa kapwa

d)

Pangangalaga sa kalikasan

16.

Ito ang rehiyon na pinagmulan ng mga akdang pampanitikan tulad ng mga Parabula ng Israel, Epikong Ramayana at Gilgamesh.

a)

Silangang Asya

b)

Timog-Silangang Asya

c)

Kanlurang Asya

17.

Ang pinakatanyag na uri ng pagbati sa mga Hindu ay ang pagdaraop ng kanilang mga palad habang nakalagay sa ibaba ng mukha.

a)

sanduguan

b)

pagmamano

c)

bunong-braso

d)

namaste

18.

Ang mga pangyayari sa anekdota ay _______ subalit nag-iiwan ng aral sa mga mambabasa.

a)

mahabang salaysayin

b)

iisa ang diwa

c)

maikli at kawili-wili

d)

nag-iiwan ng kakintalan

19.

Ito ay akdang mapagkukunan ng detalye sa pagbuo ng anekdota.

a)

Talambuhay

b)

Alamat

c)

Kuwentong Bayan

d)

Tula

20.

Ang mga sumusunod ay katangiang dapat taglayin ng isang anekdota, MALIBAN sa pagiging _______.

a)

Pormal

b)

Kawili-wili

c)

Maikli

d)

May-aral

21.

Dapat isaalang-alang sa pagsulat ng anekdota ay ang taong _______.

a)

Makapangyarihan

b)

Mahusay

c)

Popular

d)

Edad

22.

Sa pagsulat ng anekdota, kailangang nakatuon sa _______.

a)

Kaakit-akit na pamagat

b)

Natatanging simula

c)

Kakaibang wakas

d)

Nakatutuwang pangyayari

23.

Sa anong uri ng panitikan makikita ang pangunahing tauhan na tinatawag na bayani?

a)

Epiko

b)

Dula

c)

Alamat

d)

Nobela

24.

Mapapansing halos karamihan ng pangunahing tauhan sa epiko ay nagtataglay ng _______ o di-pangkaraniwang kakayahan.

a)

marami

b)

supernatural

c)

karaniwan

d)

imortal

25.

Bagaman at may ilang epikong ang mga tauhan ay karaniwan lamang, ngunit ang kanyang pamumuno at tagumpay sa pagtatanggol sa nasasakusapan ay _______, kaya siya ay tatanghalin at kikilalaning bayani.

a)

kabayanihan

b)

kalakasan

c)

katapangan

d)

kapalaran

26.

Tanging tauhang may supernatural na kapangyarihan lamang ang maaaring ituring na bayani sa epiko.

a)

Tama

b)

Mali

27.

Ang kilos, gawi at karakter ng tauhan ay natutukoy sa pamamagitan ng kanyang dayaloyo o pahayag.

a)

Tama

b)

Mali

28.

Ang taong labis na mapaghangad ay hindi nagtatagumpay. Ito ay makatotohanan.

a)

Tama

b)

Mali

29.

Ang pang-abay ay makatutulong na makapagpadaloy ng isang masining na kuwento.

a)

Tama

b)

Mali

30.

Napagtanto ni Brahman na higit na mahalaga ang pamilya kaysa kayamanan. Ang pahayag na ito ay makatotohanan.

a)

Tama

b)

Mali

31.

Lahat ng pangyayari sa isang ALAMAT ay di makatotohanan.

a)

Tama

b)

Mali

32.

"Magsasalo-salo ang pamilya MAMAYANG GABI." Ang nasa malalaking titik ay halimbawa ng _______.

a)

Pang-abay na Pamaraan

b)

Pang-abay na Pamanahon

c)

Pang-abay na Panlunan

33.

"MAHINAHONG kinausap ng manggamot ang pamilya ng pasyente sa resulta ng mga laboratoryo nito." Ang nasa malalaking titik ay halimbawa ng _______.

a)

Pang-abay na Pamaraan

b)

Pang-abay na Pamanahon

c)

Pang-abay na Panlunan

34.

"Nagkakagulo SA KABILANG BARANGAY dahil namimigay ng ayuda." Ang nasa malalaking titik ay halimbawa ng _______.

a)

Pang-abay na Pamaraan

b)

Pang-abay na Pamanahon

c)

Pang-abay na Panlunan

35.

Nagbibigay-turing ito sa pandiwa na naglalarawan kung paano ginagawa ang kilos.

a)

Pang-abay na Pamaraan

b)

Pang-abay na Pamanahon

c)

Pang-abay na Panlunan

36.

"NAKABIBINGING katahimikan ang bumalot sa silid ng dumating ang punongguro. Ang nasa malalaking titik ay halimbawa ng _______.

a)

Pang-abay na Pamaraan

b)

Pang-abay na Pamanahon

c)

Pang-abay na Panlunan

37.

"BUKAS NG UMAGA ang nakatakdang pagdating ng aking ama mula sa Japan." Ang nasa malalaking titik ay halimbawa ng _______.

a)

Pang-abay na Pamaraan

b)

Pang-abay na Pamanahon

c)

Pang-abay na Panlunan

38.

SA GUBAT, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Ang nasa malalaking titik ay halimbawa ng _______.

a)

Pang-abay na Pamaraan

b)

Pang-abay na Pamanahon

c)

Pang-abay na Panlunan

39.

MABILIS na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka. Ang nasa malalaking titik ay halimbawa ng _______.

a)

Pang-abay na Pamaraan

b)

Pang-abay na Pamanahon

c)

Pang-abay na Panlunan

40.

ISANG UMAGA habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa. Ang nasa malalaking titik ay halimbawa ng _______.

a)

Pang-abay na Pamaraan

b)

Pang-abay na Pamanahon

c)

Pang-abay na Panlunan

41.

Ang pakikipagsapalaran ng mga bayani sa epiko ay nagsisimula sa isang _______ na kinakailangan niyang harapin at pagtagumpayan.

a)

panaginip

b)

kahinaan

c)

suliranin

d)

pagkabigo

42.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katangian ng pangunahing tauhan sa epiko maliban sa _______.

a)

Nakikipagsapalaran lamang para sa sariling adhikaing makapaghiganti.

b)

Namumuno at nagtatagumpay sa sinumang kaaway.

c)

Karamihan ay nagtataglay ng di-pangkaraniwang kapangyarihan.

d)

May kakayahang kalabanin ang mga hamon sa buhay para sa patuloy na pag-unlad.

43.

Bakit kailangang makipagsapalaran ng pangunahing tauhan sa epiko?

a)

Upang mapagtagumpayan ang pagsubok na nakatakda para sa kanya.

b)

Upang hiranging pinakamahusay at pinakamatapang sa kanilang lugar.

c)

Upang magalugad ang ganda ng kapaligiran.

d)

Upang maging tanyag sa kanyang kinabibilangang tribo.

44.

Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa epiko ang HINDI TOTOO?

a)

Ang pangunahing tauhan ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao.

b)

Punong-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari.

c)

Ito ay kwento ng kabayanihan noong unang panahon.

d)

Ang epiko ay nasa anyong tuluyan at hindi patula.

45.

Ito ay nangangahulugang awit o salawikain.

a)

Epos

b)

Epikus

c)

Biag

d)

Kur

46.

Ang epiko ay isang akdang nagsasalaysay tungkol sa _______ ng pangunahing tauhan.

a)

Pakikipagsapalaran

b)

Pangarap

c)

Pakikipagkaibigan

d)

Pagsusumikap

47.

“Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng panaginip.” Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ni Gilgamesh?

a)

Natanto niyang may mga diyos na mapagparusa sa mahihinang nilalang

b)

Nadama niyang sumuko na sa buhay si Enkido

c)

Sinisisi niya ang mga diyos sa nangyari sa kaibigan

d)

Natanto niyang higit na mahalaga ang buhay at pagkakaibigan kaysa sa lakas at tagumpay

48.

Piliin ang mga katangian ni Gilgamesh.

a)

mayabang at abusado sa kaniyang kapangyarihan.

b)

dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao

c)

matipuno, matapang, at makapangyarihan

d)

hari ng lungsod ng Uruk

e)

lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan

49.

Piliin ang mga ginawa at hinarap na hamon ng magkaibigang Gilgamesh at Enkido.

a)

matinding karamdaman at kamatayan ni Enkido bilang parusanng mga diyos

b)

pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar

c)

nagapi nila ang toro na ipinadala ni Ishtar para wasakin ang kalupaan

d)

pakikipaglaban sa kaharian ng Lanka upang iligtas si Sita

50.

Piliin ang mga pagpapahalaga at kulturang Asyano na lumutang sa Epiko ni Gilgamesh.

a)

pagpapahalaga sa kabutihan, kagandahan at katotohanan

b)

pananalig sa diyos/mga diyos

c)

pagiging tapat at mabuting kaibigan

d)

pagiging mabuting pinuno

e)

pagtanggap at pagtatama sa nagawang pagkakamali

51.

Ang _______ ay isang dakilang epiko mula sa bansang India.

a)

Ramayana

b)

Biag ni Lam-Ang

c)

Ibalon

d)

Illiad & Odyssey

52.

"Hindi maaari!" sabi ni Rama, “May asawa na ako.” Anong katangian ni Rama ang ipinahihiwatig sa kanyang pahayag.

a)

Tapat at mapagmahal na asawa

b)

Mapagmahal sa kapwa at sa bayan

c)

Mapagmalaking lalaki

d)

Maunawain at palakaibigan

53.

Ano-anong pagpapahalaga at kulturang Asyano ang lumutang sa akdang "Rama at Sita?"

a)

Pagiging mapagmahal at matapat na asawa

b)

Wagas na pakikipagkaibigan

c)

Pagiging maaasahang kapatid

d)

Pagiging mabuting pinuno

e)

Pagpapahalaga sa kabutihan, kagandahan at katotohanan

54.

Piliin ang pahayag na HINDI maiuugnay sa Epiko.

a)

Tumatalakay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig

b)

Pagkakaroon ng supernatural na mga pangyayari

c)

Mahabang salaysay na maaaring awitin o isatono ang pagbigkas.

d)

Naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan

55.

Piliin ang mga pangyayaring di makatotohanan sa epikong Rama at Sita.

a)

pakikipaglaban sa mga higante at demonyo

b)

pagbabalatkayo ni Maritsa bilang gintong usa

c)

pagiging matapang ng magkapatid na Rama at Lakshamanan

d)

pagiging matapat at mapagmahal na asawa

56.

Piliin ang pahayag na HINDI maiuugnay sa Alamat.

a)

Tumatalakay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig

b)

Nagmula sa Latin na “legendus,” na ang kahulugan ay upang mabasa.

c)

Kalimitang nagtataglay ng mga kababalaghan o di makatotohanang pangyayari

d)

Kakaiba at katawa-tawang kuwento tungkol sa kilalang tao

57.

Anong katangian ang pambihira kay Nai Phan?

a)

Nabiyayaan ng husay sa pagluluto

b)

Kinaiingitan sa kanilang kapitbahayan

c)

Makasarili kaya galit ang marami sa kanya

d)

Mapagbigay at masaya sa simpleng pamumuhay

58.

Ano ang naging reaksiyon ni Nai Phan sa pangyayari?

a)

Nawalan ng malay dahil sa itinutok na baril sa kanya

b)

Kalmado at nakipag-usap ng mahinahon sa holdaper

c)

Nabigla siya nakipag-agawan siya ng baril sa estranghero

d)

Masaya dahil wala ang asawa kaya malaya siyang magsasaya

59.

Bakit nagbago ang isip ng kabataang lalaki sa tunay niyang pakay na panghoholdap?

a)

Nahimok siya ni Nai Phan na magbagong-buhay para sa kanyang ina

b)

Napatunayan niyang hindi baril ang batayan ng tunay na katapangan

c)

Kulang ang kanyang lakas laban sa kapangyarihang taglay ni Nai Phan

d)

Napatunayan niya sa sariling may natitira pang kabutihan sa mundo

60.

Ang sumusunod ay katotohanang lumutang sa akdang AANHIN NINO YAN na masasalamin din sa tunay na buhay, MALIBAN SA _______.

a)

Panghoholdap at paggamit ng sandata ng masasamang loob

b)

Pagrerebelde at galit ng ilang kabataan sa sarili at sa mundo

c)

Pagkakamal ng salapi sa ilegal na paraan

d)

Pagbabago ng isip at damdamin dahil sa impluwensiya o inspirasyon

61.

“Huwag kang umalis, masaya naman ako kahit mahirap ang buhay natin. Ipinakikita na ang babae ay _______.

a)

Mapagmahal

b)

Mapaghangad

c)

Masayahin

d)

Hindi mapaghangad

62.

“Hindi na ako tumuloy, hindi ko pala kayo kayang iwan”, ang sabi ng espiritu. Inilalarawan dito na ang espiritu ay _______.

a)

Mapagsamantala

b)

Sabik sa pamilya

c)

Mapagmahal sa pamilya

d)

Mapanlinlang

63.

“Nagkaroon nga ako ng kayamanan subalit nawala naman ang pinakamamahal ko sa buhay.” Ipinapakilala rito na ang lalaki ay _______.

a)

Mapagmahal

b)

Mahinahon

c)

Panghihinayang

d)

Mapagpanggap

64.

Ang hindi paglaban ni Maritsa sa magkapatid ay nangangahulugang _______.

a)

Mabuting tao ang magkapatid.

b)

Mahusay na mandirigma ang magkapatid.

c)

Matatalo siya.

d)

Makapangyarihang tao ang magkapatid.

65.

“Huwag mong iiwan si Sita kahit na anong mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid nito.

a)

Ayaw ni Rama na may mangyari kay Sita.

b)

Hindi na babalik si Rama sa gubat.

c)

Matatagalan siyang bumalik kay Sita.

d)

Walang tiwala si Rama kay Sita.

66.

“Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan,” sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay nangangahulugang _____.

a)

Naniniwala sa milagro.

b)

Natatakot

c)

Mahal ang kaniyang asawa

d)

Hindi si Ravana ang kanyang gusto

67.

Ang pangyayaring nagpapakita ng kabayanihan ng tauhan _____.

a)

Nangakong ipagkakaloob ang kayamanan

b)

Nagpanggap si Ravana bilang matanda

c)

Sinundan ang kapatid na nasa panganib

d)

Nag-isip ng paraan upang maangkin

68.

Piliin ang mga pahayag na gumamit ng mga pang-uri o salitang naglalarawan tungkol sa mga Asyano.

a)

maganda at malamyos na tinig ng mga mang-aawit

b)

malikhain sa panitik at iba pang sining

c)

kabigha-bighaning mga tanawin

d)

pagdiriwang ng iba’t ibang okasyon

e)

masasarap na luto ng pagkain