WorksheetsTAGISAN NG TALINO (GRADE 7)
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
(MADALI)
1. Ito’y isang akda na sumasalamin sa kultura, tradisyon, at paniniwala ng isang tao, gayundin ito’y tumatalakay sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.
alamat
epiko
awiting bayan
bulong
(MADALI)
2. Sa wastong pagsuot ng mask ay maaring maiwasan ang COVID 19, _________ naglabas ng panukalang batas na bawal lumabas kapag walang suot nito. Anong salitang pang-ugnay ang kokompleto sa pangungusap?
samantala
upang
sapagkat
dahil dito
(MADALI)
3. Naging pihikan ang Datu dahil sa marami ang naggagandahang dilag. Ang kahulugan ng pihikan ay___?
matakaw
mapili
ganado
paisa-isa
(MADALI)
4. Tumutukoy sa lugar na pinangyarihan ng kuwento.
tagpuan
tauhan
Banghay
Mahalagang kaisipan
5. Isang akdang pampanitikan na tumutukoy sa pinagmulan ng tawag sa isang bagay.
tula
maikling kuwento
epiko
alamat
(MADALI)
6. Ito ay ang pagpapahayag ng mga saloobin at ideya at sumasalamin sa pinagmulan ng ating lahi sa bawat panahong nakalipas, sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Kultura
Panitikan
Tradisyon
Kaugalian
(MADALI)
7. Ang pag-aaral sa makabuluhang tunog na ginagamit natin sa bawat salita tulad ng diin, intonasyon at hinto o antala.
Morpema
Ponema
Ponemang Suprasegmental
Suprasegmental
(MADALI)
8. Elemento ng kuwento na nagtataglay nang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
kasukdulan
banghay
pataas na aksyon
pababang aksyon
(MADALI)
9.Alin sa mg sumusunod ang nagpapahayag ng pasalungat sa pangungusap na "Hindi totoo ang mga impormasyong kanyang ginamit sa pagbabalita".
ang kanyang
hindi totoo
mga impormasyon
sa kanyang pagbabalita
(MADALI)
10.Ito ay literal na kahulugan na makikita sa diksiyonaryo.
konotatibo
kasingkahulugan
denotatibo
context clues
(KATAMTAMAN)
11. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng hambingang pasahol?
Di hamak na nakakatakot ang COVID-19 kaysa sa bagyong Ulysses.
Mas mahigpit na panukala ang ipinatupad ng gobyerno kaysa noong nakaraang taon.
Ang ating mga doctor, pulis, guro at iba pang mga fronliners ay kapwa masisipag.
Di- gasinong mapalad ang doctor na si Juan gaya kay ken ngayong panahon ng pandemya.
(KATAMTAMAN)
12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat gawin sa pagsulat ng alamat?
paggamit ng mayayamang imahinasyon.
limitahan sa isang pangunahing tauhan lamang
pagtalakay sa pinagmulan ng paksang isusulat
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
(KATAMTAMAN)
13. “Ang di- magbayad walang problema, sa karma pa lang ay bayad ka na.” Ito ay halimbawa ng __________?
bugtong
palaisipan
tugmang de-gulong
salawikain
(KATAMTAMAN)
14. Sa panahong ito, naisulat at naging popular sa mga Pilipinong mambabasa ang akdang Ibong Adarna.
panahon ng Amerikano
panahon ng Kastila
panahon bago dumating ang mga Kastila
panahon ng Hapon
(KATAMTAMAN)
15. Sa pangungusap na “Puwedeng maapektuhan ng matinding trapik ang pag-arangkada ng kaliwa’t kanang proyekto ng pamahalaan.” Alin ang salitang ginamit na nagsasaad ng posibilidad?
puwedeng
maaapektuhan
matinding
pag-arangkada
(KATAMTAMAN)
16. Sangkap ng dula na namamamalas ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.
simula
gitna
wakas
tauhan
(KATAMTAMAN)
17. Ang pangungusap na "Tara na sa pagbabago ng ating bansa!" ay nagpapahiwatig ng; ?
pagsalungat
Pagbibigay ng pananaw
panghihikayat
pagsang-ayon
(KATAMTAMAN)
18. “ May pagkain ka ba?” anong uri ng pangungusap na walang paksa ito?
eksistensyal
sambitla
panawag
penomenal
(KATAMTAMAN)
19. "Sumayaw ang mga puno nang dumaan ang malakas na hangin." Anong uri ng tayutay ang pangungusap ?
simili
personipikasyon
metapora
pagmamalabis
(KATAMTAMAN)
20. Ano ang layunin ng nagsasalita sa kasunod na bulong?
" Dagang malaki,
Dagang maliit,
Heto na ang ngipin kong sira at pangit
Bigyan ng bagong kapalit"
ibinibigay lahat ng ngipin
ipinaayos ang mga ngipin sa daga
inuutusan ang daga na palitan lahat ng ngipin niya
hinihiling na palitan ng mas maganda ang sira at pangit na ngipin
(MAHIRAP)
21. Tumutukoy ito sa ideya o tema ng isang akda na nais ipaunawa ng manunulat sa kaniyang mambabasa.
(a)
(MAHIRAP)
22. Siya ang manunulat na nagsabi na ang akdang Ibong Adarna ay hango sa mga kuwentong bayan mula sa Alemanya, Finland, Denmark, Indonesia at iba pang bansa.
(a)
(MAHIRAP)
23. Anong uri ng akdang pampanitikan na patula o inaawit na binubuo ng wawaluhing pantig sa bawat taludtod ?
(a)
(MAHIRAP)
24. “Napakalaki ng kanilang haybol kaya't napagkakamalian na sila ay mayaman.”Anong antas ng wika ang salitang haybol?
(a)
(MAHIRAP)
25. Sino ang prinsesang kapatid ni Juana na natagpuan sa loob ng balon ng kaharian?
(a)
