wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Aktibong Pagkamamamayan

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ako si Irvin, ipinanganak sa Nueva Ecija. Ang ama ko ay Pilipino, Tsino naman ang aking ina. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay________.

a)

natamo

b)

nawala

c)

muling matatamo

2.

Ako ay si Lorenz. Sumapi ako sa Hukbong Sandatahan ng Amerika. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay

a)

natamo

b)

nawala

c)

muling matatamo

3.

Ako ay si Lianne. Ang tatay at nanay ko ay Kapampangan. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay__________.

a)

natamo

b)

nawala

c)

muling matatamo

4.

Ako si Marisse. Nakapag-asawa ako ng taga-Canada at doon na kami naninirahan. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay____________.

a)

natamo

b)

nawala

c)

muling matatamo

5.

Ako si Juvy ay naging mamamayang British. Nagbalik-bayan ako at gusto kong maging Pilipino muli. Nagharap ako ng kahilingan sa hukuman at pinagtibay ito ng Kongreso. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay____________.

a)

natamo

b)

nawala

c)

muling matatamo

6.

Ito ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.

a)

jus sanguinis

b)

jus soli

c)

saligang batas

d)

pagkamamamayan

7.

Ito ang kasulatang naglalahad kung sino-sino ba ang maituturing na mga mamamayang Pilipino.

a)

jus sanguinis

b)

jus soli

c)

pagkamamamayan

d)

saligang batas

8.

Ito ang prinsipyo ng pagkamamamayang nakabatay sa citizenship ng alinman sa kaniyang mga magulang.

a)

jus sanguinis

b)

jus soli

c)

naturalisasyon

d)

legal na pananaw

9.

Ito ang prinsipyo ng pagkamamamayang nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.

a)

naturalisasyon

b)

legal na pananaw

c)

jus sanguinis

d)

jus soli

10.

Ito ay tumutukoy sa legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte.

a)

jus sanguinis

b)

jus soli

c)

naturalisasyon

d)

saligang batas

11.

Mula pa man noong unang panahon, hindi nagbabago ang konsepto ng pagkamamamayan.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Upang masabing aktibong mamamayan ang isang indibiduwal, kinakailangan ang pikit-matang pagsunod sa lahat ng panuntunan at alituntuning inilalatag ng pamahaalan.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Mahalaga ang kolektibong pagtugon ng pamahalaan at ng mga mamamayan nito sa mga kritikal na isyung kinakaharap ng lipunan o estado.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

Ang pagpuna sa mga isyu ng korapsiyon at pang-aabuso sa kapangyarihan ay mahalagang elemento ng pagiging isang aktibong mamamayan.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Ang isang kabataan tulad mo ay may mahalagang papel na dapat gampanan sa ikapagtatamo ng bansa ng kabutihang panlahat.

a)

TAMA

b)

MALI