wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan Test 3rd Grading

Total questions: 25

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang unang bahay ng mga Pilipino na kung saan ang kanyang arkitektura ay iniangkop sa mainit na kapaligiran at klima ng Pilipinas upang matamo ang ginhawa ng tumitira dito.

a)

Bahay Bahayan

b)

Bahay na Bato

c)

Bahay Kubo

d)

Bahay ni Lola

2.

Ano ang ibig sabihin ng reduccion?

a)

sapilitang paglipat ng tirahan

b)

sapilitang pagyakap sa Katolisismo

c)

sapilitang paggawa

d)

sapilitang pagbabayad ng buwis

3.

Paano nanahan ang mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol?

a)

Kalat-kalat ang tirahan sa pamayanan

b)

Magkakalapit ang mga pamayanan

c)

Nakatira sila sa tabi ng ilog

d)

May malalaki na silang gusali

4.

Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol?

a)

Kalat-kalat ang tirahan sa pamayanan

b)

Magkakalapit ang mga pamayanan

c)

Nakatira sila sa tabi ng ilog

d)

Magkakalayo ang mga gusali

5.

Noong panahon ng mga Espanyol, kasamang nakipaglaban ang mga kababaihan sa pagsulong ng kalayaan ng ating bansa. Ano ang tawag sa mahalagang ginampanan ng mga babae noong panahon ng mga Espanyol?

a)

di-tradisyunal

b)

huwaran

c)

matapang

d)

tradisyunal

6.

Ang paggawa ng makabagong tirahan ay itinuro ng mga Espanyol sa ating mga ninuno. Anong uri ng bahay ito?

a)

Bahay Kubo

b)

Bahay ni Lola

c)

Bahay Bahayan

d)

Bahay na Bato

7.

Ito ay kinabibilangan ng mga manggagawa at magbubukid. Limitado ang kanilang mga karapatan at pribilehiyo. Hindi rin sila maaaring mahalal sa katungkulan sa pamahalaan.

a)

mestizo

b)

principalia

c)

inquilino

d)

karaniwang tao o indio

8.

Bakit madaling natutunan ng mga Pilipino ang wikang Espanyol?

a)

Dahil sa pagdalo sa misa, pag-aaral ng dasal at katesismo at pakikipag-usap sa mga Espanyol.

b)

Dahil ginusto nila itong pag-aralan sa simula pa lang

c)

Dahil alam na nila ang wikang Espanyol bago pa dumating ang Espanyol sa bansa.

d)

Dahil pinagbasa ang mga Pilipino ng napakaraming aklat na nakasulat sa wikang Espanyol.

9.

Paano pinaunlad ng kulturang Espanyol ang kakayahan ng mga Pilipino sa Musika?

a)

Natututong tumugtog ang mga Pilipino ng mga instrumentong pangmusika.

b)

Dumami ang musikero at banda sa Pilipinas.

c)

Palagiang pinapasayaw ang mga Pilipino sa kasiyahan.

d)

Pinadala sa ibang bansa ang mga magagaling na Pilipino sa Musika.

10.

Bakit ipinagdiriwang ang Pista na isa sa mga pagdiriwang na ipinakilala sa atin ng kulturang Espanyol?

a)

Upang maitaboy ang malas sa lipunan

b)

Upang madagdagan ang mga ani sa pananim

c)

Upang magsilbing paalala sa mga gumagawa ng kasamaan

d)

Upang bigyang parangal ang mga santo

11.

Ang tawag sa pinakasentro sa pamayanang Pilipino noong panahon ng mga Espanyol.

a)

kabisera

b)

parokya

c)

rancho

d)

visita

12.

Ang unang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593.

a)

Doctrina Christiana

b)

Florante at Laura

c)

La Solidaridad

d)

Del Superior Gobierno

13.

Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Espanyol na nahati sa dalawang antas – pamahalaang sentral at pamahalaang lokal?

a)

Pamahalaang Diktatoryal

b)

Pamahalaang Komonwelt

c)

Pamahalaang Sentralisado

d)

Pamahalaang Totalitaryan

14.

Ang pinakamataas na hukuman sa panahon ng mga Espanyol?

a)

Royal Audiencia

b)

Sprite de Santo

c)

Visitador

d)

Wala sa nabanggit

15.

Ito ang isang malawak na bulubundukin sa gitnang hilaga ng pulo ng Luzon sa Pilipinas na napabalitang may deposito ng ginto.

a)

Quezon

b)

Cordillera

c)

Leyte

d)

Mindanao

16.

Sinong ang ipinahayag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong Enero, 1975 bilang bayani hindi lamang ng mga taga-Mindanao kundi ng buong bansa?

a)

Datu Sultan Kudarat

b)

Datu Piang

c)

Datu Amai Pakpak

d)

Walang tamang sagot

17.

Ang panahanan ng ating mga ninuno ay nagbago nang magsimulang mamalagi ang mga Español sa ating lupain.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Gawa sa bato at tisa ang bubong ng bahay ng nakaririwasang Pilipino, matibay at malalaking kahoy naman ang haligi nito

a)

Tama

b)

Mali

19.

Ang mga babae ay pinapayagang makisalamuha sa mga lalaki.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Sa panahon ng mga Espanyol, ang mag babae ay hindi rin sila kailangang makaabot sa mataas na pinag-aralan

a)

Tama

b)

Mali

21.

Ang dating pamahalaang barangay ng ating mga ninuno ay napalitan at napasailalim sa pamahalaang kolonyal ng Espanya.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Nagkaroon ng bagong pagpapangkat sa lipunang Pilipino noong panahon ng pananakop

a)

Tama

b)

Mali

23.

Sa kabila ng pagtutol ng mga Pilipino, sapilitang inilipat ng mga Espanyol ang kanilang mga tirahan.

a)

Tama

b)

Mali

24.

Ang mga Espanyol ang may pinakamataas na katayuan sa lipunan sailalim ng pamahalaang kolonyal.

a)

Tama

b)

Mali

25.

Mula sa mga mananakop na Espanyol ay ninais ng mga dating datu na mabawi ang mataas nilang katungkulan.

a)

Tama

b)

Mali