WorksheetsQuarter 4 - 1st Summative Test in AP
Total questions: 21
Worksheet time: 13mins
1. Liberalismo ang tawag sa kaisipang galing sa Europe na nagpapakita ng___.
A. Pagbibigay ng pagkakataon sa pagpapalayas ng mga prayle sa Pilipinas
B. Pagpapalaya sa mga nasasakdal
C. Pagbibigay ng mga kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan
D. Pagpapahayag ng pagkamuhi sa mga Kastila
2. Nang binuksan ang Suez Canal, napaikli sa isang buwan ang paglalakbay mula sa Europe
patungo sa ______.
A. Maynila
B. Cebu
C. China
D. Japan
3. Itinaguyod ng French Revolution ang konsepto ng ________.
A. Kalayaan, kaibigan, at kapatiran
B. Kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran
C. Pagkakapantay-pantay, pagmamahalan, at makatao
D. Kapatiran, kaguluhan, at kagubatan
4. Ang deklarasyon ng Cadiz Constitution sa Pilipinas ay nangyari noong ____.
A. 1913
B. 1819
C. 1813
D. 1713
5. Ang hindi ganap na naipatupad ang Cadiz Constitution sa Pilipinas ay nagdulot ng iba’t ibang
reaksiyon sa mga Filipinong katutubo ng Sarrat, Ilocos Norte noong _______.
A. 1815
B. 1915
C. 1715
D 1816
6. Pinaslang ng mga katutubo ang mga ________ na itinuring nilang kasabwat ng pamahalaang
kolonyal sa pang-aabuso sa kanila.
A. Peninsulares
B. Nasyonalismo
C. Hapon
D. Principales
7. Ilan sa mga mangangalakal, magsasaka, at propesyonal na umunlad ang pamumuhay sa
pagbukas ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdig ay mga _____.
A. Chinese at Spanish mestizo
B. Chinese at Americans
C. Japanese at Chinese
D. Spanish at Americans
8. Kailan sumiklab ang isang himagsikan ng Spain?
A. Ika- 18 ng Setyembre 1868
B. Ika- 19 ng Setyembre 1868
C. Ika- 20 ng Oktubre 1968
D. Ika- 17 ng Agosto 17681.
9. Sino ang bagong gobernador-heneral na nakilala sa kanyang liberal na pamamahala sa Pilipinas
noong panahon ng nasyonalismo?
A. Carlos Maria de la Torre
b. Carlos Garcia
C. Carlos Romulo
D. Andres Bonifacio
10. Sino ang kilala bilang isa sa pinakamalupit na namuno sa Pilipinas sa panahon ng nasyonalismo?
A. Carlos Garcia
B. Gobernador-Heneral Rafael de Izquierdo
C. Gobernador-Heneral McArthur
D. Carlos Maria de la Torre
11. Siya ang nagpatupad ng programang monopolyo sa tabako noong taong 1782.
A.Ferdinand Magellan
B. Miguel Lopez de Legazpi
C. Pedro Bravo de Acuńa
D. Jose Basco y Vargas
12. Ang mga sumusunod ay mga kadahilanan ng pag-aalsang Agraryo ng mga Pilipino noong 1745. Alin ang hindi kabilang dito?
A. Ang mga prayle ay naging mapang-abuso sa usaping agraryo.
B. Kinamkam ng mga prayle ang lupa mula sa mga katutubo.
C. Tinanggal ng mga prayle ang nakamulatang karapatan ng mga katutubo.
D. Ipinangaral ang relihiyong Kristiyanismo at sapilitang ipinatatanggap sa mga katutubo.
13. Ito ay tunggalian sa pagitan ng mga bansa sa Europa mula 1756 hanggang 1763.
A. Seven Years War
B. Cold War
C. World War II
D. Gulf War
14. Siya ang namuno sa pag-aalsa sa Ilocos noong okupasyon ng mga British sa Maynila taong 1762
na matagumpay na nakapagpaalis ng mga Espanyol sa kanilang probinsiya.
A. Andres Bonifacio
B. Jose Rizal
C. Diego Silang
D. Agustin Sumuroy
15. Siya ay pinuno ng pag-aalsa na naghangad maging isang pari sa murang edad at kaniyang itinatag ang kapatirang Cofradia de San Jose.
Jose Rizal
Gabriela Silang
Apolinario Mabini
Apolinario de la Cruz
16. Ano ang dahilan ng pag-aalsa ni Pule?
A. Inagaw sa kanya ang mga lupaing minana nito sa kanyang mga ninuno.
B. Tinutulang maging paring regular at maging kasali sa mga samahang orden.
C. Sapilitang pinagbabayad ng buwis.
17. Alin sa inyong palagay ang mabuting idinulot ng digmaaang Espanyol at Ingles sa Maynila?
A. Namulat ang mga Pilipino na maaaring talunin ang mga Espanyol.
B. Sinakop ang Pilipinas ng mga Ingles.
C. Pumasok ang kulturang Ingles.
18. Alin sa sumusunod ang naging epekto sa mga Pilipino ng monopolyo sa tabako?
A. Yumaman ang mga Espanyol
B. Lumaganap ang kalakalang tabako
C. Humirap ang mga magsasaka
19. Ito ay isang pagkilos upang tubusin o bawiin sa mga prayle at mga orden ang mga lupang
pamana sa kanilang mga ninuno o ancestral domain.
A. Pag-aalsang Agraryo noong 1745
B. Seven Years War
C. Pag-aalsa laban sa Monopolyo ng Tabako
20. Bakit maraming magsasakang Pilipino ang naapektuhan sa itinatag na monopolyo ng tabako ng mga Espanyol?
A. Sapilitan silang pinagtatanim ng halamang tabako at marami ang hindi nabayaran.
B. Pinalitan ang mga magsasaka ng ibang taong magtatanim ng halaman ng tabako.
C. Itinatag ang monopolyo ng tabako upang paunlarin ang mga magsasakang Pilipino.
Itala ang mga salik na nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. (5pts) Itatama ng guro.
