wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EPP QUARTER 3 REVIEW

Total questions: 30

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

1. Ang paggawa ng bayong ay isang gawain sa _________

a)

gawaing metal

b)

gawaing kahoy

c)

gawaing kamay

d)

gawaing elektrisidad

2.

2. Si Mang Carlos ay nagkakabit ng kawad ng kuryente sa mga bahay-bahay. Siya ay magaling sa

a)

gawaing kamay

b)

gawaing kahoy

c)

gawaing elektrisidad

d)

gawaing metal

3.

3. Ang kasangkapang angkop gamitin na pamutol ng alambre ay _________

a)

gunting

b)

kutsilyo

c)

lagare

d)

pliers

4.

4. Ang kasangkapang ginagamit na pampahigpit o pampaluwag sa turnilyo ay_____

a)

disturnilyador

b)

lyabe

c)

pliers

d)

c-clamp

5.

5. Papakuan ni Roni ang mga paa ng sirang upuan. Anong kasangkapan ang gagamitin niya?

a)

katam

b)

martilyo

c)

paet

d)

rip saw

6.

6. Nais pakinisin ni Fred ang tabla na ikakabit niya sa nasirang paa ng silya. Anong kasangkapan ang dapat niyang gamitin?

a)

katam

b)

martilyo

c)

paet

d)

rip saw

7.

7. Aling kagamitan o kasangkapang panukat ang ginagamit sa pagsukat sa malalaki at malalapad na gilid ng isang bagay?

a)

medida

b)

zigzag rule

c)

meter stick

d)

L-square

8.

8. Kailangang gumamit ng kasangkapang __________ upang putulin ang tabla ng kahoy

a)

kasangkapang pamputol

b)

kasangkapang pang-ipit

c)

kasangkapang panukat

d)

kasangkapang pambutas

9.

9. Ano ang HINDI dapat tandaan sa paggawa ng mga proyektong de-kuryente?

a)

Hayaang basa ang kamay sa paghawak ng kagamitang de kuryente

b)

Kung walang guwantes ay siguraduhing hindi basa ang tinatapakan.

c)

Gumamit ng guwantes sa paggawa na maaaring makakuryente.

d)

Ibaba ang switch matapos tanggalin ang piyus o gumawa sa kuryenteng may live wire.

10.

10. Ang gagamiting kasangkapan sa paggawa ay dapat na maging ____________ sa gagawin.

a)

kahit ano

b)

wala sa kondisyon

c)

mga sirang kasangkapan

d)

angkop at nasa maayos na kondisyon

11.

11. Ito ay barenang de kuryente na mainam gamiting pambutas sa matitigas na bagay tulad ng semento at bakal

a)

brace

b)

barena

c)

c-clamp

d)

electric drill

12.

12. Ang Phillips screw ay isa sa mga uri ng kasangkapan sa gawaing elektrisidad na____

a)

pamutol

b)

pangkinis

c)

panghigpit

d)

pandugtong

13.

13. Ang kuntador ay isang kagamitan sa elektrisidad na ginagamit sa pagsusukat o basehan ng nakonsumong______

a)

gas

b)

kuryente

c)

pagkain

d)

tubig

14.

14. Ang kasangkapang ginagamit sa pagtanggal at pagkabit ng turnilyong may hati sa gitna____

a)

flat screw

b)

philips screw

c)

stainless pliers

d)

wire splicer

15.

15. Alin ang hindi kasama sa mga gawain pang- industriya?

a)

gawaing kahoy

b)

gawaing pagluluto

c)

gawaing metal

d)

gawaing de-kuryente

16.

16. Ang kasanayan sa paggawa ng disenyo o krokis ng isang proyekto ay nagpapakita ng kagalingan sa pagiging _______

a)

malinis

b)

malikhain

c)

matipid

d)

masayahin

17.

17. Ang halagang gugugulin sa paggawa ng proyekto ay makikita sa ______________

a)

layunin

b)

pamagat ng proyekto

c)

hakbang sa paggawa

d)

talaan ng mga materyales

18.

18. Sa pagpili ng proyektong gagawin, tiyakin na ito ay:

a)

pansarili

b)

pampaaralan

c)

magamit sa bahay o maipagbili

d)

madaling masira

19.

19. Kung gagawa ka ng isang uri ng proyektong, tiyakin mo na mayroon kang:

a)

kakayahan

b)

pagkukunan

c)

paggagamitan

d)

lahat ng nabanggit

20.

20. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagbili ng mga kagamitan at materyales na kakailanganin sa paggawa ng proyekto

a)

madaling mabili

b)

sukat ng gagawin

c)

materyales na gagamitin

d)

katutubong materyales upang makatipid

21.

21. Sa mga pook na sagana sa kawayan at kahoy, alin ang mainam na hanapbuhay?

a)

paghahabi

b)

pagpipintura

c)

paglalatero

d)

pagmimina

22.

22. Ano ang uri ng lagari na ginagamit na pamputol nang paayon sa hilatsa ng kahoy?

a)

rip saw

b)

cross cut saw

c)

backsaw

d)

coping saw

23.

23. Bakit kailangan maglaan ng isang lalagyan o lugar para sa mga kasangkapan sa paggawa?

a)

Upang hindi kakalat-kalat ang mga kasangkapan.

b)

Upang hindi maging dahilan ng aksidente ang mga pakalat-kalat na mga kasangkapan.

c)

Upang hindi mawala ang mga kasangkapan

d)

Upang maganda sa paningin ang maayos na kasangkapan

24.

24. Alin sa mga sumusunod ang dapat isuot kapag gumagawa ng mga proyektong pang Industriya?

a)

sando at maikling shorts

b)

overall, apron, o longsleeves

c)

damit pansimba

d)

damit na pambahay

25.

25. Isa itong proyekto sa gawaing elektrisidad na ginagamit kapag malayo sa saksakan ang isang kagamitang de kuryente. Ano ito?

a)

lampshade

b)

kalan de kuryente

c)

extension cord

d)

switch

26.

26. Alin ang sa mga sumusunod ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng extension cord?

I. Luwagan ang turnilyo ng outlet at ibukas. Iikot ang isang binalatang dulo ng kawad ng kaliwang bahagi at ang isa sa kanang bahagi. Ipaikot sa turnilyo at ipitin ng mahigpit. Ilagay ang pansara.

II. Buksan ang male plug. Makikita ang dalawang turnilyo, luwagan ng bahagya at iikot sa magkabilang turnilyo ang magkahiwalay na kawad sa paggamit ng underwriter’s knot upang makatiyak na dadaluyan ng kuryente ang terminal.

III. Ihanda ang kawad. Paghiwalayin ang magkatabing kawad ng magkabilang dulo at balatan ang mga ito ng 10 sentimetro.

(10-15 sentimetro).

IV. Tingnan mabuti ang lahat ng ikinabit na bahagi kung hindi nagkamali sa pagsasagawa ng mga hakbang.

V. Higpitan muli ang turnilyo upang maipit ang kawad.Isara muli ang plag. Subukan sa paggamit ng tester kung dadaluyan ng kuryente.

a)

I-II-III-IV-V

b)

III-II-I-V-IV

c)

III-I-II-V-IV

d)

II-III-I-V-IV

27.

27. Kapag gumagawa ng kagamitang de kuryente, ano ang dapat isaalang-alang?

a)

Sundin ang mga hakbang.

b)

Sundin nang maayos ang mga hakbang at gayundin ang mga pangkaligtasang gawi.

c)

Pumili ng mga murang materyales.

d)

Mabilisin ang paggawa ng matapos agad.

28.

28. Bibigyan na ng pagpapahalaga ang nagawang extension cord ng bawat pangkat. Alin sa mga sumusunod ang dapat bigyan ng pinakamataas na marka?

a)

Proyekto A- Maayos ang pagkakagawa subalit ipinasa dalawang araw matapos ang itinakdang araw.

b)

Proyekto B- Hindi maayos ang pagkakagawa subalit naipasa sa itinakdang araw

c)

Proyekto C- Maayos ang pagkakagawa subalit hindi mag-aaral ang gumawa.

d)

Proyekto D- Ginawa ng mga mag-aaral, naipasa sa itinakdang araw, at maayos ang pagkakagawa

29.

29. Aling bahagi ng plano ng proyekto ang inilalagay sa unahan?

a)

layunin

b)

pangalan ng proyekto

c)

mga kasangkapan

d)

hakbang sa paggawa

30.

30. Ano ang pag sa survey sa Industriya?

a)

paghahanap ng materyales na mura

b)

pagsasaliksik at paghahanap ng mga materyales na pinakamainam na gamitin

c)

pagtatanong-tanong sa kabahayan

d)

panghihingi ng listahan ng mga tindahan