NEW
Font size
WorksheetsQUIZ (FILDIS)
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
1. Ang pananaliksik ay maaaring bigyan ng kahulugan batay sa larangan ng paggamit nito.
TAMA
MALI
2. Sa daigdig ng kalakalan ang pananaliksik ay kaaniwang nakatuon sa kahusayan ng isang patalastas sa kasalukuyang gumagamit ng produkto at mga potensyal na gagamit pa nito.
TAMA
MALI
3. Ayon kay Leann Zara (2017) ang paggawa ng pananaliksik ay nakatutulong upang ang advancement sa teknolohiya at ipa pang pag-unlad ay hindi manatiling pantasya lamang.
TAMA
MALI
4. Ang code-switching ay paggamit ng dalawa o higit pang wika sa paglilipat ng impormasyon sa ibang tao.
TAMA
MALI
5. Ang disenyo ng pananaliksik ay pangkalahatang pamamaraan na ginagamit ng mananaliksik upang makabuo ng isang lohikal at maayos na pag-aaral
TAMA
MALI
6. Ang kwalitatibong pag-aaral ay isa sa klasipikasyon ng pananaliksik.
TAMA
MALI
7. Ang kwalitatibo ay tumutukoy sa pamamaraan ng pangangalap ng datos ng isang mananaliksik na kung saan ay personal ang pagkuha ng datos sa paksa ng pag-aaral.
TAMA
MALI
8. Ang deskriptibong pananaliksik ay kinasasangkutan ng mga pag-aaral na tumutuklas sa kalagayan ng mga pamamaraan o estratehiya, modelo, polisiya at iba pa na ang layunin ay ang pagpapaunlad dito para sa higit na epektibong gamit.
TAMA
MALI
9. Ang pag-aaral sa isang kaso o Case Study ay nakatuon ang pag-aaral sa partikular na tao, grupo o institusyon.
TAMA
MALI
10. Layunin ng Komparatibong Pananaliksik na paghambingin ang dalawang tao.
TAMA
MALI
11. Ang metodo ay tumutukoy sa paraan ng pagtuklas.
TAMA
MALI
12. Ang balidad ay ang hangganan na kung saan sinusukat ng instrumento kung ano ang nararapat na sukat ng isang pag-aaral.
TAMA
MALI
13. Ang Panlabas na Balidad ay tumutukoy sa kaangkupan ng nilalaman sa instrumento.
TAMA
MALI
14. Ang pagbubuod ay ang paglalahad ng mga pangunahing ideya sa mga binasang literatura gamit ang sariling salita.
TAMA
MALI
15. Ang Direktang Sipi ay mabisang metodo upang maiwasan ang pangongopya o plagiarism habang isinasagawa ang rebyu ng isang pag-aaral.
TAMA
MALI
