wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Maikling Pagsusulit

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Anong damdamin ang nangingibabaw sa saknong na ito? Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,Dawag na matinik ay walang pagitan: Halos naghihirap ang kay Pebong silang, Dumalaw sa loob na lubhang masukal.

a)

A.pananalig

b)

B. pag-asa

c)

C. pag-aalinlangan

d)

D. lungkot

2.

Malalaking kahoy ang inihahandog, Pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot; Huni ng ibon ay nakalulunos ,Sa lalong matimpi’t masasayang loob. Anong damdamin ang masasalamin sa saknong na ito?

a)

A. nakatatakot

b)

B. may pag-asa

c)

C. pananalig

d)

D. malungkot

3.

“Ikaw Adolfo ang may gawa ng paghihirap ko. Napakasama mo!” Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag?

a)

A. pagkainis

b)

B. pagkagalit

c)

C. pagdadalamhati

d)

D. pagkalungkot

4.

“Nagsimula ang lahat ng _______________ ni Adolfo noong kami ay nasa Atenas. Dahil nahigitan ko siya sa klase kahit ako ay bagong mag-aaral lamang.Anong salitang ang dapat ipuno upang mabuo ang pahayag?

a)

A. kasamaan

b)

B. kabutihan

c)

C. kabaitan

d)

D. katapangan

5.

Punan ang patlang ng pinakaangkop na salita upang mabuo ang pahayag. “Tama ba Adolfo na patayin mo ang aking ama at ang hari ng Albanya? ______________ mo Adolfo nang dahil sa pag-aasam mo ng yaman at kapangyarihan ay nagawa mo ang karumal-dumal na pagpatay!”

a)

A. napakabuti

b)

B. napakasigla

c)

C.napakagaling

d)

D. napakalupit

6.

Ay saan ngayon ako mangangapit? Saan ipupukol ang tinatangis-tangis, Kung ayaw na ngayong dinggin ng langit, Ang sigaw ng aking malumbay na boses.Nagpapahiwatig ito na ang saloobin ng nagsasalita ay may…

a)

A. paghihinagpis

b)

B. pakiusap

c)

C. pag-asa

d)

D. pananalig

7.

Bakit kalangita’y bingi ka sa akin, Ang tapat kong luhog ay hindi mo dinggin? Diyata’t isang alipusta’t iring Sampung tainga mo’y ipinangunguling. Mararamdamang ang naglalahad ay may…

a)

A. pag-asa

b)

B. pananalig

c)

C. pagsusumamo

d)

D. pagtatampo

8.

“Kung siya mong ibig na ako’y magdusa, Langit na mataas, aking mababata; Isagi Mo lamang sa puso ni Laura Ako’y minsan-minsang mapag-alala. Ang pahayag ay nagsasaad ng ...

a)

A. pag-asa

b)

B. pakiusap

c)

C. pananalig

d)

D. paghihinagpis

9.

Anong angkop na salita ang ilagay sa patlang upang mabuo ang pahayag? Ako ay ___________ na ang lahat ng pagsubok na ating pinagdadaanan ay ating malalampasan.

a)

A.tunay na

b)

B. sigurado

c)

C. naniniwala

d)

D. totoo

10.

10. Batay sa mga nakalap na impormasyon, __________ mas malaki ang posibilidad na mahawaan ng COVID-19 ang mga taong walang suot na facemask. Anong salita ang dapat ipuno upang mabuo ang pangungusap?

a)

A. sigurado

b)

B. talaga

c)

C. siyempre

d)

D. totoo na