Worksheets4th Quarter Quiz#1
Total questions: 20
Worksheet time: 13mins
Ang mga sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa maliban sa_____________________.
Likas na Yaman
Yamang-Tao
Teknolohiya
Kalakalan
Para sa bilang 2, basahin ang sumusunod na talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba nito.
Noong nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang marinig ang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang ekonomiya ang Pilipinas. Pero nang lumabas ang survey ng SWS survey kamakailan ng 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho, maraming nadismaya at hindi makapaniwala. Nasaan na ang sinasabi ng pamahalaan, gumanda ang ekonomiya ng bansa.
Kung ang konsepto ng Kaunlaran ang pagbabatayan, malinaw na inilalahad sa balita na ___________________.
Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay hindi nangangahulugan ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Hindi sapat na batayan ang paglago ng ekonomiya upang masabing ganap na maunlad ang bansa.
Ang bansa ay patuloy pa ring nakaasa sa mga manggagawang Pilipino nakabase sa ibayong-dagat.
Hindi sapat na sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyunal na panukat gaya ng GDP.
Datapuwa't patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya ng bansa, marami pa ring Pilipino ang hindi naniniwala rito. Isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na kurapsyon. Paano kumikilos ang mga mamamayang Pilipino upang tuluyan nang matuldukan ang napakatagal na problemang ito?
Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan at ang mga hukuman ang umusig sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
idinadaan na lamang nila sa samu't-saring protesta ang kanilang mga hinaing ukol sa talamak na korapsyon sa pamahalaan.
Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at kurapsyon, maliit man o malaki, kaya't nakahanda silang ipaglaban kung ano ang tama at nararapat.
Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling nagaganap sa ating bansa.
Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
Wala sa nabanggit.
SInasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsiya ang nakaasa sa Agrikultura para mabuhay. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa Sektor ng Agrikultura?
Pagmimina
Pangingisda
Paggugubat
Paghahayupan
Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng Sektor ng Agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan.
Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-market road)
Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
Noong Hunyo 2014, natapos na ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER) Kaya ang iba't-ibang samahan at ang Simbahang Katolika ay nagkapit-bisig upang hilingin sa pamahalaan na dagdagan pa ng dalawang taon ang implementasyon nito. Gaano ba kahalaga ang repormang agraryo ng pamahalaan para sa mga magsasaka?
Nagkakaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka.
Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng Sektor ng Agrikultura.
Nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng maayos na sistema ng pautang, mga proyektong pang-imprastraktura, redistribusyon ng lupa at iba pa.
Lahat ng nabanggit
Para sa bilang na ito, tingnan at suriin ang Talahanayan 2..
Ang Pilipinas ang isa sa pinakamayayamang bansa kung ang pag-uusapan ay likas na yaman. Mataba ang mga lupain at sagana ang ating mga anyong-tubig sa iba't-ibang yamang dagat. Ngunit kapansin-pansin sa mga datos na ang Sektor ng Agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa ekonomiya ng bansa mula 2005-2010. Ano ang nais ipahiwatig nito?
Kulang ang mga pasilidad at imprastraktura na tutulong sa Agrikultura.
Mas prayoridad ng pamahalaan ang Sektor ng Industriya at Serbisyo.
Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga kababayan nating nasa Sektor ng Agrikultura.
Lahat ng nabanggit.
Alin sa mga sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay maging isang bagong produkto?
Agrikultura
Industriya
Paglilingkod
Impormal na Sektor
Itinuturing ang Agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya samantalang ang Industriya naman ang tinatawag na sekundaryang sektor. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng dalawang sektor na ito sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan o interaksyon ng dalawang sektor?
Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng Agrikultura samantalang ang Industriya ay sa mga bahay-kalakal.
Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng industriya.
Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor industriya upang gawing panibagong uri ng produkto.
Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nananatili sa tradisyunal na pamamaraan ng pagsasaka.
Ang Industriyalisasyon, sa kasalukuyan, ang nagsisilbing batayan ng kaunlaran ng isang bansa. Sa pananaw na ito, nagaganap lamang ang kaunlaran kung nagkakaroon ng pagbabago mula sa pagiging agrikultural patungo sa pagiging industriyal. Ngunit marami ring limitasyon ang Industriyalisasyon. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapatotoo rito?
Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa pa ng mas maraming produkto at serbisyong kailangan at gusto ng mga tao.
Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga makinarya ay nakaaapekto sa availability ng hanap-buhay para sa mga manggagawa.
Unti-unting nasisira ang ating kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong mabilis na industriyalisasyon.
Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga na rin ng mataas na pambansang kita.
Alin sa sumusunod na sektor ang biubuo ng mga pormal na industriya tulad ng pananalapi, insurance, komersiyo, real-estate, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon at mga serbisyong pampamayanan, panlipunan at personal?
Agrikultura
Industriya
Paglilingkod
Impormal na sektor
Isa sa mga napakalaking problemang kinakaharap ng sektor ng paglilingkod ang suliranin sa kontraktuwalisasyon. Maraming kompanya ang humahanap lamang ng mga manggagawang handang magtrabaho sa kanila nang hindi lalampas sa anim na buwan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dahilan kung bakit patuloy pa rin ang contractualization sa kabila ng kabi-kabilang protesta ng mga manggagawa?
Mas makatitipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa ay kontraktuwal dahil wala silang mga benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth.
Dahil mababa lamang ang mga pasahod sa mga manggagawang kontraktuwal, lumiliit ang gastusin ng mga kompanya.
Ang mga manggagawag kontraktuwal ay hindi maaaring tumanggi sa mga overtime na trabaho lalo na sa mga peak season kahit na lumagpas pa ito sa itinakdang oras ng paggawa sa batas.
Lahat ng nabanggit.
Ang kakayahan ng sektor ng paglilingkod na matugunan ang pangangailangan ng lipunan ay isang palatandaan ng masiglang ekonomiya ng bansa. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?
Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman at serbisyo upang matugunan ang mithiin ng pangangailangan.
Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal
Sila ang dahilan upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng trabaho sa ibang bansa.
Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.
Alin sa mga sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo, at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo?
Agrikultura
Industriya
Paglilingkod
Impormal na Sektor
Ayon sa IBON Foundation, ang Impormal na Sektor ay kabilang sa "isang kahig, isang tuka". Ano naman ang positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.
Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa.
Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan.
Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay.
Isa sa mga epekto ng Impormal na Sektor sa ekonomiya ay ang paglaganap ng mga ilegal na gawain gaya ng pamimirata ng musika, mga palabas sa sine at telebisyon, at computer software. Laganap ang pamimirata sa halos lahat ng puwesto ng palengke sa buong kapuluan. Ang patuloy na paglaganap ng pamimirata sa bansa ay maaaring bunga ng sumusunod MALIBAN SA ISA...
Kakulangan ng maigting at komprehensibong kampanya at edukasyon sa mga tao ukol sa masasamang bunga nito.
Kakulangan ng mahigpit na implementasyon ng mga batas na laban sa pamimirata.
Kakulangan ng mapapasukang trabaho.
Pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki sa ilegal na pamamaraan.
Ang mga bansa ay makikinabang sa isa't-isa ayon sa konsepto ng comparative advantage. Alin sa mga sumusunod na paraan sila makikinabang?
Trade Embargo at Quota
Kasunduang Multilateral
Espesyalisasyon at Kalakalan
Sabwatan at Kartel
Hindi maiiwasan na makipag-ugnayan ang mga bansa sa ibang bansa lalo na sa panahon ng globalisasyon. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang pinakaakmang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig lalo na sa larangan ng pakikipagkalakalan?
Madaragdagan ang pantugon sa mga panustos para sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya.
Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.
Upang dumami ang mga produktong banyaga na maaaring gayahin.
Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan.
