NEW
Font size
WorksheetsQ4 - Summative Test No. 4 sa EsP
Total questions: 25
Worksheet time: 14mins
Nakita mo na pinupunit ng iyong kamag-aral ang mga pahina ng isang banal na aklat. Ano ang dapat mong gawin?
Kukuhain ko ang banal na aklat mula sa kaniya upang hindi niya ito tuluyang mapunit.
Hahayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa upang hindi siya magalit sakin.
Sasabihin ko sa kaniya na hindi niya dapat pinupunit ang pahina ng banal na aklat.
Malakas ang tunog ng radyo habang nakikinig ng balita ang iyong tatay. Narinig mon a nagdarasal ang kapitbahay niyong katoliko. Ano ang tamang gawin upang pahinaan ang tunog ng radio?
Magpapaalam ako sa aking tatay na pahinaan ang tunog ng radio.
Pahihinaan ko ang tunog ng radio kahit di alam ni tatay.
Lalabas na lang ako ng bahay para hindi ko marinig ang tunog ng radio.
Pupunta sa bahay niyo ang kaibigan mong Muslim para makidalo sa iyong kaarawan.
Sasabihin ko sa kaibigan ko ang mga handa na may sahog na karneng baboy.
Magpapabili ako ng litsong baboy para handa sa aking kaarawan.
Hindi ko sasabihin sa kaibigan ko ang pagkain na may karneng baboy.
Ipinakilala sa iyo ng pinsan mo ang kaibigan niyang Iglesia ni Cristo.Paano ka makikipagkilala sa kaniya?
Hindi ako makikipagkaibigan dahil isa akong katoliko.
Makikipagkaibigan ako sa kaniya kahit magkaiba ang aming paniniwala tungkol sa Diyos.
Hahayaan ko na lamang ang aking pinsan sa nais niya.
Nakita mong naglalaro sa loob ng kapilya o bahay dalanginan ang mga bata. Ano ang dapat mong gawin?
Aalis na lang ako upang hindi ako madamay kapag pinagalitan sila.
Sasawayin ko sila at sasabihan na sa labas na lamang ng kapilya sila maglaro.
Makikipaglaro din ako sa kanila sa loob ng kapilya.
Nagkamali ang kaklase mo sa pagbigkas ng isang salita habang pinababasa ng inyong guro. Nakita mo na lihim siyang pinagtawanan ng iyong katabi sa upuan. Ano ang sasabihin mo sa katabi mo?
Huwag mong pagtawanan ang nagkamali, turuan mo siya ng tama.
Sisigawan ko siya na mali ang pagtawanan ang nagkamali.
Sasabihin ko sa kaklase ko na nagkamali magbasa na pinagtawanan siya ng katabi ko.
Napansin mong nag-iisa at hindi kasali sa inyong laro ang bago niyong kaklase. Ano ang gagawin mo?
Yayain ko siyang sumali sa aming laro upang maging kaibigan niya rin ang iba naming kaklase.
Aayaw na ako sa laro para samahan ko ang bago naming kaklase.
Hindi ko na lang siya papansinin.
Isang umaga, naghihintay ka ng traysikel papunta sa paaralan. Nakasabay moa ng isang batang pilay na sasakay din ng traysikel. Paano mo maipapakita ang pagtulong sa may kapansanan?
Alalayan ko siya at paunahin na makaupo sa traysikel.
Hayaan ko na lang siya na makasakay kasi tutulungan naman siya ng ‘driver’ ng traysikel.
Hindi ko siya papansinin para hindi ako mahuli sa klase.
Libangan ng kuya mo ang mag-alaga ng isda sa aquarium. Isang araw, nakita mo na umalis ang kuya mo na hindi pa napakain ang mga alaga niyang isda. Ano ang gagawin mo sa mga isda?
Ililipat ko sa maliit na planggana ang mga isda at paglalaruan.
Magpapatulong ako kay nanay na pakainin ang mga alagang isda ni kuya.
Hintayin ko na lang na bumalik si kuya.
Isang umaga, masaya kayong naglalaro sa kalye ng iyong mga kaibigan nang napadaan ang mga Barangay Tanod na nagroronda para sawayin ang mga hindi sumusunod sa Health Protocols. Nagkataon na wala kang suot na face mask. Ano ang dapat mong gawin?
Papasok ako sa aming bahay at hintayin na makaalis ang mga Tanod para makapaglaro ulit ako sa labas.
Papasok ako sa aming bahay at hindi na ako lalabas na walang suot na face-shield at face mask.
Magpapaliwanag ako sa mga Tanod na pwede na lumabas kahit walang face mask.
Ibinabahagi ko sa aking mga kaibigan ang mga laruang hindi ko na ginagamit sa paglalaro.
TAMA
MALI
Inaapakan ko ang mga halaman sa parke at paaralan
TAMA
MALI
Nagdarasal ako bago matulog at pagkagising sa umaga.
TAMA
MALI
Tumutulong ako sa mga gawaing bahay na kaya ko ng gawin gaya ng paghuhugas ng pinagkainan
TAMA
MALI
Inililigpit ko ang aking mga laruan pagkatapos maglaro.
TAMA
MALI
Ang pagbibigay ng pag-asa sa iba ay nakapagpapasaya sa taong nagbibigay nito.
TAMA
MALI
Kahit ikaw ay bata pa, kaya mo na ring makapagbigay ng pag-asa sa iba.
TAMA
MALI
Ang pagbibigay ng pag-asa sa iba ay nararapat lamang na totoo sa iyong kalooban.
TAMA
MALI
Ang pananalig sa Diyos ay isang mabuting pag-uugali.
TAMA
MALI
Walang hanggan ang pagmamahal ng Diyos sa lahat ng tao maging anuman ang Relihiyon na kaniyang kinabibilangan.
TAMA
MALI
Kumain ako ng kendi ngunit wala akong makitang basurahan kaya itinapon ko na lamang ang balat nito sa kanal.
TAMA
MALI
Naglakad-lakad kami sa Arca South noong Sabado. Kinukuha ko ang mga plastic bottles ng softdrinks na nakikita kong nakakalat sa aming nadaraanan at inilagay ko sa isang lalagyan para ibigay sa nangangalakal ng bote.
TAMA
MALI
Kapag nakakakita ako ng pusa at aso na pagala-gala sa kalye, hinahabol ko ang mga ito at hinahampas ng walis tingting.
TAMA
MALI
Araw ng Martes at naatasan ang aming pangkat na maglinis ng silid-aralan. Buong sipag at kagalakan kong ginampanan ang aking tungkulin.
TAMA
MALI
Pinapaalalahanan ko ang aking nakababatang kapatid na ugaliin ang paghugas ng kamay, at paglilinis ng mga laruan bago at pagkatapos maglaro.
TAMA
MALI
