wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga isyung Moral Tungkol sa Paggawa at Paggamit ng Kapangyar

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Sa simula ng paglikha ng Diyos, inilaan na siya upang gumawa ng mga katangi-tanging gawain, at siya lamang ang binigyan ng natatanging talino.

a)

Hayop

b)

Halaman

c)

Kalikasan

d)

Tao

2.

Ang moral na obligasyon sa paggawa ay malinaw na nakasaad sa Banal na kasulatan sa Genesis 3:19, “Ang lupaing ito para pag-anihan, pagpapawisan mo habang nabubuhay,” at sa Exodo 20:9, “Anim na araw kayong gagawa ng inyong gawain,” na kung saan ang tao ay inatasan ng Diyos na gumawa at magtrabaho. Ano ang ibig ipahiwatig ng mga pahayag na ito?

a)

Isang panlipunang proseso na ang layunin ay mapangalagaan ng tao ang lipunan.

b)

Nilikha ang tao upang maging kabahagi ng Diyos sa Kaniyang gawain sa pamamagitan ng paggawa.

c)

Ipinakikita na ang anumang bagay na nais tamasahin ng tao ay kailangan niyang paghirapan.

d)

Ang paggawang ito ang siyang batayan ng ating pagkilos upang ituloy at kumpletuhin ang sinimulan Niyang paglikha.

3.

Ayon sa Panlipunang turo ng simbahan, Rerum Novarum ni Blessed Paul II, “Work bears a particular mark of man and of humanity, the mark of a person operating within a community of persons.” Paano naipakikita dito kung ano ang paggawa?

a)

Ang paggawa ay pagmamahal sa isang gawain na nagiging katulong ang Diyos sa pagbubunsod ng paggawa.

b)

Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at obligasyong pagkamalikhain.

c)

Ang paggawa ay nagbibigay sa atin ng kahulugan, at tinuturuan tayong makilahok sa ating mundong ginagalawan upang ipagpatuloy ang paglikha ng Panginoon.

d)

Ang paggawa ay anumang gawaing pangkaisipan man ito o manwal, anuman ang kaniyang kalikasan o kalagayan na makatao, nararapat para sa tao ang gumawa bilang anak ng Diyos.

4.

Ang sumusunod ay nagpapakita ng ilang halimbawa kung paano ginagamit ng kabataan ang kanilang mga oras. Sa anong sitwasyon sa ibaba hindi naipakikita ang paggamit ng wastong oras?

a)

Si Sassy Nichole ay laging maagap sa pagpasok sa kaniyang trabaho.

b)

Si Catherine Kate ay may listahan ng mga gawain na kaniyang gagawin sa bawat araw.

c)

Si Genrich ay laging pinapaalalahanan ng kaniyang mga guro para magpasa ng kaniyang mga proyekto.

d)

Si Cristina Karylle ay naglalaba at naglilinis ng kanilang bahay tuwing sabado at linggo.

5.

Ayon kay Karl Marx, ang kabihasnan ng tao ay naaayon sa pagkamasalimuot ng mga kagamitan. Ano ang ibig sabihin nito?

a)

Ang kagamitan natin sa kasalukuyan ay bunga ng lipunan, iniwan ng naunang henerasyon

b)

Ang mga kagamitan ay produkto ng kapuwa at ginagamit niya upang makalikha ng bagay para sa kapuwa

c)

Ang lahat ng bagay ay yaong nasa ating pananagutan, lahat ng may kinalaman sa pagpapaunlad ng sarili.

d)

Naiiba ang tao sa hayop sa paggamit ng kagamitan at sa pagkamalay niya sa kaniyang ginagawa.

6.

Ito ay uri ng korapsiyon, paglalagay ng mga kamag-anak na may katungkulan sa ahensiya ng pamahalaan.

a)

Korapsiyon

b)

Kolusyon

c)

Nepotismo

d)

Suhol

7.

Ano ang tamang kahulugan ng kapangyarihan?

a)

Ang kapangyarihan ay pagkontrol sa batas.

b)

Ang kapangyarihan ay nakikita sa kaisipan, kilos, pananalita, lakas, at tatag ng kalooban.

c)

Ang kapangyarihan ay tumutukoy sa proseso o pamamaraan sa pagpapalakad ng isang pinuno.

d)

Ang kapangyarihan ay tumutukoy sa pagkaka-impluwensiya ng pinuno sa kaniyang nasasakupan.

8.

Alin sa sumusunod na pagpapahalaga ang susi sa pagbuwag ng Graft and Corruption?

a)

Integridad

b)

Katapatan at pagkatakot sa Diyos

c)

Kabaitan at pagkamasunurin

d)

Pagtitimpi

9.

Paano ang dapat gawin upang matigil ang pagkawala ng pondo ng pamahalaan?

a)

Mahigpit na pagpapatupad ng parusa sa mga nagkasala.

b)

Pagbabantay sa mga tiwaling empleyado ng pamahalaan.

c)

Pagbatikos sa mga maanomalyang gawain ng mga nanunungkulan.

d)

Pagbubulgar ng mga pandarayang nagaganap sa ahensiya ng pamahalaan.

10.

Si Jonathan ay nahuli ng pulis trapiko sa kadahilanan paglabag sa batas trapiko. Kinuha ang kaniyang lisensya ngunit hindi niya ito ibinigay bagkus inabutan niya na lamang ng pangmeryenda ang nakahuli sa kaniya. Ang pagtanggap ba ng pulis sa pangmeryenda ay nagpapakikita ng katiwalian?

a)

Opo, dahil ang pagtanggap ng meryenda ay pagtanggap ng suhol.

b)

Opo, dahil ang pulis ay hindi nagpakita ng katapatan sa kaniyang tungkulin.

c)

Hindi po, dahil ang pagmeryenda ay napakaliit lamang na halaga.

d)

Hindi po, dahil nakagawian nang nakararami ang magbigay kapalit ng kaparusahan.