Font size
WorksheetsJose Rizal Movie 1998
Total questions: 40
Worksheet time: 24mins
Ayon kay Rizal, anong mayroon sa Noli Me Tangere na kanyang isinisiwalat at wala ni sino man ang gustong magsagawa nito maliban sa kanya?
kababalaghan sa loob ng simbahan
katiwalian sa pamahalaan
pang-aapi at pang-aabuso sa karapatan
kanser ng lipunan
Si (a) ang nagsesermon sa kabanatang ipinakita sa pelikula kung saan nakaupo si Ibarra na nakikinig lamang sa upuan.
Sino ang ginugulpi sa bahaging ito ng pelikula?
(a)
Ayon kay Rizal sa pelikula, inilagay niya ang kanyang mga mata at persona sa kaninong tauhan?
(a)
Sa pagbabalik ni Ibarra sa nobelang El Filibusterismo siya ay nagpalit ng katauhan bilang si Simon. Ano ang kanyang ibig ipahiwatig kay Basilio na dating sakristan at binata na sa bahaging ito ?
Hindi na dapat nakadepende pa ang mga Pilipino sa mga Kastila dahil kawalan ito ng kakilanlan.
Ang lahat ng tinatamasa ng mga kabataan noon ay hiram lamang sa mga dayuhan pati na ang mga depekto.
Lahat ng nabanggit ay tama.
Lahat ng nabanggit ay mali.
Sino ang ipinakita sa pelikula na nagbabasa ng kabanata na "Kabesang Tales" na bahagi ng nobela ni Rizal?
Paciano Rizal
Andres Bonifacio
mga kastila
mga kabataang Indio
Sino ang kausap ni Gobernador Heneral Blanco sa pelikula na galit na sumugod sa Malacanang at gustong papanagutin si Rizal sa sinasabi nitong kasalanan?
Padre Damaso
Padre Salvi
Arsobispo ng Maynila
Obispo ng Sta. Clara
Ano ang nangyari sa pagtatanong ng Kolonel kay Rizal nang nasa Fort Santiago ito?
Inamin ni Rizal na kilala niya si Bonifacio at ginagamit lamang nito ang kanyang pangalan upang makakalap ng donasyon.
Sinabi ni Rizal na hindi sekreto ang pagtitipon sa bahay ni Doroteo Ongjunco at dapat lubayan na ng mga Kastila ang kanyang pamilya.
Itinanggi ni Rizal na hindi siya traydor sa Espanya.
Sinabi ng Kolonel na ang unang nobela ni Rizal ay inihahandog niya sa GomBurZa na nagpapakita ng pagtatraydor niya.
Ang mga sumusunod ay nabanggit sa pelikula patungkol sa pagpapahalaga sa edukasyon maliban sa isa.Piliin ang naiiba sa mga pahayag.
Hindi lahat ng bagay ay matututunan dito sa loob ng bahay.
Ang edukasyon ay nakadepende sa pinag-aaralan, mayroong mga pinag-aaralan na nakabubulag.
Mas mabuti ang walang alam dahil wala ding kalaban.
Hindi sapat ang edukasyon lamang upang makita ang rosas.
Ang mga sumusunod na pahayag ay nabanggit sa pelikula patungkol sa Pananaw maliban sa isa. Piliin ang naiiba sa mga pahayag.
"Nagmamadali raw akong makita ang mundo,kailangan makita ko ang lahat"
"Kung panay kasamaan lang at kalungkutan ang makikita ko, hindi bale nang tuluyan akong mabulag."
lahat na mga pahayag ay hindi makikita sa pelikula
wala sa mga pahayag ang hindi nabanggit sa pelikula
Punuan ng tamang salita ang sumusunod na pahayag ni Rizal sa pelikula nang makausap niya ang kanyang abogado: "Natutunan ko na hindi lahat ng tao ay _______________."
mapagkakatiwalaan
magkapantay
maaasahan
mabuti
Ang mga sumusunod na pahayag ay nabanggit sa pelikula patungkol sa Pagsusulat maliban sa isa. Piliin ang naiiba sa mga pahayag.
"Isa akong manunulat, kalaban ko ang lahat pati na ang sarili ko."
"Hindi ba responsibilidad ng isang manunulat na isulat ang katotohanan kaninuman ito panig."
"lahat ng bagay na isinulat ko ay nakaugat sa katotohanan."
wala sa mga pahayag ang hindi nabanggit sa pelikula
Ang mga sumusunod ay gustong mangyari ni Rizal para sa mga Pilipino na dapat maunawaan ng mga Kastila maliban sa isa. Piliin ang naiiba.
makilalang kapantay ng mga Kastila ang mga Pilipino
mapayapang pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon
maiahon sa pamamagitan ng sibikong gawain sa pag-unlad
wala sa mga pahayag ang hindi nabanggit sa pelikula
Anong kabanata ng nobelang Noli Me Tangere ni Rizal ang ipinakita sa pelikula kungsaan umaawit si Maria Clara na tumugtog pa ng alpa?
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga layunin ni Rizal upang mag-aaral sa ibang bansa at talikuran ang lahat pati na ang kasintahang si Leonor?
Upang gampanan ang inatas sa kanya ng Espanya bilang iskolar
Upang mapabilang sa isang lihim na organisasyon
Upang mag-aral at gawin ang nararapat para sa bayan
Upang makakilala ng iba pang mga Pilipino sa Europa at magsulat ng propaganda
Punuan ng tamang salita ang sumusunod na pahayag ni Rizal sa pelikula nang nakipaghalubilo siya sa isang pagtitipon ng mga Pilipino sa Espanya at sinabing: "Kontento na ba kayo sa____________________? Hangga't natututo tayong gumalang sa ating mga sarili, kailanman ay hindi tayo igagalang ng ibang lahi."
walang pagbabago sa Pilipinas
oportunidad at mga bagay na ating natamasa
edukasyon at sistema ng bayan
mahabang panahon ng pang-aalipin
Punuan ng tamang salita ang sumusunod na pahayag ni Rizal nang binigyang pugay sina Luna at Hidalgo sa kanilang panalo sa isang pagtitipon sa Hotel Ingles ng Madrid at sinabing: "Ang pagiging henyo ay walang kinikilalang _________________, sumisibol ito kahit saan."
bansa
lahi
pinagmulan
kultura
Anong kabanata ng nobelang Noli Me Tangere ni Rizal ang ipinakita sa pelikula kungsaan nag-uusap sina Elias at Ibarra patungkol sa rebolusyon at mapayapang reporma?
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Sino ang sinsabing masugid raw na tagapagbasa ng mga isinusulat ni Rizal sa dyaryo at sa kanyang nobela na pinagtawanan nila ni Del Pilar?
mga Indio
mga Prayle
mga Katipunero
mga Gwardiya Sibil
Anong kabanata ng nobelang Noli Me Tangere ni Rizal ang ipinakita sa pelikula kungsaan pinagbabato si Ibarra habang nakasakay siya sa isang kariton?
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Punuan ng tamang salita ang sumusunod na pahayag ni Rizal nangnagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Del Pilar at hinabol siya ni Ponce at sinabihang siya ang posibleng maging presidente at sinabing: "Ang pamumuno ng walang _________________ ay walang silbi."
pagmamahal
pag-uunawaan
pagkakaisa
pagtitiyaga
Sa pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas ay itinatag niya ang (a) .
Ipinatapon si Rizal sa (a) at nakilala si Josephine Bracken.
Tama o Mali - Napabalik si Rizal sa Pilipinas na patungo sana ng Cuba dahil ayon sa Gobernador Heneral na wala siyang magagawa sa bilis ng pagputok ng rebolusyon (a)
Tama o Mali - Pinapapalitan ng Arsobispo ang Gobernador Heneral dahil hindi sila nagkasundo nito sa mga bagay-bagay patungkol kay Rizal (a)
Ang mga sumusunod ay mga pangyayari ayon sa sulat na natanggap ni Rizal mula kay Paciano at kay Leonor maliban sa isa.
Pwersahang pinapaalis ang mga magulang at pamilya ni Rizal matapos itong tumututol sa pagpapalisan sa kanilang bahay.
Pinalayas ang mga tao dahil sa kanilang petisyon ng maling pamamalakad ng mga prayle sa kani-kanilang mga lupa
Nagkaroon ng malaking pag-aalsa sa Calamba kaya nilusob ng mga gwardiya sibil.
Ikinasal si Leonor sa isang Ingles alinsunod sa pakiusap ng ina niya.
Sinong tauhan ng Noli Me Tangere ang madulang pinapalabas na kumakanta sa pelikula na naging mongha / madre na mababasa rin sa huling bahagi ng nobela?
Victoria
Sisa
Donya Consolacion
Maria Clara
Ayon kay Simoun sa nobelang El Filibusterismo na kabanatang pinakita sa pelikula, ano ang hindi na sapat kaya kailangan nang dumanak ng dugo sa gabing iyon?
daing at pahiwatig
rebolusyon
edukasyon at reporma
pananahimik
Alin sa mga sumusunod ang hindi naging depensa na inilahad ni Taviel sa hukuman sa pagdinig ng kaso ni Rizal?
Si Rizal na maynapakatalas na kakayanang intelektwal ay naglalahad lamang ng katotohanan sa kanyang mga panulat sa mapayapang pamamaraan.
Hindi kailanman naging miyembro si Rizal sa KKK.
Hindi kailanman nagproklama si Rizal ng pagkasuklam sa dominyon ng Espanya sa mga nasasakupan nitong mga teritoryo
Ang mga ideyoliya ng tamang pamamahala ng Espanya sa mga Pilipino at mga karapatan nito ang tangi lamang hangad ni Rizal
Idinagdag ni Rizal sa kanyang depensa na _________________
Inabanduna niya ang pakikilahok sa anumang pulitikal na mga gawain at hindi siya sumama kay Pio Valenzuela na tumakas habang siya ay nasa Dapitan.
Tanging hangarin niya sa pagkakaroon ng pagbabago ay sa pamamagitan ng pantay na pagtrato at edukasyon sa lahat.
lahat na nabanggit
wala sa nabanggit
Ang sumusunod ay mga pahayag ni Taviel matapos matalo sila sa kaso at mahatulan ng kamatayan si Rizal maliban sa isa.
"Niloko nila tayo, ginamit lamang nila tayo!"
"Walang patas na hustiya ang ibinigay nila sa'yo!"
"Hindi makatarungan ang nangyari, hindi nila tayo binigyan ng pagkakataong mapag-uusig."
Hiyang-hiya ako sa inyo...dahil isa akong Kastila."
Bakit pinigilan ni Paciano ang plano ni Bonifacio na iligtas si Rizal?
Dahil hindi rin sasang-ayunan ni Rizal na may maraming dugong dadanak para sa kanya.
Dahil kulang ang mga katipuneros ng mga kagamitan at kakayanan sa paglusob.
Dahil mas maraming mga gwardiya sibil ang nagbabantay sa kulungan ni Rizal.
Dahil kapos na sila sa oras at pagpaplano sa pagligtas kay Rizal.
Ang mga sumusunod ay mga bilin ni Rizal sa kanyang ina maliban sa ___________
Kunin agad ang kanyang katawan at ilibing agad sa lupa na may bato, krus at nakasulat ang kanyang pangalan at kapanganakan at kamatayan.
Ilibing siya malapit sa labi ng kanyang mga kaanak.
Kung nais ng kanyang ina ay maari niyang lagyan ng bakod ang kanyang puntod.
Wala paggunita sa anibersaryo ng kanyang kamatayan.
Ipinagbilin ni Rizal sa kanyang mga kapatid na kunin ang kanyang (a) na regalo pa ng pamilya Tavera at sinabihang ito ay may laman sa loob.
Sinong karakter sa kanyang nobela ang madulang pinakita na umuusig kay Rizal na maglalahad siya ng kanyang huling saloobin at kaisipan sa tulang "Me Ultimo Adios"
Juan Crisostomo Ibarra
Simoun
Elias
Pilosopo Tasyo
Anong ibig ipinahiwatig ng eksena sa pelikula kungsaan kabaliktaran sa huling pangyayari ng El Filibusterismo na sumabog ang lampara?
Ang pakikipaglaban sa kalayaan at karapatan ay dapat hindi lamang dahil sa personal na paghihiganti katulad ng motibo ni Simoun sa nobela.
Nagpapakita na hindi na talaga sasapat ang gusto ni Rizal na mapayapang paglaban sa kalayaan ng Pilipinas at kailangan na ang isang rebolusyon.
lahat ng nabanggit
wala sa nabanggit
Bakit tinanggihan ni Taviel ang ibinigay ni Rizal sa kanya.
Dahil nahihiya siya sa ginagawa ng mga Kastila kay Rizal.
Dahil sapat na ang mga ala-alang iniwan niya nito.
Dahil mas kailangan yun' ng mga kapatid ni Rizal.
Dahil marami nang ibinigay na kabutihan si Rizal sa kanya.
Anong paaralan ni Rizal ang nakita niya habang naglalakad na pinagmulan raw ng kanyang mga masasayang araw.
Unibersidad ng Sto. Tomas
Ateneo de Manila
Unibersidad de Madrid
Unibersidad ng Pilipinas
Sinong karakter ng Noli Me Tangere sa huling kabanata ang nagsabing "mamamatay siya bago ang bukang liwayway" na maiuugnay sa kamatayan ni Rizal na namatay bago ang pagsilang ng malayang Pilipinas?
Juan Crisostomo Ibarra
Simoun
Elias
Pilosopo Tasyo
Ano ang huling salita ni Rizal bago siya namatay?
"muchas gracias"
"Fuego"
"Me Ultimo Adios"
"Consummatum est"
