wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

RevYou Hub GenEd Filipino - KAKAYAHANG LINGGWISTIKA

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

“Siya ang aking bana.”

Ang nakasalungguhit na salita ay nabibilang sa anong antas ng wika?

a)

Kolokyal

b)

Lalawiganin

c)

Pambansa

d)

Balbal

2.

“Wichikels ko keri iteys!”

Anong barayti ng wika ang kakikitaan sa pangungusap na ito?

a)

Diyalekto

b)

Ekolek

c)

Creole

d)

Sosyolek

3.

Ikaw ay inutusan ng iyong nanay na bumili ng suka sa tindahan para sa kanyang nilulutong ulam. Anong tungkulin ng wika ang kakikitaan sa sitwasyon?

a)

Interaksyunal

b)

Interpersonal

c)

Instrumental

d)

Regulatori

4.

Palabuuan: Morpema

Palatunugan: __________

a)

salita

b)

ponema

c)

pangungusap

d)

kahulugan

5.

Bakterya, virus, fungus, mikrobyo o iba pang mikroorganismong nagdudulot ng sakit.

a)

Pathogen

b)

COVID-19

c)

Crown Virus

d)

Microorganism

6.

Isang napakaliit na nakahahawang butil na maaaring dumami sa selyula ng buhay.

a)

Mikrobyo

b)

Germs

c)

Virus

d)

Pathogen

7.

Unang yugto ng sakit na walang sintomas na nakikita sa taong nagtataglay ng isang partikular na sakit.

a)

asintomatiko

b)

presintomatiko

c)

sintomatiko

d)

transmisyon

8.

Isang malawakang paglaganap ng sakit sa buong sansinukob sa loob ng isang panahon.

a)

endemya

b)

epidemya

c)

pandemya

d)

trahedya

9.

Ang mga sumusunod ay kabilang sa ponemang malayang nagpapalitan maliban sa:

a)

politika-pulitika

b)

estruktura-istruktura

c)

lalaki-lalake

d)

lobo-loro

10.

Ang salitang ‘bilhin’ ay dumaan sa anong pagbabagong morpoponemiko?

a)

metatesis

b)

pagkakaltas

c)

reduksyon

d)

paglilipat-diin

11.

Sina Regine Velasquez at Sharon Cuneta ay mga tanyag na mang-aawit”. Anong kayarian ng pangungusap ito?

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

12.

Milyon-milyon na ang may kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Anong pang-uring pamilang ang nasa pangungusap?

a)

Palansak

b)

Pamahagi

c)

Pahalaga

d)

Panunuran

13.

“Huwag kang maniwala sa kanya, binobola ka lang niya.” Anong ibig sabihin ng nakasalungguhit na salita?

a)

utuin

b)

magpadala sa mga matatamis na salita

c)

linlangin

d)

ililigaw sa landas

14.

“Nais ni Danielyn na maging nars kaya ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.”

Anong uri ng pangngalan ang nakasalungguhit na salita?

a)

Pantangi

b)

Pambalana

c)

Pananong

d)

Panaklaw

15.

Ang mga salitang blusa, transportasyon, at prito ay nabibilang sa anong uri ng ponemang segmental?

a)

Diptonggo

b)

Kambal-Katinig

c)

Allophone

d)

Pares-Minimal

16.

Ang tunog na nalilikha sa panganganak at pagsipa sa pagsasanay ng martial arts ay mga halimbawa ng anong teorya ng wika?

a)

Pooh-pooh

b)

Yo-he-ho

c)

Sing-song

d)

Tararaboom-de-ay

17.

/Hindi, siya ang kumuha ng bag./

Ano ang ibig sabihin ng pangungusap na ito?

a)

Pag-ako

b)

Pagbintang

c)

Pagdududa

d)

Pagtataka

18.

Pinuntahan ni Gloria ang mall upang bumili ng mga gamit.

Anong pokus ng pandiwa ang pangungusap na ito?

a)

Layon

b)

Sanhi

c)

Ganapan

d)

Direksyonal

19.

Sa Lunes na lang ako pupunta ng paaralan.

Anong pang-abay ang mayroon sa pangungusap na ito?

a)

Pananggi

b)

Pamaraan

c)

Panlunan

d)

Pamanahon

20.

Ano ang tawag sa mga barayti sa loob ng isang wika, gaya ng Sinugbuanong Binisaya at Binul-anong Binisaya?

a)

Diyalekto

b)

Sosyolek

c)

Ekolek

d)

Etnolek