Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO QUIZIZZ BEE

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ilang titik ang bumubuo sa Alpabetong Filipino?

a)

A. 23

b)

B. 28

c)

C. 30

d)

5

2.

Anu-ano ang mga patinig?

a)

A. A, B, C , D, E

b)

B. V, W, X, Y, Z

c)

C. A, E, I, O, U

d)

D. A, B, E, O ,U

3.

Sumakay ka sa dyip. Hindi mo maabot sa drayber ang iyong bayad dahil malayo ang iyong kinauupuan. Ano ang sasabihin mo sa pasahero na pag aabutan mo ng iyong bayad?

a)

A. Makikisuyo po.

b)

B. Salamat po

c)

C. Magandang Umaga po

d)

D. walang anuman po

4.

Ito ay mga salitang nagbibigay ng ngalan o pantawag sa tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.

a)

A. Pandiwa

b)

B. Panghalip

c)

C. Pangngalan

d)

D. Panlapi

5.

Alin sa mga salita ang nakaayos ng paalpabeto?

a)

A. saging, ubas, atis

b)

B. atis, saging, ubas

c)

C. ubas, atis, saging

d)

D. bola, aso, ibon,

6.

Nagpasalamat ang matandang babae sa kabutihan na ginawa sa kaniya ni Dra. Cruz.


Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng anong uri ng pangngalan?

a)

A. Pangngalang Pantangi

b)

B. Pangngalang Pambalana

c)

C. Pangngalan

d)

D. Pangngalang panuri

7.

Masayang naglalaro ang magkapatid habang nagluluto ang kanilang ina. Ang salitang may salungguhit ay nasa anong kailanan ng pangngalan?

a)

A. Isahan

b)

B. dalawahan

c)

C. maramihan

d)

D. apatan

8.

Maagang gumising si nanay para magluto ng almusal. Ano ang kasarian ng pangngalang may salunggihit?

a)

A. Panlalaki

b)

B. Pambabae

c)

C. Di-tiyak

d)

D. Walang kasarian

9.

Ang aking kapatid ay binigyan ng regalo ng kaniyang ninang kaya siya ay masayang masaya.


Alin sa mga sumusunod na salita ang nasa kasariang di-tiyak?

a)

A. regalo

b)

B. ninang

c)

C. kapatid

d)

D. masaya

10.

Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng pangngalan pambalana?

a)

A. kotse

b)

B. Binibining Jen

c)

C. Araw ng Kalayaan

d)

D. Toyota

11.

Ito ay titik o pangkat ng mga titik na bumubuo sa isang salita.

a)

A. Patinig

b)

B. Pantig

c)

C. Pangungusap

d)

D. Parirala

12.

Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapantig sa salitang masiyahin?

a)

A. masi-yahin

b)

B. mas-i-ya-hin

c)

C. ma-si-ya-hin

d)

D. ma-si-yah-in

13.

Ilang pantig mayroon sa salitang telebisyon?

a)

A. 4

b)

B. 3

c)

C. 5

d)

D. 2

14.

Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng pangngalan?

a)

A. malaki

b)

B. Mall of Asia

c)

C. lalangoy

d)

D. marami

15.

Ilan ang kasarian ng pangngalan?

a)

A. 2

b)

B. 3

c)

C. 4

d)

D. 1

16.

Lahat ng mga salita na nasa ibaba ay may dalawang pantig maliban sa salitang:

a)

A. plasa

b)

B. bagyo

c)

C. palaka

d)

D. piso

17.

Alin sa mga sumusunod na salita ang pangngalan pantangi para sa salitang pasyalan?

a)

A. Rizal Park

b)

B. palaruan

c)

C. parke

d)

D. padulasan

18.

Hindi mo sinasadyang matabig ang kaklase mo habang umiinom ng tubig. Natapon ito sa kaniyang uniporme. Ano ang sasabihin mo?

a)

A. Walang anuman po.

b)

B. Paumanhin. Hindi ko sinasadya.

c)

C. Makikisuyo po

d)

D. Maraming salamat po

19.

Ano ang katumbas na pangngalang pambalana ng pangngalang pantangi na Araw ng mga Puso?

a)

A. kulay

b)

B. Pagdiriwang

c)

C. hugis

d)

D. amoy

20.

Masarap magluto ang aking nanay. Ano ang pangngalang ginamit sa pangungusap?

a)

A. akin

b)

B. magluto

c)

C. nanay

d)

D. ang