Font size
WorksheetsMAGBUGTUNGAN TAYO!
Total questions: 20
Worksheet time: 4mins
Heto na ang magkapatid,
nag-uunahang pumanhik.
aso
mga paa
tsinelas
Isang prinsesa,
nakaupo sa tasa.
bayabas
mangga
kasoy
Isang pamalu-palo,
libot na libot ng ginto.
niyog
mais
baton
Nang sumipot sa maliwanag,
kulubot na ang balat.
ampalaya
gabi
kalabasa
Maliit na bahay,
puno ng mga patay.
sementeryo
lamay
posporo
Kung kailan mo pinatay,
saka pa humaba ang buhay.
kandila
tao
pusa
Malambot na parang ulap,
kasama ko sa pangangarap.
unan
kumot
foam
Panakip sa nakabotelya,
yari sa lata.
lata
bote
tansan
Aling mabuting letrato
ang kuhang-kuha sa mukha mo?
salamin
tubig
nanay/magulang
Sinakal ko muna, bago ko nilagari.
bote
biyulin
pusa
Halaman ng dunong, walang dilig maghapon, araw-araw kung bilangin isang taon kung tapusin.
daliri
mga tao
kalendaryo
Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore.
langgam
langaw
pusa
Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo.
aso
tao
kahoy
Nakakaluto’y walang init, umuusok kahit na malamig.
yelo
apoy
init
Sapagkat lahat na ay nakahihipo;walang kasindumi’t walang kasimbaho;bakit mahal nati’t ipinakatatago.
Covid
pera
lupa
Lumalakad nang walang paa, maingay paglapit niya.
hangin
ahas
alon
Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
anino
kaibigan
tao
Buto’t balat lumilipad.
Saranggola
ibon
helicopter
Pag-aari mo, dala-dala mo, datapwa’t madalas gamitin ng iba kaysa sa iyo.
pera
sapatos
pangalan
Kung sa isda, ito ay dagat, kung sa ibon, ito’y pugad, lungga naman kung ahas, kung sa tao, ano ang tawag?
bahay
kahoy
kahon
