WorksheetsASYNCH ACTIVITY 2_AP 9_ARTEMIS
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay:
pamamahala ng negosyo
pakikipagkalakalan
pamamahala ng tahanan
pagtitipid
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan
nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig
pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao
pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao
May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang HINDI kasama sa pangkat?
Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
Dahil limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa
Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
Dinadaluhang okasyon
Kagustuhang desisyon
Opportunity cost ng desisyon
Tradisyon ng pamilya
Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig sabihin nito ay:
Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon.
Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na kongklusyon.
Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.
Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan.
Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming
mahihirap.
Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa.
Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kaya’t nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa.
Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon.
Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
