wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Maikling Pagsasanay (Filipino-8)

Total questions: 40

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Karaniwang patalinghaga na may kahulugang nakatago. Ito’y karaniwang nakasulat nang may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.

a)

Salawikain

b)

Bugtong

c)

Sawikain

d)

Kasabihan

2.

Mga salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga. Isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob.

a)

Salawikain

b)

Bugtong

c)

Sawikain

d)

Kasabihan

3.

Ito’y hindi gumamit ng talinghaga. Payak ang kahulugan at karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

Bugtong

d)

Kasabihan

4.

Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan na nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

a)

Sanaysay

b)

Maikling kuwento

c)

Epiko

d)

Balagtasa

5.

Ano sa salitang Griyego ang ibig sabihin ng Epiko?

a)

Amores

b)

Epos

c)

Agape

d)

Iroas

6.

Mula sa bayan ng Hannanga, isinilang ang isang lalaki na anak ng magkasintahang Amtalao at Dumulao. Ano ang pangalan ng batang ito?

a)

Humadapnon

b)

Panga-iwan

c)

Pumbakhayon

d)

Aliguyon

7.

Gaano katagal naglaban ang mga mandirigmang sina Aliguyon at Pumbakhayon at ni isa sa kanila ang hindi nagpakita ng senyales ng pagkatalo.

a)

1 taon

b)

2 taon

c)

3 taon

d)

4 na taon

8.

Bago mo sikaping gumawa ng mabuti,

kailangan mo munang igayak ang sarili.

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

c)

Sawikain

9.

Lantang Gulay

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

c)

Sawikain

10.

Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan

ay hindi maaasahan.

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

c)

Sawikain

11.

Kabiyak ng Dibdib

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

c)

Sawikain

12.

Ang tunay na kaibigan

sa ligaya at kalungkutan,

ikaw ay sasamahan.

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

c)

Sawikain

13.

Pulutin ang mabuti,

ang masama ay iwaksi.

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

c)

Sawikain

14.

Nagpapakain ma’t masama sa loob,

ang pinakakain hindi nabubusog.

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

c)

Sawikain

15.

Ang gumagawa ng kabutihan,

hindi matatakot sa kamatayan.

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

c)

Sawikain

16.

Walang umaani ng tuwa,

na hindi sa hirap nagmula.

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

c)

Sawikain

17.

Madali ang maging tao,

mahirap magpakatao.

a)

Salawikain

b)

Kasabihan

c)

Sawikain

18.

Ito ay mga bagay na magkakatulad ay pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian.

a)

Paghahawig o Pagtutulad

b)

Oagbibigay Katuturan o Depinisyon

c)

Pagsusuri

19.

Ang mga salitang hindi agad-agad naiintindihan ay kailangang bigyan ng depinisyon. Ito ay mga bagay o kaisipan na kailangang higit na masaklaw ng pagpapaliwanag.

a)

Paghahawig o Pagtutulad

b)

Pagbibigay Katuturan o Depinisyan

c)

PAgsusuri

20.

Nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa't isa.

a)

Paghahawig o Pagtutulad

b)

Pagbibigay Katuturan o Depinisyon

c)

Pagsusuri

21.

Mula sa Mers-cov at Sars-Cov ________ nagkaroon ng isang malaking pamilya ng virus ito ang Coronavirus

a)

Kaya

b)

Sapagkat

c)

Dahil sa

d)

Kung kaya

22.

Ang bagong Coronavirus (NCov) ay hindi pa kilala ng tao ________ isa itong bagong uri ng sakit.

a)

Kaya

b)

Kung kaya

c)

Dahil sa

d)

Bunga nito

23.

Dahil sa sa pag-ubo/pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay ________ ang bagong NCov ay nalamang kumakalat sa hangin

a)

Tuloy

b)

Bunga nito

c)

Dahil sa

d)

Kung kaya

24.

Nagkaroon ng pagsiklab ng isang bagong coronavirus na tinutukoy na Sars Cov2 ________ ang virus ay kumalat sa karamihan ng mga bansa sa mundo.

a)

Kaya

b)

Dahil sa

c)

Bunga nito

d)

Kung kaya

25.

Ito ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, at iba pang nalathalang material maging sa Internet

a)

Bibliograpiya

b)

Balangkas

c)

Pananaliksik

26.

Ito ay isang mapanuri at makaagham na imbestigasyon o pagsisiyasat ng isang bagay, paksa o kaalaman sa pamamagitan ng pangangalap, pagpapakahulugan, pagbubuo, at pag-uulat ng mga ideya nang obhetibo, matapat, at may kalinawan.

a)

Pananaliksik

b)

Bibliograpiya

c)

Pagbabalangkas

27.

Ito ay isinasagawa upang maisaayos ang mga ideyang nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos. Makatutulong ito upang mabigyan ng gabay at direksiyon ang pananaliksik sa simula pa lamang.

a)

Pagbabalangkas

b)

Pananaliksik

c)

Bibliograpiya

28.

Ito ang tawag sa pinal na sipi ng isang sistematikong pananaliksik. Ito ay dapat na nakaayon sa pamantayan o istandard na ibinigay ng guro.

a)

Manuskrito

b)

Balangkas

c)

Bibliograpiya

29.

Sa pagbuo ng balangkas dapat basahin muna nang pahapyaw ang isang tekto bago magtala ng mga paksa o detalye. ·Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa ayos na kronolohikal, mula sa simple patungo sa kumplikadong mga ideya, sanhi at bunga, malawak na paksa patungo sa mga tiyak na ideya, mga tiyak na ideya patungo sa malawak na paksa o lohikal na ayos at iba pa.

a)

Tama

b)

Mali

30.

Sa pagpili ng paksang isusulat, unang bagay na dapat mong isaalang-alang ay kung ito ba ay kawili-wili o naaayon sa iyong interes. Ikalawa, kailangang masiguro kung kakayanin mong gawin ang pananaliksik, at huli ay ang pagpili sa paksang may sapat na malilikom na datos.

a)

Tama

b)

Mali

31.

Sa pag-lilimita ng paksa, Huwag gawing batayan ang sakop ng panahon, sakop ng edad, sakop ng kasarian, sakop ng grupong kinabibilangan, sakop ng anyo o uri, at sakop ng perspektiba.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Ang sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng panimula sa kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, ang katawan na kababasahan ng pinalawig na balangkas at ang iyong kongklusyon na nagsasaad ng buod ng mga natuklasan sa iyong pananaliksik.

a)

Tama

b)

Mali

33.

Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para mamataan ang mga kamaliang nagawa na kailangang maiwasto. Huwag madaliin ang pagrerebisa upang maingat na maiwasto ang bawat pangungusap at walang makalampas na mali.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Ito ay paglalarawan ng antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, hayop, ideya o pangyayari

a)

Pangungusap

b)

Paghahambing

c)

Karunungang Bayan

d)

Epiko

35.

ginagamit ito kung patas o magkatulad ang katangian ng inihahambing. Ginagamitan ito ng panlaping magka-, kasing-, sing-,sim-, magsing- o kaya mga salitang gaya, tulad, kapwa, pareho at paris.

a)

Paghahambing

b)

Paghahambing na Magkatulad

c)

Paghahambing na 'Di-Magkatulad

36.

kung ang inihahambing ay mas malaki o nakahihigit sa isa sa pinaghahambing. Ginagamit ang mga salitang higit, lalo, mas o di-hamak

a)

Paghahambing na Magkatulad

b)

Pasahol

c)

Palamang

37.

Kung ang inihahambing ay mas maliit o kulang sa katangian ang isa sa pinaghahambing. Ginagamit ang mga salitang lalo,di-gaano, di-gasino at dimasyado

a)

Paghahambing

b)

Palamang

c)

Pasahol

38.

Siya ay isang matapang na mandirigma at kilala sa kanyang kahariang Bumbaran dahil sa naipanalo niyang digmaan at labanan.

a)

Prinsipe Bantugan

b)

Aliguyon

c)

Pumbakhayon

39.

Siya ang haring naiinggit sa katanyagan ng kanyang kapatid kaya ipinagbawal niya sa kanyang mga nasasakupan na huwag kausapin si Prinsipe Bantugan.

a)

Haring Madali

b)

Haring Solomom

c)

Haring Maskoyaw

40.

Saan nagmula ang epiko ng Bantugan?

a)

Ifugao

b)

Mindanao

c)

Kapampangan