WorksheetsFilipino 8 1st Unit Test 2021
Total questions: 40
Worksheet time: 50mins
I.
PANUTO :
A. Punan ng wastong salita upang makumpleto ang salawikain.
1. Daig ng (a) ang taong masipag.
2. Aanhin pa ang damo kung patay na ang (a) .
3. Mabuti pa ang kubo na nakatira ay tao kaysa sa bahay na bato na ang nakatira ay
(a)
Nasa (a) ang awa, nasa tao ang gawa.
5. Hampas sa kalabaw, sa (a) ang latay.
PANUTO:
B. Ibigay ang sagot na tinutukoy sa bugtong
6. Buto’t balat lumilipad.
(a)
7. Kung kailan mo pinatay saka humaba ang buhay.
(a)
8. Baboy ko sa pulo, ang balahibo ay pako.
(a)
9. Magandang prinsesa nakaupo sa tasa.
(a)
10. Tungkod ni apo hindi mahipo.
(a)
II.
PANUTO: Tukuyin ang kahulugan ng talinghagang may salungguhit sa pangungusap. Isulat sa patlang
ang titik ng angkop na sagot.
____________________ 11. Itinaga ni Rachel sa bato ang bilin ng kanyang mga magulang na maging magalang sa mga nakatatanda.
inalam
kinalimutan
tinandaan
tumalima
____________________12. Nakatutuwa si Andrei sapagkat malakas ang loob niyang magsalita sa harap ng madla.
duwag
kumpiyansa
maawain
magagalitin
____________________ 13. Mababaw ang luha ni Isabel sa mga palabas na nakaiiyak at nakaaantig ng damdamin.
mapagmataas
mapagmahal
madaling umiyak
maawain
____________________ 14. Hanggang ngayon ay nagbibilang pa rin ng poste si Ted kahit nagtapos na siya.
walang trabaho
walang salapi
mayaman
mahirap
____________________ 5. Tunay na matalas ang utak ni Lily sapagkat nagwagi na siya ng maraming karangalan sa iba’t ibang paligsahan.
magaling
mahusay
mayaman
matalino
____________________ 16. Ang dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Ito ay tumutukoy sa mga holen na inihagis.
Ito ay tumutukoy sa mga batong na ibinato nang malakas.
Ito ay tumutukoy sa mga matang nakaabot ang tingin sa
malayo.
Ito ay tumutukoy sa mga bolang ginagamit sa soccer.
____________________ 17. Ang baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Ito ay tumutukoy sa rambutan.
Ito ay tumutukoy sa langka.
Ito ay tumutukoy sa guyabano.
Ito ay tumutukoy sa durian.
____________________ 18. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Ito ay tumutukoy sa libingan.
Ito ay tumutukoy sa posporo.
Ito ay tumutukoy sa kahon.
Ito ay tumutukoy sa kandila.
____________________ 19. Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Ito ay tumutukoy sa upo.
Ito ay tumutukoy sa bataw.
Ito ay tumutukoy sa sinturon.
.Ito ay tumutukoy sa sitaw.
____________________ 20. Sandata ng mga paham, papel lamang ang hasaan.
Ito ay tumutukoy sa itak.
Ito ay tumutukoy sa espada.
Ito ay tumutukoy sa bolpen.
Ito ay tumutukoy sa tsok.
III.
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat bilang at ibigay ang wastong sagot.
21. Nagsisilbing daan upang maipahayag ang mga kaisipan ng isang partikular na kultura o pangkat bago pa man dumating ang mga Kastila.
(a)
22. Ito ay isang uri ng laro na nagpapatalas sa isip. Ito ay binubuo ng isang pangungusap o tanong na may nakatagong kahulugan na nangangailangan ng tiyak na kasagutan.
(a)
23. Binubuo ng matalinghagang pahayag na ginagamit ng matanda noong unang panahon upang mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihan at kagandahang asal.
(a)
24. Ito ay pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangontra sa masasamang espiritu at isa rin sa paraan ng pagbibigay ng respeto.
(a)
25. Ito ay matatalinhagang salita na karaniwang ginagamit sa pang-araw araw na buhay na tinatawag ring idyoma.
(a)
III.
PANUTO: Basahin ang bawat pahayag at alamin kung ito ay SALAWIKAIN, SAWIKAIN, KASABIHAN, BUGTONG, PALAISIPAN o BULONG.
26. Ang may malinis na kalooban ay walang kinakatakutan.
Salawikain
Kasabihan
Palaisipan
Sawikain
Bugtong
27. Ang bait ng bata, sa matanda nagmumula.
Salawikain
Kasabihan
Palaisipan
Sawikain
Bugtong
28. Bakal ang kalooban.
Salawikain
Kasabihan
Palaisipan
Sawikain
Bugtong
Kawangis niya'y taoo magaling mang-uto, mataas kung lumukso.
Salawikain
Kasabihan
Palaisipan
Sawikain
Bugtong
Walang ilaw ang mata.
Salawikain
Kasabihan
Palaisipan
Sawikain
Bugtong
Nakakalakad ako sa lupa, Nakakalangoy din ako sa sapa,
Nakakalipad din ako ng kusa
Salawikain
Kasabihan
Palaisipan
Sawikain
Bugtong
Ang ilong ni Pot-pot Sisinghot-singhot Pag siya’y nagbahing
Sipo’y sumasabay din
Salawikain
Kasabihan
Palaisipan
Sawikain
Bugtong
May isang bilog na bahay. Ang lolo ay napatay. Ang suspek ay ang ate, kuya, tatay, nanay, at lola. Ito ang sabi ni ate: gumawa ako ng HM - Kuya: nasa eskwelahan ako -
tatay: nagtatrabaho - nanay: nasa palengke -
lola: naglilinis ako sa sulok. Sino ang pumatay sa lolo?
Salawikain
Kasabihan
Palaisipan
Sawikain
Bugtong
Kung gusto mo iha, kikinis ang mukha , Lagyan ng itlog o papayang hinog . Ipahid ang kamatis . Tiyak na kikinis . Ikuskos ang kalamansi .
Salawikain
Kasabihan
Palaisipan
Sawikain
Bugtong
Ubos-ubos biyaya , pagkatapos nakatunganga.
Salawikain
Kasabihan
Palaisipan
Sawikain
Bugtong
IV.
PANUTO: Piliin ang kahulugan ng bawat pahayag.
"Iguhit sa tubig"
sumuong sa panganib
sumama sa agos
kalimutan
"sumugba sa ningas"
sumuong sa panmganib
masama ang ugali
paghahanap ng tsismis
"kabagang"
mayabang
kaibigan
matapang
"binuksan ang dibdib"
pinatay
inoperahan
nagtapat
"di mahapayang gatang"
paghahanap ng kapalaran
masakit magsalita
hindi nagpapatalo
nagiging mayabang
