wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ika-unang Buwanang Pagsusulit sa Filipino 4

Total questions: 35

Worksheet time: 35mins

Name
Class
Date
1.

sino ang bida sa kwentong "Sipag at Tiyaga"?

a)

Robert Cañete

b)

Rolando Cañete

c)

Ricardo Cañete

d)

Reynaldo Cañete

2.

Ano ang katungkulan sa kanilang bayan ng bida sa kwento?

a)

Vice Mayor

b)

Mayor

c)

Gobernador

d)

Konsehal

3.

Siya ang may-ari ng pagawaan ng dyip

a)

Vic Amonte

b)

Victor Almonte

c)

Victor Amante

d)

Vic Amante

4.

Alin sa mga sumusunod ang hindi trabaho ni Lando?

a)

pagmamanukan

b)

pagsasaka

c)

seaman

d)

ahente ng pampasadang dyip

5.

Alin sa mga sumusunod ang sikreto ni Lando sa pagkamit ng tagumpay? (3)

a)

sipag

b)

balat-sibuyas

c)

tiyaga

d)

determinasyon

e)

ningas-kugon

6.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Bilisan mo! May ahas ata rito sa kinatatayuan ko.

a)

Pautos

b)

Padamdam

c)

Pakiusap

d)

Pasalaysay

7.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Huwag kang manood ng mga palabas na hindi kaaya-aya para sa iyong edad.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

8.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Nagkainitan ang magkaibigan dahil sa maling impormasyon na ibinalita sa kanila.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

9.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Puwede mo ba akong turuan mag-bake ng custard cake?

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

10.

Piliin sa ibaba ang pangungusap na may naiibang uri ayon sa gamit.

a)

Iyan talagang si Buknoy, sakit sa ulo!

b)

Tulong! May sunog.

c)

Aray! Napaso ako.

d)

Huwag mo akong iwan.

11.

Piliin sa ibaba ang pangungusap na may naiibang uri ayon sa gamit.

a)

Ano ba talaga ang nais mong sabihin?

b)

Puwede bang unawain mo pa ako?

c)

Nahihirapan ka na ba?

d)

Saan mo nakita ang damit kong ito?

12.

Ang bantas na ginagamit sa pakiusap ay __________________.

a)

tuldok

b)

tukdok at tandang pananong

c)

tukdok at tandang padamdam

d)

tandang pananong at tandang padamdam

13.

Anong uri ng pangungusap ang nagsasalaysay o nagbibigay ng impormasyon?

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Padamdam

14.

Aling uri ng pangungusap ang ginagamitan ng mga salitang pwede ba, maari ba at mga panlaping maki- at paki- ?

a)

Pautos

b)

Padamdam

c)

Pakiusap

d)

Pasalaysay

15.

Anong uri ng pangungusap ang nagpapahayag ng pagkatuwa, pagkagalit o pagkalungkot?

a)

Padamdam

b)

Pasalaysay

c)

Pautos

d)

Patanong

16.

Alin sa mga sumusunod ang inuulit na ganap?

a)

tatakbo

b)

bali-balita

c)

matalinong-matalino

d)

tahi-tahimik

17.

Alin sa mga sumusunod ang inuulit na di-ganap?

a)

susulat

b)

gulong-gulo

c)

kain-kain

d)

lahat-lahat

18.

Alin sa mga sumusunod ang tambalang ganap?

a)

hanapbuhay

b)

dalagang-bukid

c)

akyat-bahay

d)

silid-aklatan

19.

Alin sa mga sumusunod ang tambalang di-ganap?

a)

balat-sibuyas

b)

anak-pawis

c)

bahaghari

d)

bungang-kahoy

20.

Anong panlapi mayroon ang salitang TAKBUHAN?

a)

kabilaan

b)

gitlapi

c)

laguhan

d)

hulapi

21.

Naglinis ng bahay si Ate Nita ng umaga bago pumasok sa trabaho.

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

22.

Si Lisa ay naglaba ng mga damit at nagplantsa ng mga uniporme

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

23.

Sabay-sabay na inawit ng mga mag-aaral ang Lupang Hinirang.

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

24.

Sa bahay-ampunan lumaki si Ester.

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

25.

Umakyat ng kabundukan ang mga magkakaibigan kahit na tanghaling-tapat.

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

26.

Ito ang takip ng aklat. Karaniwan itong may matingkad na larawan upang makatawag pansin sa mambabasa.

a)

Katawan ng aklat

b)

Pahina ng pamagat

c)

Glosari

d)

Pabalat

27.

Makikita sa bahaging ito kung sino ang nagpalimbag ng aklat at kung kailan ito ipinalimbag.

a)

Pabalat

b)

Paunang Salita

c)

Karapatang Sipi

d)

Indeks

28.

Nakasaad dito ang dahilan kung bakit isinulat ng may-akda ang aklat kasama ang paliwanag sa paggamit nito.

a)

Pahina ng Karapatang Sipi

b)

Paunang Salita

c)

Talaan ng Nilalaman

d)

Bibliograpi

29.

Nakasulat dito ang pangalan, mga paksa na nakaayos nang paalpabeto, at ang pahina kung saan ito matatagpuan sa aklat.

a)

Bibliograpi

b)

Indeks

c)

Pabalat

d)

Talaan ng Nilalaman

30.

Nakatala rito ang pangalan ng manunulat at aklat na pinagkunan ng may-akda ng ilang mahahalagang impormasyon.

a)

Bibliograpi o Talasanggunian

b)

Indeks

c)

Glosari

d)

Phina ng Pamagat

31.

Nakatala rito ang mga kahulugan ng mahihirap na mga salitang ginamit sa aklat.

a)

Glosari

b)

Talaan ng Nilalaman

c)

Pabalat

d)

Pahina ng Karapatang Sipi

32.

Alin sa mga larawang ito ang tumutukoy sa "Pabalat."?

a)
b)
c)
33.

Alin sa mga larawang ito ang tumutukoy sa "Talaan ng Nilalaman."?

a)
b)
c)
d)
34.

Ito ay isang nakasulat o nakalimbag na gawa na binubuo ng mga pahina. Naglalaman din ito ng mahahalagang detalye na iyong mababasa. Ano ito?

a)

lapis

b)

kwaderno

c)

aklat

d)

krayola

35.

Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung tama ang paggamit ng aklat.

a)

Punitin ang pahina ng aklat para maipabasa mo ang bahaging

ito sa iyong kaibigan.

b)

Ilagay sa kabinet ang aklat pagkatapos basahin para hindi madumihan.

c)

Laging magbasa ng aklat para matuto ng iba’t ibang mga bagay.

d)

Guhitan ng mga di ka nais-nais na guhit ang bawat pahina ng

aklat.