wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Test in AP 9 (Module 1-3)

Total questions: 30

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

1. Ang salitang Ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos na nangangahulugang bahay at nomos na _____.

a)

a. sambahayan

b)

b. pamamahala

c)

c. pagpapasya

d)

d. pagdedesisyon

2.

2. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?

a)

a. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.

b)

b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kanyang pagdedesisyon.

c)

c. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.

d)

d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

3.

3. Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad. Ang sambahayan ay tumutukoy sa ___.

a)

a. Sektor na binubuo ng lahat ng tao na nagnanais na matugunan ang pangangailangan at kagustuhan.

b)

b. Sektor na kinabibilangan ng mga manggagawa na nagbibigay ng serbisyo sa transportasyon.

c)

c. Sektor na kinabibilangan ng mga taong nangangasiwa sa pagbebenta ng mga tapos na produkto.

d)

d. Sektor na kinabibilangan ng mga tao na nag-aayos sa suliraning pangkabuhayan ng isang pamayanan.

4.

4. Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng choices. Sa pagproseso ng pagpili hindi maiiwasan ang trade-off. Ang trade-off ay nangangahulugang ____.

a)

a. Pagbuo ng matalinong desisyon sa pagpili.

b)

b. Pagbibigay ng insentibo sa ginawang produkto o serbisyo.

c)

c. Pagpili o pagsakripisyo sa isang bagay kapalit ng ibang bagay.

d)

d. Pagsusuri sa pakinabang na ibibigay ng desisyong pinagpasyahan.

5.

5. Sa ginagawang pagsasakripisyo ay may opportunity cost. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa ___.

a)

a. Pagtukoy sa halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit.

b)

b. Bahagi ng ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng pagpipilian.

c)

c. Pagsusuri sa pagpipilian sa pagbuo ng mainam na pagpapasya.

d)

d. Pagsasaalang-alang ng mga bagay na matututunan mula sa desisyon na pinili.

6.

6. Ang paggawa ng desisyon ay isinasaalang-alang ang karagdagang benepisyo na tinatawag na marginal thinking. Ito rin ay tumutukoy sa ____.

a)

a. Proseso ng pagpili mula sa mga choice.

b)

b. Karagdagang halaga o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.

c)

c. Mahalagang makabuo ng matalinong desisyon sa bawat produkto o serbisyong pagpipilian.

d)

d. Handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.

7.

7. Nakatanggap ka ng premyo o reward na kakabit ng ginawa mong desisyon. Anong kosepto ng Ekonomiks ang tinutukoy dito?

a)

a. Trade-off

b)

b. Opportunity Cost

c)

c. Marginal Thinking

d)

d. Incentives

8.

8. Si Ana ay nag-ipon upang makabili ng Skechers na sapatos. Subalit nagkaroon ng pandemic. Dahil dito kinailangan niya ang laptop para sa online learning. Mas kailangan nya sa kanyang pag-aaral ang laptop kaya ito ang kanyang binili.

a)

Trade-off

b)

Opportunity Cost

c)

Marginal Thinking

d)

Incentives

9.

9. Sa pagsisimula ng pasukan si Diane ay 1st College. Kinakailangan niyang magdesisyon kung architecture o engineering ang kursong kanyang pag-aaralan. Anong konsepto ng Ekonomiks ang ipinapakita ng sitwasyon?

a)

Trade Off

b)

Opportunity Cost

c)

Incentives

d)

Marginal Thinking

10.

10. Upang makabili pa rin ng Skechers, si Ana ay pumunta sa Ukay-Ukay at doon bumili ng kaparehong brand pero sa mas murang presyo. Dahil dito may natira pa siya sa kanyang pera at naidagdag nya ito sa kanyang ipon.

a)

Trade Off

b)

Opportunity Cost

c)

Incentives

d)

Marginal Thinking

11.

11. Nang makita ng mga magulang ni Violy ang mataas niyang marka ay binilhan siya ng bagong cellphone.

a)

Trade Off

b)

Opportunity Cost

c)

Incentives

d)

Marginal Thinking

12.

12. Nagpunta si James sa mall upang bumili ng paborito niyang brand na pantalon. Subalit may nagustuhan siyang ibang brand. Sa huli ito, ang binili niya dahil na mas maganda at mas mura.

a)

Trade Off

b)

Opportunity Cost

c)

Incentives

d)

Marginal Thinking

13.

13. May quiz bukas sa AP, gustong manood ni Arvin ng basketball. Nag-isip siya kung magrereview o manonod siya. Kung magrereview siya makakakuha siya ng mataas na marka. Kung manonood siya makikita nya ang paglalaro ng kanyang idol. Pinili nya ang pagrereview dahil maaari pa siyang makakuha na mataas na grades.

a)

Trade Off

b)

Opportunity Cost

c)

Incentives

d)

Marginal Thinking

14.

14. May natirang 50 pesos si Karyl mula sa kanyang pamimili. Nakaramdam siya ng gutom kaya pumasok siya sa Jollibe upang mag snack. Pagpasok nya dito natakam siya sa coke float. Kung ikaw si Karyl, alin ang pipiliin mo: hamburger o coke float? Anong konsepto ng Ekonomics ang ipinapahiwatig sa pangungusap?

a)

Trade Off

b)

Opportunity Cost

c)

Incentives

d)

Marginal Thinking

15.

15. Upang mabigyan ng proteksiyon ang mga mamamayan laban sa Covid-19 hinikayat ng pamahalaan na unang mabigyan ng vaccine ang mga senior citizen at frontliner. Ano ang katanungang pang ekonomiko ang sinasagot ng sitwasyong ipinahayag?

a)

a. Ano ang gagawin?

b)

b. Paano gagawin?

c)

c. Para kanino ?

d)

d. Gaano karami?

16.

16. Bilang kasagutan sa tanong na “Paano gagawin?”, anong ahensiya ng pamahalaan ang namahala sa pagbibigay ng SAP?

a)

a. Department of Health

b)

b. Department of Education

c)

c. Department of Social Welfare and Development

d)

d. Department of Finance

17.

17. Sinabihan ka ng magulang mo na ibibili ka ng iPhone kapag napasama ka sa Top 10 sa klase. Ang iPhone ay maaaring makaganyak sayo na piliing mag-aral kaysa maglaro. Anong konsepto ng Ekonomiks ang ipinapahiwatig sa pangungusap?

a)

a. Trade Off

b)

b. Opportunity Cost

c)

c. Incentives

d)

d. Marginal Thinking

18.

18. Ayaw na ayaw mong sumali sa mga contest sa school, pero dahil sabi ni Mam may plus 5, kaya ikaw na mismo ang nagvolunteer na sumali. Anong konsepto ng Ekonomiks ang ipinapahiwatig sa pangungusap?

a)

a. Trade Off

b)

b. Opportunity Cost

c)

c. Incentives

d)

d. Marginal Thinking

19.

19. Pangunahing batayan sa pag-aaral ng ekonomiks ay ang suliranin ng kakapusan. Bakit nagkakaroon ng kakapusan?

a)

a. Dahil sa mapang-abusong paggamit ng likas na yaman

b)

b. Dahil sa mga kalamidad na pumipinsala sa pinagkukunang yaman

c)

c. Dahil sa mapagsamantalang negosyante na minamanipula ang suplay ng mga produkto

d)

d. Dahil limitado ang pinagkukunang-yaman subalit walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

20.

20. Kung ikaw ay isang rasyunal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?

a)

a. Isinasaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan.

b)

b. Isinasaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon.

c)

c. Isinasaalang-alang ang relihiyon, paniniwala, mithiin at tradisyon.

d)

d. Isinasalang-alang ang trade-off at opportunity cost sa pagdedesisyon.

21.

21. Sa kulturang Pilipino, ito ang bansag o tawag sa mga lalaki o ama na gumagawa ng mga gawaing bahay at napapasailalim sa asawang babae.

a)

a. Gender Bias

b)

b. Househusband

c)

Coping Mechanism

d)

Under the Saya

22.

22.Tawag sa isang may asawang lalaki na siyang nananatili sa tahanan upang gampanan ang mga gawaing bahay dahil nagtatarabaho si nanay.

a)

Gender Bias

b)

Househusband

c)

Coping Mechanism

d)

Under the Saya

23.

23. Tumutukoy sa pagbibigay ng mas mataas na pagkiling sa isang kasarian kumpara sa iba.

a)

Gender Bias

b)

Househusband

c)

Coping Mechanism

d)

Under the Saya

24.

24. Sa konteksto ng pamilya, tumutukoy ito sa anumang desisyon o gawain na ang pangunahing layunin ay makaagapay sa suliranin kinakaharap.

a)

Gender Bias

b)

Househusband

c)

Coping Mechanism

d)

Under the Saya

25.

25. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagiging gender bias?

a)

a. Karamihan sa grupo ay babae kaya babae ang napiling lider.

b)

b. Si Allen ang ginawang presidente ng klase dahil siya ang pinakamatalino?

c)

c. Malakas si Dan sa mayor kaya siya ang nakakuha ng mataas na posisyon sa kanilang kompanya.

d)

d. Sa tingin ng kanilang mga magulang mas dapat napag-aralin si Josh kaysa sa ate niya dahil ito ang magdadala ng pamilya.

26.

26. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng isang househusband?

a)

a. Tumutulong ang ama sa paglalaba ng kanyang asawa kapag wala siyang pasok sa trabaho.

b)

b. Tinutulungan ni tatay ang kanyang mga anak sa kanilang homework pagkagaling niya sa trabaho.

c)

c.Magkatulong na ginagawa ni nanay at tatay ang mga gawaing bahay kahit pareho silang may trabaho.

d)

d. Ginagawa ni tatay ang lahat ng gawaing bahay dahil walang siyang trabaho at ang nagtatrabaho ay si nanay.

27.

27. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng Coping Mechanism?

a)

a. Nawalan ng trabaho si tatay kaya’t huminto muna sa kolehiyo si kuya o ate para magtrabaho at makatulong sa pamilya.

b)

b. Si tatay ang gumagawa ng mga household chores dahil nagtatrabaho si nanay.

c)

c. Si Mike ang piniling lider dahil mas popular siya sa mga magkaklase.

d)

d. Si nanay ang naglalaba at nagluluto dahil sa paniniwalang ang babae ay pangbahay lamang.

28.

28. Si Tonyo ang nagluluto, naglalaba at naghuhugas ng pinggan habang ang kanyang asawa ay nakikipagkuwentuhan sa kapitbahay. Ipinapahayag ng pangungusap na si Tonyo ay ___.

a)

Gender Bias

b)

Househusband

c)

Coping Mechanism

d)

Under the Saya

29.

29. Kahit nagkakaedad na, si Mang Berto ay maghapon sa pagpapadyak dahil naniniwala siya na responsibilidad nya na itaguyod nya ang kanyang pamilya dahil siya ang lalaki. Ipinapahiwatig ng pangungusap ng pagiging ___.

a)

Gender Bias

b)

Househusband

c)

Coping Mechanism

d)

Under the Saya

30.

30. Bakit kahanga-hanga ang mga househusband ng isang pamilya?

a)

a. Dahil ito ay isang pagkakataon upang mas mapalapit siya sa kaniyang mga anak.

b)

b. Kinakailangang magpaiwan sa loob ng tahanan upang gawin ang mga gawaing dating ginagawa ng ina na ngayon ay nagtatrabaho.

c)

c. Nananatili sa tahanan upang gampanan ang mga gawaing bahay.

d)

d. Lahat nang nabanggit