wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Gawaing Pasulat - 1MA2

Total questions: 30

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Ang talinhaga tungkol sa tatlong alipin ay mula sa bansang Syria.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

2.

Ang banghay ng parabula ay maaaring may sangkap ng misteryo.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

3.

Ang kagandahang-asal ay mga bagay na nagagawa natin nang mabuti, hindi para sa sarili kundi para sa kapakanan ng nakararami.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

4.

“At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa.” Ang pahayag ay naglalahad ng kabutihan.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

5.

Ang paggamit ng po at opo ay tanda ng pagkakaroon ng kabutihang-asal.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

6.

Ang parabula ng asarol ay salaysay ng buhay ng isang dating mangingisda.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

7.

Parehong hindi naluluma o klasiko ang mga salaysay sa mitolohiya at parabula.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

8.

Nagkakapareho ang parabula at mitolohiya sa paniniwalang panrelihiyon ng mga bumuo nito.

a)

Opo

b)

Hindi po.

9.

Ang parabulang 'Ang Tusong Katiwala' ay tumutukoy sa tatlong aliping binigyan ng salapi ng kanilang amo bago ito maglakbay.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

10.

"Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos."


Ang tinutukoy sa bersikulo ay karangyaan.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

11.

Marahas ang paraan ng pagpaparusa sa mga makasalanan sa bibliya.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

12.

Ang gintong salaping ibinigay ng amo sa kaniyang tatlong alipin ay sumisimbolo sa mga talento na mayroon ngayon ang bawat isa.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

13.

Ang parabula ay mula sa salitang Griyego na ‘parabole’ na nangangahulugang pagtatabi ng dalawang bagay upang pag-isahin.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

14.

Nagkakaiba ang mito at parabula sa pagiging makatotohanan ng mga salaysay nito.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

15.

Walang aliping maaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon. -Lukas 16:13


Ang dalawang panginoon na tinutukoy sa bersikulo ay ang Diyos at kayamanan.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

16.

Sa balarila, hindi matutukoy ang emosyon sa pamamagitan ng mga bantas na ginamit sa pahayag.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

17.

Ang paggamit ng mga negatibong ekspresyon na hindi at wala ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

18.

Ang pagtayo nang tuwid at paglalagay ng kanang kamay sa kaliwang dibdib habang inaawit ang pambansang awit ay pagpapakita ng kagandahang-asal.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

19.

Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.”


Ang nasa itaas ay nagpapakita ng elemento ng parabula na tauhan.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

20.

Ang pagsasalaysay ay pagpapahayag na may layuning makapagbahagi ng katuwiran.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

21.

Ang mga pag-ugnay na nagpapahayag ng kaugnayang lohikal ay ginagamit sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

22.

Ang paggamit ng mga ekspresyong napaka-, sobra, talaga, at pag-uulit ng salita ay nagpapahiwatig ng mataas na antas ng emosyon.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

23.

Ang buhay mo’y walang patid ng hibla ng pagtataksil

sa sarili, lipi’t angkan, sa bayan mong dumarating!


Pagkamuhi ang nangingibabaw na emosyon sa mga taludtod.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

24.

Sobrang sipag ng mga magsasaka sa ating bansa!


Pag-aalinlangan ang nangingibabaw na emosyon sa mga taludtod.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

25.

Pagod siya sa buong araw na pag-aaral ngunit pursigido siyang dapat mapanalunan ang kampeonato.


Ang salitang may salungguhit ay pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

26.

Dahil sa kakulangan ng oras sa umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa gabi na lamang siya mag-eensayo kaya nagbunga ito nang maganda at natuwa ang kaniyang mga magulang.


Makakakita ng 3 pang-ugnay sa pangungusap sa taas.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

27.

Samantala, habang siya’y nakatayo sa springboard ng pool na may taas na

tatlumpung talampakan, dahan-dahan niyang itinataas ang kaniyang dalawang kamay, ___ umayos nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon nang biglang nag-brownout.


Ang nawawalang pang-ugnay ay pero.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

28.

Unang tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis.


Ang salitang may salungguhit ay pang-ugnay na naglalahad ng pagdaragdag at pag-iisa ng mga impormasyon.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

29.

Ang katotohanan na nangibabaw sa parabulang 'Ang Tusong Katiwala' ay pagkakaroon ng mga taong nakapaligid sa iyo na hindi totoo.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

30.

Ang asarol ng monghe sa parabula ng asarol ay sumisimbolo sa mga materyal na bagay na hindi mabitawan ng tao.

a)

Opo.

b)

Hindi po.