Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q3 Filipino 10 Mastery Test (Part 2)

Total questions: 25

Worksheet time: 1hrs 15mins

Name
Class
Date
1.

Naalala ko pa noon, kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran. Kung saan, ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil inisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

Kung susuriin ang ating binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang taglay nito?

a)

ito ay napapanahon

b)

mahusay ang sumulat

c)

kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat

d)

Ito ay pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng pagpapahayag

2.

Sa salaysay na nabanggit, anong aral ang nais iparating nito?

a)

katapatan sa bayan

b)

pagpapahalaga sa kapwa

c)

pagpaparaya para sa kapakanan ng iba

d)

mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan

3.

Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon,kaisipan at ideyang binibigkas sa harap ng maraming tao.

a)

tula

b)

sanaysay

c)

talumpati

d)

balagtasan

4.

Ito ay matagal nang ipinaglaban ni Pangulong Manuel L. Quezon upang mas magkaunawaan ang bawat Pilipino.

a)

lahi

b)

watawat

c)

katarungan

d)

Wikang Pambansa

5.

Ang itinuturing na bayani ng South Africa dahil sa pagsisikap niya na maangkin nito ang Kalayaan ay si ____

a)

Okonkwo

b)

Mullah Nassreddin

c)

Liongo

d)

Nelson Mandela

6.

Ano ang maaaring dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa?

a)

pakikipag-ugnayan sa ibang bansa

b)

pagkakaroon ng matalinong pinuno

c)

pagkakaroon ng maraming empleyado

d)

di pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay

7.

ANALOHIYA - Ugnayan ng mga salita

puso: katawan::prutas: ________

a)

bunga

b)

dahon

c)

puno

d)

ugat

8.

Alin ang pares na magkasingkahulugan?

a)

lungkot - lumbay

b)

bukas-palad- mapagbigay

c)

masipag-tamad

d)

anak-pawis-mayaman

9.

ANALOHIYA - Ugnayan ng mga salita

malayo: malapit ::____________:__________

a)

masipag: mapagkatiwalaan

b)

madilim:takipsilim

c)

lugmok:sawi

d)

mabuti:masama

10.

“Kung hindi na makikinig, lagot ka sa tatay mo!”, ito ay pahayag na may kasamang _____________.

a)

panunumbat

b)

pananakot

c)

pag-aalinlangan

d)

pag-aanyaya

11.

Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang tumatak sa pagkatao ng kanyang amang si Unoka sa kanilang pamayanan. Tamad, baon sa utang, mahina at walang kuwenta sapagkat ni isang laban ay walang naipanalo ang kanyang ama. Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang kanyang kapalaran. Nagsumikap maiangat ang buhay, nagkaroon ng maraming ariariang sapat upang magkaroon ng tatlong asawa, titulo sa mga laban at higit sa lahat, pagkilala mula sa mga katribo.

Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo?

a)

gusto niyang maghiganti sa kanyang ama

b)

mahina ang kanyang ama

c)

gusto niya ang karangalan, pangalan at katanyagan

d)

dahil walang kuwenta ang kanyang ama

12.

Anong siglo naging makapangyarihan si West Africa ang Imperyong Mali na kilala rin sa tawag na Imperyong Mading na pinamumunuan ni Sundiata?

a)

1235 hanggang 1521

b)

1230 hanggang 1600

c)

1240 hanggang 1700

d)

1230 hanggang 1800

13.

Naalala ko pa noon, kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran. Kung saan, ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil inisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

Nang nahulog ang isa niya tsinelas, ay itinapon din niya sa dagat ang kapares nito, bakit kaya niya ito ginagawa?

a)

bibili nalang siya ng bagong tsinelas

b)

hindi na niya kailangan ang tsinelas na iyon dahil wala nang kapares

c)

upang makinabangan kung sino man ang makadampot

d)

nagagalit siya sa pagkahulog ng kanyang tsinelas kaya niya itinapon ang kapares nito

14.

Ang tawag sa pamamahala ng mga kababaihan sa pagsasalin ng trono_________________.

a)

millennial

b)

matrilinear

c)

patrilinear

d)

generation x

15.

Isang kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layunin nitong makapagpabatid ng magandang karanasan na kapupulutan ng aral

a)

anekdota

b)

dula

c)

nobela

d)

talumpati

16.

Ang ilaw na iyang maganda sa mata Na may liwanag nang kahali-halina Dapat mong layuan, iyo’y palamara Pinapatay bawat malapit sa kaniya

Ano ang sinisimbolo ng ilaw sa saknong ng tulang binasa?

a)

bisyo

b)

kayamanan

c)

panghihikayat

d)

tukso

17.

Ang ilaw na iyang maganda sa mata Na may liwanag nang kahali-halina Dapat mong layuan, iyo’y palamara Pinapatay bawat malapit sa kaniya

Ano ang angkop na matalinghagang pananalita sa imahe ng saknong ng tulang binasa?

a)

isang kisap-mata

b)

bukas ang isipan

c)

ibaon sa hukay

d)

ikurus sa noo

18.

Ang pagsasaling wika sa kwentong "Ang Paglisan"

a)

He leaves me

b)

Fall Apart

c)

Things Falls Apart

d)

Things Fall Apart

19.

Ang batang kinupkop ni Okonkwo at kanyang pinaslang, na naging resulta sa kanyang pagdadalamhati

a)

Amalinze

b)

Sundiata

c)

Ikemefuna

d)

Obereika

20.

Ano ang alaga ng Kibuka na sobra niyang kinawiwilihan?

a)

pusa

b)

aso

c)

langgam

d)

biik

21.

Katangian ng isang impormal na sanaysay_____________________________.

a)

kinakailangan ng mahusay na pagsasaliksik

b)

pakikipagkaibigan ang tono

c)

maingat na pinipili ang mga salita

d)

may basehan ang pagkakasulat

22.

Katangian ng isang pormal na sanaysay_____________________________

a)

nagsisilbing aliwan/libangan

b)

pakikipagkaibigan ang tono

c)

maingat na pinipili ang mga salita

d)

subhetibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda

23.

Ang ____________ay maikling kwento ng isang nakakawili at nakakatuwang pangyayari o insidente sa buhay ng tao.

a)

tula

b)

salaysay

c)

talumpati

d)

anekdota

24.

Mangusap ka, aking musmos na supling Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak Kamay na magpapasaya sa iyong ama Mula sa tulang ‘Hele ng Ina sa Kanyang Panganay’

Ano ang gusto ng ina na maging sa kanyang panganay na anak?

a)

inhenyero

b)

piloto

c)

mandirigma

d)

doktor

25.

Mangusap ka, aking musmos na supling Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak Kamay na magpapasaya sa iyong ama Mula sa tulang ‘Hele ng Ina sa Kanyang Panganay’

Ang tulang nasa itaas ay isang tulang _______________.

a)

malaya

b)

tradisyunal

c)

blanko berso

d)

pormal