wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP Reviewer

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Basahing mabuti ang bawat pangungusap/ katanungan. Piliin ang wastong sagot.


Ang ekonomiya ay inihahambing sa pamamahala sa _________, dahil katulad nito kailangan pagkasyahin ang

lahat ng bayarin upang makapamuhay ng mahusay ang tao.

a)

bahay

b)

kubo

c)

palengke

d)

daan

2.

Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa.

a)

pamamahala ng budget sa isang bahay.

b)

pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan.

c)

pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.

d)

pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan.

3.

Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?


a)

Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan.

b)

Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan.

c)

Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan.

d)

Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan.

4.

Maliban sa pagtaas ng antas ng kakayanan ng isang lipunan. Ano sa mga sumusunod ang maibibigay ng

paglago ng ekonomiya?

a)

Pera at alahas

b)

Pagkain at tubig

c)

Lupa at lote

d)

Produkto at serbisyo

5.

Ang mga sumusunod ay paraan kung paano malalaman ang estado ng ekonomiya sa isang lugar o bansa maliban sa isa.

a)

Natataya ang agwat ng bilang ng mga mayayaman sa mga mahihirap.

b)

Madaming namumuhunan o nagtatayo ng Negosyo

c)

Maraming ang nakakakain ng masarap na pagkain

d)

Mas marami ang may hanapbuhay kesa sa wala.

6.

Sa bayan ng Morong ay maraming nagtatayo ng mga negosyo at nangangapital. Ano ang magandang epekto

nito sa taong mga nakatira dito?

a)

Maraming magkakaroon ng trabaho

b)

Maraming lugar ang maaring pasyalan .

c)

Maraming produkto ang maaaring mabili

d)

Maraming lugar ang maaaring pasyalan.

7.

Alin sa mga sitwasyon sa ibaba ang nagpapakita ng hindi magandang ekonomiya sa pamilya?

a)

Ang pamilyang Santos ay naputulan ng serbisyo ng kuryente at tubig.

b)

Ang pamilyang Banton ay nagpagpatayo ng kanilang maliit na negosyo.

c)

Ang bawat kasapi ng pamilya Roque ay may hanapbuhay.

d)

Ang pamilyang Cruz ay nakakain ng tatlong beses sa isang araw.

8.

Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng manggagawa sa ekonomiya maliban sa isa.

a)

Sila ang lakas ng paggawa.

b)

Sila ang tutulong sa pagpapaunlad ng ating bansa

c)

Sila ang magbubukas sa maraming oportunidad para sa paglago ng ekonomiya.

d)

Sila ang babayaran para bumuo ng produkto.

9.

Ang ekonomiya ay hindi lamang para sa sariling pag-unlad kundi sa ______________ .

a)

paglubog ng iba

b)

pagkain ng lahat

c)

pag-unlad ng lahat

d)

pagka-utang ng iba

10.

Sino sa mga sumusunod ang lumilikha ng mga pagkakataon na makapamuhunan sa bansa ang mga may kapital?

a)

Magsasaka

b)

Manggagawa

c)

Mag-aaral

d)

Mamamayan