NEW
Font size
WorksheetsUnang Markahang Pagsusulit sa Mother Tongue
Total questions: 60
Worksheet time: 30mins
1. Ilan ang pantig sa salitang paru-paro?
4
3
5
Alin sa ibaba ang may tamang pagpapantig?
paa-ra-lan
pa-a-ra-lan
pa-ar-a-lan
3. Alin sa ibaba ang may tamang pagpapantig?
kar-pin-te-ro
kar-pin-tero
ka-r-pin-te-ro
Alin sa ibaba ang may tamang pagpapantig?
mag-sasaka
mag-sa-sa-ka
magsa-sa-ka
Ilang pantig mayroon ang salitang kaunlaran?
5
4
3
Alin sa mga salita ang may angkop na pagpapantig?
mag-ka-kla-se
ma-gk-a-kla-se
mag-kakla-se
Ito ay pangngalang maaaring mabilang.
Pangngalan
Pangngalang Pamilang
Pangngalang- Di Pamilang
8.to ay mga pangngalan na hindi pwedeng mabilang. Maaari
lamang itong mabilang kung ito ay lalagyan ng mga tandang pamilang.
Pangngalan
Pangngalang Pamilang
Pangngalang Di Pamilang
Ang larawan ay pangngalang
Pamilang
Di-Pamilang
Pang-uri
Ang larawan ay pangngalang _______
Pamilang
DI -Pamilang
Pang-uri
Nagluto si Aling Karla ng spaghetti para sa kaarawan ni Mijo. Ang spaghetti ay pangngalang __
Pamilang
DI-Pamilang
Panghalip
Umiinom si Ella ng isang basong gatas bago matulog.
pamilang
di-pamilang
pang-uri
Ako at si Myrna ay sasama sa field trip sa Sabado. Magdadala ______ ng baon naming pagkain.
Ako
Kami
Ikaw
Sinabi ni Bb. Cases na dapat ____ magtulungan upang mapabilis ang gawain natin.
tayong
ako
siya
Kami ni Nanay ang maglalaba at _____ naman Rina ang magdidilig ng mga halaman.
ikaw
ako
tayo
Teacher Jo ang pangalan ko. ____ay nagtuturo sa Balmor Christian School.
Kami
Ako
Sila
Nasaan si tatay? Umalis ba ___?
Kami
Kayo
siya
Ang ito, iyan , at iyon ay ginagamit na pamalit o panghalili sa mga bagay na itinuturo. Tinatawag ang mga ito na _______
Pamatlig
Pananong
Panao
Ginagamiit na pamalit sa ngalan ng dalawa o higit pang tao kabilang ang nagsasalita at ang kinakausap.
kami
kayo
tayo
Panghalip pamatlig na ginagamit kung ang itinuturo ay malapit sa nagsasalita.
Ito
Iyan
Iyon
Panghalip na ginagamit pangturo sa tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
Panao
Pananong
Pamatlig
Panghalip pamatlig na ginagamit panturo kung malayo sa kausap at nagsasalita.
ito
iyan
iyon
Nasa loob ng bahay ang magkapatid na sina Emman at Diego. Narinig nila ang kanilang alaga. “Tumatahol ang aso sa labas. Baka gutom na ____________ ,” sabi ni Diego.
ito
iyon
iyan
Ang bulkan ay ang Bulkang Taal. ________ ang pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas.
iyon
ito
iyan
____ ang sumundo saiyo sa palengke?
Sino-sino
SIno
Ilan
____ang relihiyon ng karamihan sa mga Pilipino?
SIno
Ano
Saan
_______ galing ang sulat na natanggap mo?
Sino
Kanino
Magkano
________ ang mga imbitado sa kaarawan ni Glyza?
Sino-sino
Ano-ano
Kani-kanino
__________ang paborito mong isda? Tilapya o bangus?
SIno
Saan
Ano
__________tayo hihingi ng tulong sa paglipat ng mga kagamitan?
Ano
Magkano
Kanino
___________ang mga gamit na iuuwi natin sa probinsiya?
Ano-ano
Sino-sino
Saan-saan
________ang mga babala na nakikita sa isang paaralan?
Sino-sino
Ano-ano
Ilan-ilan
___________ang aklat na naiwan sa mesa?
Sino
Kanino
Ilan
___________ang palitan ng dolyar ngayon?
Ilan
Paano
Magkano
___________ang dadalhin nating tuwalya?
Saan
Ano
Ilan
_______ang pangunahing sangkap ng sabaw na ito?
Sino
Saan
Ano
_________ang maghahatid ng tanghalian mo sa paaralan?
Sino
Saan
Magkano
_________ang mga pangunahing produkto ng rehiyon ng Bikol?
Ano-ano
SIno-sino
Ilan-ilan
Ang Pang-uri ay salitang ___________ sa pangngalan at panghalip
naglalarawan
nagpapasaya
tumutukoy
Alin ang salitang naglalarawan sa pangungusap?
Masarap humiga sa malambot na kama.
kama
masarap
malambot
Alin ang salitang naglalarawan sa pangungusap.
Binasa ko ang makapal na libro kanina.
makapal
libro
kanina
Ano ang salitang naglalarawan sa pangngalan sa pangungusap?
Sa bahay na puti nakatira si Daniel at ang kanyang pamilya.
bahay
puti
pamilya
Ang matipid na mag-aaral ay maraming naiipong pera.Alin sa mga nakasalangguhit na salita ang pang-uri?
matipid
mag-aaral
pera
Si Dennis ay totoong kapuri-puri. Ano ang salitang naglalarawan sa pangungusap?
Dennis
kapuri-puri
totoo
Ang banderang pula ay isinabit sa bintana. Alin ang salitang pang-uri?
bandera
bintana
pula
May ___________ ba na saging sa kusina? Alin ang angkop na pang-uri?
hinog
maasim
luto
Huwag kang lumapit sa ________na hayop. Ano ang angkop na pang -uri?
marami
mabangis
hinog
Si Jenny ang pinakamatalino sa klase ni Binibining Palogan. Ano ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit?
lantay
pahambing
pasukdol
Ang ani natin ngayon ay mas malaki kaysa noong isang taon. Ano ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit?
lantay
pahambing
pasukdol
51. Malayo ang bahay ng aking kamag-aral mula sa aming paaralan. Ano ang kaantasan ng pang-uring may salungguhit?
lantay
pahambing
pasukdol
Tukuyin ang pangalan ng nakasalungguhit.
Ang Pilipinas ay ang aking bansang tinitirhan
Pambalana
Pantangi
Pangngalan
Piliin ang pangngalang pantangi sa pangungusap.
Ipinagdiriwang ang pasko tuwing ika-25 ng Disyembre.
pasko
Disyembre
Ipinagdiriwang
Tiyak o partikular na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
Pantangi
Pambalana
Pangngalan
Hindi tiyak o hindi partikular na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari
Pantangi
Pambalana
Pangngalan
Piliin ang pambalana sa pangungusap.
Bago ang aking sapatos.
bago
sapatos
walang pangngalan
57. Kakain kami sa Chowking.
Ang salitang may salungguhit ay ______
pantangi
pambalana
bagay
58. Ang aking aklat ay marumi. Ang salitang may salungguhit ay __________.
pantangi
pambalana
pang-uri
Sa Taguig City nakatira ang aking kaibigan. Ang salitang may salungguhit ay______
Pantangi
Pambalana
Panghalip
Niregaluhan ako ng bagong celphone ng aking kapatid. Ang salitang may salungguhit ay _______
Pantangi
Pambalana
Pang-uri
60. Alin sa sumusunod ang pantangi?
aso
lapis
Manila
