WorksheetsQ-1/ 1ST SUMMATIVE TEST
Total questions: 30
Worksheet time: 18mins
Ang mga isyung ito ay nagaganap sa kasalukuyan
at may malinaw na epekto sa lipunan.
A. Isyung Pangkapaligiran
B. Kontemporaryong Isyu
C. Isyung Pangkalakalan
D. Isyung Pangkalusugan
Saang isyu nabibilang ang samahang pandaigdigan
na binubuo ng iba’t ibang kinatawan mula sa pambansang organisasyon para
sa pandaigdigang katahimikan at pagkakaisa?
A. Isyung Pangkalakalan
B. Isyung Pangkalusugan
C. Isyung Panlipunan
D. Isyung Pangkapaligiran
Alin sa sumusunod ang hindi kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
A. Natutukoy ang katotohanan at opinyon.
B. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.
C. Pagkilala sa sanggunian.
D. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.
Ang isang isyu ay maaaring pag-aralan sa
pamamagitan ng pagsusuri ng ilang bahagi nito, alin sa sumusunod ang
kabilang dito?
I. uri
II. sanggunian
III. kahalagahan
epekto
A. I
B. II
C. I, II, III, IV
D. II, III
Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng pag-aaral ng
kontemporaryong isyu?
I. Nagiging mulat sa katotohanan.
II. Nahahasa ang kritikal na pag-iisip.
III. Napalalawak ang kaalaman.
IV. Napauunlad ang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa.
A. I
B. I, II
C. I, II, III
D. I, II, III, IV
Ito ang pinakamalaking uri ng itinatapong basura ayon sa ulat ng National Solid Waste Management Status Report noong 2015.
A. biodegradable
B. nuclear waste
C. solid waste
D. electronic waste
Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa Pilipinas?
A. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
B. Ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao
C. Kawalan ng hanapbuhay ng mga tao
D. Hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno
Ang sumusunod ay masamang epekto ng solid waste maliban sa ______
A. Nagiging sanhi ng pagbaha
B. Nagpapalala sa paglaganap ng sakit gaya ng dengue at cholera
C. Nakadadagdag sa suliranin sa polusyon ang pagsusunog sa mga ito
D. Nadaragdagan ang bilang ng mga waste pickers na kumikita sa mga ito
6. Ito ay ang Non-Government Organization na nagsusulong sa karapatan ng mga Pilpino sa balanse at malusog na kapaligiran.
A. Greenpeace
B. Mother Earth Foundation
C. Bantay Kalikasan
D. Clean and Green Foundation
Anong batas ang lumikha sa mga Material Recovery Facility (MRF) sa bansa?
A. Republic Act 9003
B. Republic Act 115
C. Republic Act 2649
D. Republic Act 9072
6. Bakit sinasabing ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing naaapektuhan ng nagaganap na deforestation?
A. Ang patuloy na pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng kanilang pinagkukunan ng pangangailangan
B. Karamihan sa kanila ay nakatira malapit sa mga kagubatan
C. Sila ay napeperwisyo sa mga illegal na gawain ng mga tao
D. Wala silang magawa kung hindi makipagtulungan sa mga illegal loggers
Dahil sa mabilis na paglaki ng populasyon, tumataas ang demand sa mga pangunahing produkto na dahilan kung kaya ang dating kagubatan ay ginagawang plantasyon, subdibisyon, at iba pa. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa gawaing ito?
A. Land reform
B. Land use
C. Land grabbing
D. Land Conversion
Noong 1992, isinabatas ang Republic Act No. 7586 o ang National Integrated Protected Areas System o NIPAS. Alin sa sumusunod ang layunin nito?
A. Pangalagaan ang mga protected areas mula sa pang-aabuso
B. Rehabilitasyon ng 1.4 milyong ektaryang kagubatan
C. Paghikayat sa mga taong makilahok sa mga tree planting activities
D. Lahat ng nabanggit
Alin sa sumusunod ang layunin ng Batas Republika 9072 o National Caves and Cave Resources Management and Protection Act?
A. Ingatan, panatilihin, at protektahan ang mga kweba ng bansa
B. Gawing mga tourist attractions ang mga kweba sa ating bansa
C. Linangin at pakinabangan ang mga kweba at mga yaman nito
D. Itaguyod ang pagsasapribado sa mga kweba upang magkaroon ng kita ang pamahalaan
Ang batas na ito ay ginawa upang maprotektahan at mapag-ingatan ang mga kagubatan sa pamamagitan ng pagbabawal sa paggamit ng mga chainsaw.
A. RA 9072
B. RA 9147
C. RA 9175
D. RA 7586
Alin sa sumusunod ang layunin ng Climate Change Commission na nilikha sa ilalim ng Climate Change Act of 2009?
A. Panatilihing malinis ang hangin sa bansa
B. Gumawa, sumubaybay at sumuri ng mga programa at pagkilos sa pagbabago ng klima
C. Pagaanin ang negatibong epekto ng climate change
D. Mapahusay ang kakayahan ng mga negosyante na gumamit ng environment friendly na estratehiya upang mapaunlad ang ekonomiya
Ang Pilipinas ay apektado ng nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa ating bansa?
A. Pagtaas sa insidente ng dengue
B. Pagliit ng produksiyon ng pagkain
C. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides
D. lahat ng nabanggit
Ang pag-init ng temperatura ng mundo ay nagdudulot ng mga sakuna gaya ng heatwave, baha, at tagtuyot. Alin sa sumusunod ang maaaring maging epekto nito?
A. Pagdami ng sakit gaya ng dengue, diarrhia, malnutrisyon at iba pa
B. Pagkakaroon ng marami at malalakas na bagyo
C. Pag-iral ng mga pangklimang penomena gaya ng La Nina at El Nino
D. Pagkakaroon ng tinatawag na global warming
Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, isa ito sa mga bansang labis na apektado ng climate change lalo na ang sektor ng pagsasaka at pangingisda. Ano ang maaring implikasyon nito sa kabuhayan ng mga mamamayan?
A. Nagdudulot ito ng panganib sa seguridad ng pagkain
B. Nanganganib lumubog ang mga mababang bahagi ng bansa
C. Nagiging sagabal ito sa pag-unlad ng bansa
D. Sanhi ito ng paglikas ng mga tao papuntang siyudad
Alin sa sumusunod ang hindi tamang pahayag tungkol sa epekto ng climate change?
A. Mataas ang banta ng epekto ng climate change sa Pilipinas
B. Malaki at seryoso ang epekto ng climate change sa kapaligiran
C. Hindi maaring makialam ang indibidwal na tao sa pagsugpo sa climate change dahil gawain lang ito ng pamahalaan
D. Halos kalahati ng populasyon ng buong mundo ay nakararanas ng masama epekto ng climate change
TEST II.
PANUTO: Basahin ang bawat pangyayari. Piliin ang letrang K kung maituturing itong kontemporaryong isyu at H kung hindi.
1. Pagkawala ng trabaho ng mga tao
K
H
2. Pandaraya sa pamilihan
K
H
3. Diskriminasyon sa edad
K
H
4. Hindi pagkapantay-pantay sa lipunan
K
H
5. Suliranin ng mag-anak
K
H
TEST III.
PANUTO: I-type ang letrang T kung ang pinapahiwatig ng pangungusap ay tama at palitan ng tamang sagot ang nasalungguhitan na salita kung ito ay mali.
1. Ang kontemporaryong isyu ay anumang pangayayari, paksa, tema, opinyon, o ideya na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
(a)
2. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay makatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.
(a)
3. Sa pagbabasa ng mga print media ay nahuhubog ang kasanayang pangwika
at siyensiya
(a)
4. Ang free trade ay halimbawa ng isyung pangkalusugan.
(a)
Inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit ng facebook upang mahubog ang kasanayan sa pagbabasa.
(a)
