NEW
Font size
WorksheetsARALING PANLIPUNAN 10- QUARTER 1- MODULE 1 & 2
Total questions: 25
Worksheet time: 12mins
Ang ____________________ ay mga pangyayari na nagdudulot ng malaking usapin para sa bansa.
Headlines
Sociological Imagination
Contemporary Issues
Social Issues
Dalawang uri ng sanggunian: _________________ at ____________________
primaryang sanggunian at sekondaryang sanggunian
internasyunal at lokal na sanggunian
balitang nasyunal at balitang local
pahayagan o telebisyon
Ito ay lupon o pangkat ng mamamayan na naninirahan sa isang komunidad na may magkakaugnay na interes at nagkakasundo sa iisang adhikain.
Pamayanan
Lipunan
Komunidad
Bayan
Ang mga elemento ng institusyong panlipunan.
Pamilya,Paaralan,Ekonomiya,Pamahalaan,Pananampalataya
Norms,Values,Symbols,Beliefs
Institusyon,Status,Social Group,Gampanin
Pamilya,Paniniwala, Paaralan ,Pagpapahalaga
May pagkakaiba-iba sa interpretasyon tungkol sa mga bagay na mahalaga para sa ating pamumuhay halimbawa ay ang pagkakaroon ng mga curfew sa loob ng tahanan, pagsisimba tuwing araw ng linggo, pagkain hapunan ng sabay– sabay ng isang pamilya. Tukuyin kung anong bahagi ng kultura ang mga ito.
paniniwala
simbolo
pagpapahalaga
norms
Ang kaugalian sa pagbibigay ng dote o abot–kaya ay isang halimbawa ng paniniwala ng mga Pilipino sa bahagi ng Panay. Ito ay pagbibigay ng regalo ng mga lalaki sa kanilang nais pakasalang binukot.
Tama
parehong A at B
Mali
Wala sa nabanggit
Kumpletuhin ang pahayag. Mahalaga ang pag-aaral sapagkat ______________
ito ay isang bahagi ng achieved status ng tao.
ang pagtatapos ng pag-aaral ay bahagi ng pagbabago sa kanyang pamumuhay.
tama ang dalawang pahayag.
Wala sa nabanggit
Nagkakaiba– iba ang ___________ batay sa paglalarawan ng isang lipunan.
A. B. C. D.
kultura
simbolo
pagpapahalaga
norms
Isang kaugalian sa mga Pilipino ay ang pagsusuot ng damit na bilog—bilog tuwing Bagong Taon.
Paniniwala. Sapagkat ito ay nagsalin-salin sa ating mga ninuno.
Pagpapahalaga. Isang halimbawa ng pagpapasalamat sa buong taon na puno o siksik ng pagpapala.
Norms. Nakahihiya sa ating pamilya ang wala tayong handa para sa okasyon.
Simbolo. Pagpapakita ng pagpasasalamat para sa bansa.
Ang kultura ay nahati sa dalawa: ang ______________ ay tumutukoy sa mga bagay na nahahawakan katulad ng mga kagamitan, mga larawang–guhit at mga alahas samantalang ang mga _____________ ay mga uri ng kultura na ipinapakita sa kilos, ugali at mga gawi ng pamayanan.
Materyal na Kultura at Di-Materyal na Kultura
Di–Materyal na Kultura at Materyal na Kultura
Primaryang Kultura at Sekondaryang Kultura
Sekondaryang Kultura at Primaryang Kultura
Isa sa mga institusyon ng lipunan ay ang ____________ na nagpapabago sa estado ng buhay at pagtingin ng lipunan sa tao.
social group
status
gampanin
institusyon
12. Ang social group ay nagpapakita ng ugnayan ng mamamayan sa kanyang kapwa. Tukuyin kung alin ang nagpapakita ng secondary group.
Si Danya ay luluwas ng Kamaynilaan upang tumira sa kanyang lola na maysakit.
Si Carlos ay nagdesisyon na umuwi sa kanyang probinsya upang makasama ang kanyang pamilya
Si Amboy ay nagtatrabaho kay Atty. Mallari bilang driver at houseboy.
Si Jenny ay naglilinis ng bahay kapalit ng kanyang pagtira sa kanyang tiyahin.
Ito ay mga usapin na maaaring solusyon sa kamay ng isang tao lamang.
Isyung Panlipunan
Isyung Personal
Isyung Pampayanan
Isyung Pansarili
Ang pinakamalaking bahagdan ng basura sa ating bansa ay nagmumula sa ____________?
komersyal
industriyal
institusyunal
residensyal o tahanan
Ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay naglabas ng anong programa upang mabawasan ang problema sa basura
Material Recovery Facility
Segregation Waste Facility
Basura Mo, Piso Mo
Project Dumpsite
. Isang dahilan kung bakit malakas ang negosyo ng turismo sa bansa?
Dahil tanggap ng mga Pilipino ang lahat ng lahing banyaga.
Sapagkat nais tumakas ng mga dayuhan sa kanilang bansa.
Sapagkat maraming magagandang pasyalan sa bansa.
Dahil maraming lupain na maaaring tayuan ng bahay sa bansa.
Mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran, maliban sa isa:
Makahikayat ng mga dayuhan upang mapataas ang kita ng turismo ng bansa.
Mapanatili ang kaayusan at ang kagandahan ng ating mga likas na yaman.
Nararapat na magtulungan upang masugpo ang mga suliraning pangkapaligiran.
Upang hindi na maglabas ng pondo ang pamahalaan para sa pagpapanatili ng kaayusan ng ating likas na yaman.
Ang electronic waste ang pangunahing kinukuha ng waste picker upang ibenta at pakinabangan.
Tama ang unang pahayag at ikalawang pahayag.
Tama ang unang pahayag at mali ang ikalawang pahayag.
Mali ang unang pahayag at tama ang ikalawang pahayag.
Mali ang una at ikalawang pahayag.
Maraming dahilan kung bakit hindi natatapos ang problema ng bansa sa basura, alin ang hindi kabilang sa mga ito?
Ang maling pagtatapon ng basura sa mga kanal, estero, bakanteng lote ay nagdudulot ng malawakang pagbaha.
Ang pagsusunog ng mga basura sa mga bakuran
Ang paggawa ng compost pit sa ating mga bakuran.
Ang pagsunog ng mga gulong at ibang goma sa ating paligid.
Ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay naglalayong maibsan ang suliranin sa basura ng bansa. Saang batas ito nakasaad?
P.D. 9000
P.D. 9008
R.A. 9003
R.A. 9006
Iba-iba ang mga pinagmumulan ng basura sa bansa. Alin sa sumusunod ang mga ito?
Tahanan, Industiyal, Opisina, Ospital
Komersyal, Pabrika, Institusyunal, Kabahayan
Tanggapan, Ospital, Pabrika, Paaralan
Residensyal, Komersyal, Institusyunal, Industriyal
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng residual waste?
diaper
gulong
tuyong sanga ng punongkahoy
syringes
Mga halimbawa ng basura mula sa mga kabahayan maliban sa isa:
mga kemikal sa pabrika
mga lalagyan ng pataba ng lupa
mga lumang testpapers at mga libro
mga sirang appliances
Ang ahensya ng Pilipinas na nangangalaga sa ating likas na yaman.
Department of Science and Technology
Department of Transportation
Department of Environment and Natural Resources
Department of Education
Dahilan kung bakit patuloy na lumiliit ang produksyon ng sektor ng agrikultura maliban sa isa.
patuloy na pagkasira ng lupang sakahan dulot ng El Niño
pagkawasak ng mga palaisdaan
pagdami ng subdivision at mall
pagdagsa ng suporta ng mga tulong para sa sektor ng agrikultuRA
