Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Qrtr 1 - PT Filipino 8

Total questions: 45

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Kung walang tiyaga, walang nilaga.

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

Kasabihan

2.

Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan ay hindi maaasahan.

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

Kasabihan

3.

Lantang gulay

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

Kasabihan

4.

Ang batang malinis sa katawan ay malayo sa karamdaman.

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

Kasabihan

5.

Kung ano ang puno, siyang bunga.

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

Kasabihan

6.

Nagsusunog ng kilay

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

Kasabihan

7.

Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

Kasabihan

8.

Ang ginawa sa pagkabata, kadalasan ay nadadala sa pagtanda.

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

Kasabihan

9.

Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

Kasabihan

10.

Bukas-palad

a)

Salawikain

b)

Sawikain

c)

Kasabihan

11.

Tirik ang araw noong araw na iyon subalit malamig sa masukal na kagubatan.

a)

katanghalian

b)

hatinggabi

c)

madaling-araw

d)

dapit-hapon

12.

Magaganap ang isang masayang pag-iisang dibdib sa tribong iyon.

a)

kaarawan

b)

binyag

c)

kasalan

d)

pagtitipon

13.

Nagtutuksuhan ang kababaihan dahil ayon sa kanila, malapitt nang maging ilaw ng tahanan ang isa sa kanila.

a)

tiya

b)

lola

c)

ina

d)

guro

14.

Gayundin naman ang kalalakihan, dahil sa wakas, magkakaroon na ng sariling pugad ng pagmamahalan ang kanilang pag-iibigan.

a)

tahanan

b)

bahay

c)

papeles

d)

katibayan

15.

Ilan kaya ang magiging bunga ng pagmamahalan ng mga ikakasal?

a)

kasagutan

b)

bisita

c)

matalik na kaibigan

d)

anak

16.

Dapat na maging masipag at matatag ang haligi ng tahanan para sa buong pamilya.

a)

lolo

b)

ama

c)

tiyo

d)

kuya

17.

Handa na si Samuel na magaroon ng kapilas ng buhay.

a)

kaaway

b)

kaibigan

c)

asawa

d)

pagsubok

18.

Itinakda na ang araw ng paglagay sa tahimik nina Samuel at Ruth.

a)

pagsumpa

b)

kasal

c)

pagmamahal

d)

pagsasama

19.

Naging matapat si Samuel sa paghingi ng kamay ni Ruth.

a)

tuluyang pamamaalam

b)

pagbibigay ng permiso

c)

paglalahad ng intensiyon

d)

pagpapaalam na magpapakasal

20.

Ipinagmalaki ni Aling Beth na busilak ang puso ng kanyang na si Ruth.

a)

maputi

b)

mabuti

c)

malinis

d)

mapagkumbaba

21.

Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo at iluluwa kapag napaso.

Nagbibilin ang pahayag na ito na:

a)

Mahalagang isipin muna kung may pagkaing pagsasaluhan ang mag-asawa.

b)

Magkakaroon ng hindi magandang bunga ang pag-aasawa nang maaga.

c)

Importanteng maging maingat sa pagpili ng petsa at araw ng pagpapakasal.

d)

Dapat na pag-isipang mabuti ang pag-aasawa dahil malaking responsibilidad ito.

22.

Tandaan kung ano ang lakad ng alimangong matanda, siya ring lakad ng alimangong bata.

Pinaaalalahanan nito ang mga nakakatatanda na:

a)

Pareho lamang sila ng mga ikinikilos ng mga nakababata.

b)

May sariling katangian ang mga nakababata kaya huwag silang pakialaman.

c)

Maging maingat sa pagkilos dahil ginagaya sila ng mga nakababata.

d)

Magpakabait sila sa mga makabagong kabataan sa kasalukuyan.

23.

Habang maiksi ang kumot matutong mamaluktot. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito na:

a)

Magpayaman muna bago isipin ang pag-aasawa.

b)

Maikli lamang ang buhay kaya dapat lamang magpakasaya.

c)

Maraming tao ang gumagastos nang higit sa kanilang kinikita.

d)

Matutong magtiis at magtiyaga hanggang wala pang sapat na kakayahan.

24.

Ang pagsasama nang tapat, pagsasama nang maluwat.

Nagpapaalala ang pahayag na ito na:

a)

Makabubuting kalimutan na ang pakikisama nang tapat.

b)

Kung makikisama, dapat tiyaking matagal ang pagkakaibigan.

c)

Mahalaga ang pagiging matapat upang magtagal ang samahan.

d)

Tiyakin munang magtatagal ang samahan bago maging matapat

25.

Kung may hirap, may ginhawa.

Nagbibigay ng pag-asa ang pahayag na ito sa mga taong:

a)

Nagpapahalaga sa masikap na pag-aaral at paggawa

b)

May tapat na pagmamalasakit sa kapuwa at sa bayan

c)

Nagsisikap sa buhay at hindi sumusuko sa mga pagsubok

d)

Nagpapakita nang pagpapahalaga sa panalangin at paggawa

26.

16. …ibig naming idulog sa inyo ang nais ng aming kaisa-isang anak na si Samuel.

a)

Pagpapaalam dahil may pupuntahan

b)

Pangungumusta sa mahahalagang bagay

c)

Paghingi ng opinion tungkol sa isang plano

d)

Paghingi ng paumanhin sa nagawang kasalanan

27.

Bukas po ang aming tahanan sa inyo.

a)

Kahandaan sa pagtulong

b)

Maligayang pagtanggap sa bisita

c)

Kahusayan sa pag-aayos ng bahay

d)

Napipilitang pagpapatuloy sa bahay

28.

Nabanggit nga po ng dalaga namin sa aming magkabiyak na darating kayo ngayong gabi.

a)

Pagkagulat sa pagdating ng bisita

b)

Kasiyahan sa pagtanggap sa mga tao

c)

Inaasahang pagdating ng mga panauhin

d)

Kalungkutan sa pagpunta ng mga mag-anak

29.

Pakaisipin ninyo ng isandaang beses bago kayo mapasubo sa isang bagay na hindi na mauurungan.

a)

Pagpapaalala sa gagawing desisyon

b)

Pagtutol sa plano ng magkasintahan

c)

Pagwawalang-bahala sa pinag-uusapan

d)

Pagsang-ayon sa pagpapakasal ng dalawa

30.

Kung gayon, pag-usapan na natin ang gagawing paghahanda para sa mahabang dulang.

a)

Pag-uusap sa gagawing handaan

b)

Paghingi ng magarbong pagdiriwang

c)

Pakikipagkasundo sa nakaaway na tao

d)

Pagpili ng magagandang gamit pangkasal

31.

Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa nakalipas na taon.

a)

Paghahambing na magkatulad

b)

Paghahambing na di-magkatulad

32.

Si Rene ay di-gaanong masipag na gaya ni Ramil.

a)

Paghahambing na magkatulad

b)

Paghahambing na di-magkatulad

33.

Si Chester ay kasinggaling ni Danilo sa pagsayaw.

a)

Paghahambing na magkatulad

b)

Paghahambing na di-magkatulad

34.

Ang nakita naming buwaya sa lawa ay kasinlaki ng bangka.

a)

Paghahambing na magkatulad

b)

Paghahambing na di-magkatulad

35.

Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang pagsusulit.

a)

Paghahambing na magkatulad

b)

Paghahambing na di-magkatulad

36.

Kasimbata ng anak mo ang pamangkin ko

a)

Paghahambing na magkatulad

b)

Paghahambing na di-magkatulad

37.

Ang ani ng mga magsasaka ay mas masagana ngayon kaysa nakaraang taon.

a)

Paghahambing na magkatulad

b)

Paghahambing na di-magkatulad

38.

Di-hamak na malawak ang lupain niya kaysa bukid ni Mang Dionisio.

a)

Paghahambing na magkatulad

b)

Paghahambing na di-magkatulad

39.

Ang magkaibigan ay magkasintangkad.

a)

Paghahambing na magkatulad

b)

Paghahambing na di-magkatulad

40.

Gabutil ang yelong umulan sa Iloilo

a)

Paghahambing na magkatulad

b)

Paghahambing na di-magkatulad

41.

Ang koponan namin ay di-masyadong handa na gaya ng koponan ni Coach Alex.

a)

Paghahambing na magkatulad

b)

Paghahambing na di-magkatulad

42.

Pakiramdam ko ay sinlakas ko na si Herkules!

a)

Paghahambing na magkatulad

b)

Paghahambing na di-magkatulad

43.

Ang daloy ng trapiko ngayon sa NLEX ay di-gaanong mabigat na tulad ng daloy ng trapiko kahapon.

a)

Paghahambing na magkatulad

b)

Paghahambing na di-magkatulad

44.

Lalong mahirap ang pamumuhay namin dito kung ihahambing ito sa buhay namin sa probinsiya.

a)

Paghahambing na magkatulad

b)

Paghahambing na di-magkatulad

45.

Ang halik niya ay kasintamis ng tsokolate.

a)

Paghahambing na magkatulad

b)

Paghahambing na di-magkatulad